Chapter 2

12 0 0
                                    

Pagkatapos namin kumain, binayaran na ni Cyrus ang bill at lumabas na kami. Sariwa pa rin sa isip ko, nung tinanong niya ko na ''totoo bang di ka parin na-iinlove?''. Wala akong maisagot sa kanya dahil...Ewan, di ko alam.


Umangkas na ako sa bisikleta niya at nagpedal na siya. Tahimik lang kami, awkward din naman kasi yung tungkol kanina. Tahimik lang talaga siya noon pa, Hindi siya palakibo katulad ng mga kaibigan namin. Iba talaga yung titig niya sakin nung tinanong niya ko, matutunaw ako sa titig niya huhu. Ibinaba niya na ako sa may gate ng bahay namin.''Pasensya na kung bigla kong natanong yon, pasensya na talaga''ani niya na may halong lambing at pasensya. My ghad di ko kinakaya, natutunaw na ko eme.'' ''Okay lang, alam ko naman na di mo yon sinasadya'' sabi ko. Tumango naman siya at nagpaalam.''Chat na lang tayo!''ani niya. ''Okay!! sabi ko. Kumayaw siya at namaalam sa akin.

Pumasok na ako sa bahay at sinalubong si mama, sinunod ang mga utos ni mama, nagwalis, naghain para sa aming hapunan, at naghugas ng pinggan. Naglinis na rin ako ng katawan, para maaliwalas ang pakiramdam ko sa pagtulog ko.

Hindi ako makatulog ng maayos, dahil sa tinanong niya sa akin kanina. Paulit-ulit siyang gumagambala sa utak ko.

May pagtingin ba ako sa kanya?

*******************************************

''Inang yan! Game Over!'' sigaw ni Zaijan sabay hagis sa nilalaro nilang play station na Tekken 7, sabay subsob ang mukha niya sa isang unan. Tumawa naman si Ethan at nagtatatalon sa tuwa dahil nanalo siya.

Dumating si Cyrus niya kung saan naglalaro ang dalawa kong bugok na kaibigan, at hinagisan sila ng tig-isang yakult. Nakita niyang nasa sahig na sina Zaijan at Ethan, nagbubugbogan at nagsasakalan sa higaan.

Hanggang sa lumandag si Cyrus sa kama at dinaganan ang dalawa. Hindi nakasarado ang kwarto ni Cyrus kaya't kitang-kita ko kung paano sila magpatayan. 

Mabilis kong kinuha ang itim na sapatos ni Zaijan na nasa labas ng kwarto ni Cyrus, at ibinato iyon sa kanilang tatlo.''Tumahimik nga kayo!'' panunuway ko sa kanila, dahil halos magiba na ang pangalwang palapag ng bahay nila dahil sa kakulitan at kaingayan nila.


Tumayo silang tatlo at umaktong parang walang nangyari. Inayos ang mga uniporme nila na gusot gusot at halatang dugyot na tingnan. Humalikipkip na lang ako at plano ka pa sana silang sermonan nang biglang pinulot ni Zaijan, ang medyas niya at binato niya ito na deretsong pumunta sa mukha ko sabay tawa ng malakas. 

Tumawa rin ng malakas si Ethan, at halatang nagtitimpi naman ng tawa si Cyrus. Sumigaw nalang ako sa inis. Hanggang sa sinunggaban ko siya at sinakal siya gamit ang braso ko. Nagkatinginan naman si Ethan at Cyrus at biglang kinilitib ni Zaijan, dahilan para mapasigaw ng ''MAMA!!''.

Ilang sandali pa, nagulat kami ng biglang sprayan kami ng lola ni Cyrus ng tubig ng pang spray sa mga halaman ni lola Amor.''La'' sabay naming reklamo kay lola Amor,''Jusko, kayo talagang apat basta't nandito kayo gigiba ang bahay''ani ni lola Amor.''La,Gawang hollow blocks naman yung bahay, marble tiles pa nga ih'' Pilosopong sabi ni Zaijan.''Nako,kayong apat ay magsikain na, may kalderetang baboy na nakahanda sa hapag-kainan''saad ni Lola Amor.


Napangiti naman kaming apat, tsaka nag-unahan pababa alam din namin na si Lola Amor ang nagluto nung kaldereta kaya siguradong masarap yon. Umupo na kami sa isang parihabang lamesa habang isa-isang sinasalin ni Lola Amor ang kalderetang baboy sa amin. Mahal na mahal talaga namin si Lola Amor dahil ang trato niya sa amin nina Zaijan at Ethan ay parang Apo niya na rin. Madalas kina Cyrus kami natambay para masarap ang miryenda namin. Lagi kasi kami pinagluluto ni Lola Amor o si Tita Nilda (Nanay ni Cyrus).

Falling For HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon