Chapter 3

8 0 0
                                    

''Hays, lulusong ka na naman sa ulan''  banggit ni Cyrus, hindi siya nakangiti. Well, di naman siya palangiti.'' B-Bat ka nandito?'' ani ko. Kinakabahan ako, parang nahahalata niya ata. 

Nagulat ako, umiwas siya ng tingin, ''Tara na... Kailangan mo na umuwi, sigurado hinihintay ka na ng kapatid mo'' mahinhin niyang sabi niya sa akin. Hindi ko namalayan na hawak niya na ng pulso ko at hinigit sa tabi niya, bakit ang bilis ng tibok ng puso ko? Hawak niya pa rin ang pulso ng kamay ko. Napabuntong-hininga ako, hindi ko dapat nararamdaman ito kay Cyrus. 

Ayokong mailang sa kanya, mabait siya, magalang, may respeto sa mga babae, may respeto sa magulang niya, at sa mga matatanda.

Ilang minuto kaming tumahimik pareho, hanggang sa makalabas na kami ng gate. ''hija, toy umuwi na kayo, gabing-gabi na'' saad ni manong guard.''Opo'' saad ni Cyrus.''Wala ng tricycle o jeep na namamasahe dito'' ani ni manong guard. ''Maglalakad nalang po kami kuya, salamat po'' saad niya. 

Nagsimula na siyang maglakad, sinundan ko siya dahil umuulan pa rin. Napansin kong hawak pa rin niya ang pulso ng kamay ko, balak niya bang bitawan ang pulso ng kamay ko? Napansin niya rin ata kaya agad-agad siyang bumitaw,''Sorry'' saad niya.''Okay lang'' sabi ko. Bakit di ako makapagsalita? Ang awkward na, gusto ko na magpalamon sa lupa huhu.

''Gusto kita''  nagulat ako at agad tinakpan ang bibig ko, huminto siya sa paglalakad at tumingin sakin, medyo namumula ako dahil,kailangan niyang yumuko para makita ako, hanggang balikat niya lang kasi ako.''Ha? A-Ano... S-Shane'' bago niya pa masabi ang sasabihin niya, nagsalita agad ako. Sasabog na yata ang puso ko dahil sa ginawa kong kahihiyan ''A-Ah wala,g-gumagawa kasi ako ng kanta eh kinakanta ko lang hehe'' ani ko. Nakakahiya ayoko na, sana bumuka ang lupa at kainin ako huhu.

''Ahh talaga, di mo samin sinasabi yon ah. Anong title ng kanta mo?'' wika ni Cyrus. ''Di ko pa alam, hindi pa masyadong compose yung kanta''ani ko.''Ahh sana macompose mo na tas pakinig mo samin'' saad niya sabay ngiti. Kinikilig ako dahil di siya pala-ngiti. 

Pakiramdam ko, naniwala siya sa palusot ko. Ngumiti siya at sign yun haha. Kalmado lang kami dahil, tahimik lang naman ang paligid. Makalipas ang ilang minuto, napansin namin na humihina na ang ulan, kaya isinara niya ang payong at nagpatuloy na kami sa paglalakad. 

May kalayuan ang bahay namin ni Cyrus, madami naman ilaw na naka kabit sa paligid. Napangiti ako dahil sa pagsabay ng mga yapak namin, hindi ko alam kung bakit.

Nakasuksok ang kaliwang kamay niya sa sports shorts niya,hawak niya naman sa kabilang kamay niya ang payong,naka-backpack siya, at halatang katatapos lang niyang mag-training.''Kamusta training mo?'' ani ko,''Ayos lang, medyo intense lang ng konti'' saad niya.''Ahh'' saad ko. Di ko na kasi alam kung ano sasabihin ko sa kanya haha.

*****

Dumaan ang mga minuto, nakarating na kami sa bahay ni Cyrus, naabutan namin si Lola Amor na nanonood ng mga lumang palabas sa Cinema One. Malaki ang bahay nila Cyrus, may anim na kwarto sa bahay nila. Madami kasi silang magkakapatid, Si kuya Mateo, Ate Alisa, Ate Ashina, at siya. Si kuya Mateo 3rd year college na, si ate alisa at Ashina ay grade 11 at 12. Magaganda at gwapo ang mga kapatid niya. Genes na rin siguro kasi Maganda at sexy ang nanay ni Cyrus, at Gwapo rin ang Papa ni Cyrus. 

Nang makarating kami sa tapat ng pinto, kumatok ng tatlong beses si Cyrus, bumukas agad ang pinto at lumapit si Lola Amor sa amin, halos maputi na ang buhok ni Lola Amor, wavy at mahaba ang buhok. Maputi at matangkad si Lola Amor, malalaman mo noong bata pa siya ay may itsura siya, palagi niyang sinusuot ang paborito niyang duster na makulay at mabulaklak. ''Nag-alala ako sayo Aries, hindi ka na tumawag, ikaw din Cyrus.'' ani ni Lola Amor. ''Naglakad lang po kasi kami La, tsaka pareho pong lowbat na ang mga cellphone namin. Pasensya na po'' saad ni Cyrus. ''  Ligtas naman kayong nakauwi, O siya, pagtitimpla ko muna kayo ng mainit na gatas. Sigurado pagod na kayo'' saad ni Lola Amor. ''Okay na po kami La, Iuuwi ko na po si Amelia'' saad ko.

Falling For HimWhere stories live. Discover now