Chapter Thirteen

584 39 6
                                    

"THANK YOU!"

Zoe laughed when the twins tackled her for a hug. Napahiga siya sa carpeted na sahig ng silid ng mga ito. Her heart warmed when they kissed her cheeks.

"Careful," sabi ni Hermi habang nakangiti.

"Thank your dad. Siya ang nagbayad ng lahat ng mga ito. Ako lang ang pumili," sabi ni Zoe.

Kaagad na nagtungo ang kambal kay Hermi at yumakap habang nagpapasalamat. Nang sunduin nila ang kambal ay kumain silang apat sa paboritong restaurant ng mga ito. Hindi nila binanggit ang tungkol sa mga pinamili nila hanggang sa makauwi sila. They were so happy to see new stuffed animals to add in their collection. Pagkatapos pasalamatan ang ama ay inabala ng kambal ang mga sarili sa mga bagong laruan. Seryosong pinag-uusapan ng mga ito kung ano ang ipapangalan sa mga bagong stuffed animals.

"Usually ay nasa daycare sila pagkatapos ng school. Susunduin sila ni Pedring at ihahatid sa Haven. Minsan naman ay isinasabay na sila ni Mia, ang may-ari ng Haven and a really good friend. May anak siya, si Juan Luis na best friend ng kambal. Isasama rin niya ang isa pang anak ng malapit na kaibigan namin, si Paisley. The kids are tight. Siguro naging tight din kaming mga magulang dahil sa friendship ng mga bata. Sabay-sabay silang magla-lunch sa Haven. They'd spend the day in there playing, napping, and playing some more. Susunduin sila si Pedring sa hapon at iuuwi rito. Kapag may time ako sa hapon, dadaan ako sa daycare. Kapag walang game, nakakapag-dinner kami na magkakasama. I get to tuck them in, read stories and kiss them before sleep."

Naupo si Hermi sa kama at pinagmasdan ang mga anak na abala pa rin sa mga bagong laruan. "They love the daycare. They love being with their friends. They're happy. Ang sabi ng lahat ay tama ang naging desisyon ko. Makabubuti para sa kambal ang daycare. Pero may mga pagkakataon na pakiramdam ko ay isa akong failure. I'm not so sure if I'm doing a good job. I'm not sure if I'm doing the right thing for them. Parang laging kulang."

Mula sa pagkakaupo sa carpet ay inabot ni Zoe ang kamay ni Hermi. "You are doing a wonderful job. Kahit na sino ay makikita ang bagay na iyon."

"Thank you for saying that. Siguro ay tipikal ang mga ganitong pakiramdam sa isang magulang. Para siguro hindi tumigil sa pagsusumikap na maging mas better parent. Pero may mga pagkakataon talaga na naiisip kong sana ay katulad sila ng ibang mga bata. Ihahatid sa school, susunduin pagkatapos, deretso ng uwi. Hindi deretso sa isang lugar na binayaran ko para alagaan sila."

"You want them to stay here with their mom," sabi ni Zoe.

Tumango si Hermi. May lungkot sa mga mata nito.

Mas humigpit ang pagkakahawak ni Zoe sa kamay ni Hermi. "Would you like to tell me about their mom?"

Ilang sandali lang nag-alangan si Hermi. "Her name was Sia. She was a very lovely woman. We met in college. She's a sweet girl. Nasa tabi ko na siya hindi pa man ako regular starting player sa college basketball team. She had supported me all the way. Nang magpakasal kami, ipinangako ko na ibibigay ko sa kanya ang lahat. Paliligayahan at hindi sasaktan. She got pregnant and we were so happy to know we're having twins."

Parang may mariing pumiga sa puso ni Zoe. Umahon ang selos sa kanyang dibdib pero hindi niya hinayaan na kumalat sa kanyang buong sistema. His late wife had been part of the history. The woman gave birth to the beautiful twins. Walang dahilan para makaramdam siya ng anumang negatibong bagay tungkol sa babae.

Mananatili si Sia sa puso ni Hermi, sa puso nina Dreasia at Denisia.

"Sana ay naaalala siya ng kambal. I always show them pictures pero alam ko na iba pa rin. Mas nagkakaisip na sila. Mas nagtatanong kung bakit ako lang ang mayroon sila, kung bakit kailangang mawala ang mommy nila. I wish they had a chance to get to know their mother. They should experience the love she had for them. They shouldn't have lost her."

Something Wonderful (Complete)Where stories live. Discover now