Chapter Sixteen

1K 69 22
                                    

NIYAKAP NI ZOE ang ama at nakahinga siya nang maluwang nang gantihan nito ang kanyang yakap. Mukhang mas dumami na ang puti nitong buhok pero mukhang masigla naman. Sunod siyang lumapit sa kanyang ina at yumakap. She was stiff but she hugged her back.

Pinamasaan siya ng mga mata pero hindi niya hinayaan ang sarili na ganap na maluha. Sunod niyang niyakap ang kanyang Ate Ruby. Mas maganda na ang relasyon niya rito kaysa sa kanilang kuya.

Tinanguan siya ni Brandon, ang kanyang kuya.

"The food is ready. Come on. Let's eat."

Tinungo nila ang lanai kung saan naroon ang mahabang mesa na pinagkaabalahang ayusin nang husto para sa kanilang brunch. Binati niya ang asawa ng kanyang ate bago sila nagsiupo. Sa una ay naging magaan ang usapan. Simpleng kumustahan. Hanggang sa hindi na makatiis ang kanyang ina.

"Let's talk about the miscarriage," anito.

"Mom, napagkasunduan natin na pagkatapos kumain saka natin pag-uusapan ang tungkol sa bagay na iyan."

"Bakit hindi na ngayon? Bakit pa tayo magkukunwari na hindi ang mga nangyayari kay Zoe ang dahilan ng pagtitipon na ito?"

"Bakit nga hindi na ngayon?" sabi ni Zoe, sinikap niyang ngumiti sa kabila ng pagiging uncomfortable. Hindi siguro dapat pero naisip niya na mas maganda kung makakapag-usap na para magkaroon pa siya ng sapat na panahon para magtungo kina Hermi. "First, let me apologize, especially to Mom and Dad." Tumingin siya sa kanyang mga magulang. Her dad's face softened when he looked at her. Her mom was still stiff. Hindi maganda ang pakiramdam niya sa pagiging ganoon nito.

"I'm so sorry for not reaching out, for not doing things better. Sorry kung hindi ko sinagot ang mga tawag ninyo nitong mga nakalipas na linggo. I was angry about what happened with my company. Then I was wrecked because of the miscarriage."

Inabot ng kanyang ate ang kanyang kamay at banayad na pinisil. "I'm so sorry for what happened."

"I'm so sorry if I didn't let you be there for me. I wasn't myself. I wasn't feeling okay and I had to be alone for a short while."

"It's okay," tugon nito sa banayad na tinig. "Ipinaliwanag na sa akin ni Charlotte ang lahat. What's important is that you're okay now. You are okay, right?"

Tumango si Zoe. "I am. I didn't do it alone. Someone special made me realize so many things about life and love. He helped me get through what happened." Napahawak siya sa heart locket na ibinigay ni Hermi sa kanya. "Nagkaroon ako ng kaunting panahon para mag-isip at para mag-heal. I'm ready to face the challenges of my life again."

"What were you thinking?!"

Halos sabay-sabay silang napatingin sa kanyang ina. Napalunok-lunok si Zoe nang mabasa ang galit sa mga mata nito. Dapat ay inasahan na niyang hindi magiging madali ang mga bagay-bagay pagdating sa kanyang ina.

"You got yourself pregnant!"

Kamuntikan nang maiusal ni Zoe ang mga katagang "I'm sorry." Parang naging habit na niya iyon kapag ganoon ang tono ng ina. Pero napigilan niya ang sarili sa huling sandali. She was not sorry. What happened with their baby was heartbreaking but she was not sorry about everything, especially Hermi. She found a wonderful man. Hindi niya gustong pagsisihan ang lahat ng mga naging desisyon pagdating sa lalaki kahit na labis din siyang nasaktan sa pagkawala ng anak. Gusto niyang paniwalaan na nangyari ang ilang bagay nitong mga nakalipas na buwan para matagpuan nila ni Hermi ang isa't isa. Para mabatid nilang sila ang laan para sa isa't isa.

"Hindi mo ba naisip na kaya ka nakunan ay dahil sa pinaparusahan ka sa pagiging imoral mo?"

Napasinghap si Zoe. Hindi niya akalain na sasabihin iyon ng ina sa kanya.

Something Wonderful (Complete)Where stories live. Discover now