Chapter Twelve

472 35 5
                                    

"ARE WE REALLY in a mall?" nababaghang tanong ni Zoe. Pagkatapos nilang kumain ay nagtungo sila sa pinakamalapit na mall. Hindi pa iyon bukas. Inakala niya na gagamit lang ng ATM si Hermi dahil iyon ang unang hinanap nito. Hindi niya inakala na hihintayin nila ang pagbubukas ng mall. Isa sila sa iilang tao na unang pumasok. Dahil kabubukas pa lang, wala pang gaanong tao. Walang pumapansin sa kanya. Hindi pa rin niya kailangang "magpaka-artista."

This was a first for her. Nakilala pa nga si Hermi ng guwardiya. Hindi siya gaanong pinagtuunan ng pansin ng lady guard, pero nagpasalamat pa rin siya na magkaibang entrance ang ginamit nila. Hindi niya gustong kumalat ang balita na magkasama silang dalawa.

Maaari pa ring mangyari iyon kahit na kakaunti pa lang ang tao sa loob ng mall, pero hindi na muna niya inisip.

Tumango si Hermi bilang tugon sa sinabi niya. "Bakit parang ito ang unang pagkakataon na nakapasok ka sa loob ng mall?"

"Hindi naman. Hindi lang ako madalas sa mga mall dito sa Pinas. Well, not the regular ones. Did I sound snobby?" Department stores ang isa sa family business nila pero hindi rin siya nadadalas sa mga iyon.

"You frequented high-end department stores, that's all right. I bet nakakapasok ka lang sa mga ganitong mall kapag may mall show."

"Yes," pag-amin ni Zoe. Hindi naman maliit ang mall na kinaroroonan nila pero hindi pa rin iyon katulad ng mga store na madalas niyang puntahan dito sa Pilipinas.

"Naiintindihan ko naman. Artista ka at madali kang makikilala."

"Naiintindihan mo? Then ano ang ginagawa natin dito?"

Inilabas nito ang wallet at ibinigay sa kanya. "Switch?"

Nangunot ang noo ni Zoe sa pagtataka pero halos wala sa loob na inilabas din niya ang wallet mula sa purse. Pinagpalit nito ang kanilang mga wallet.

Binuklat niya ang wallet nito. Ang unang tumambad sa kanya ay larawan nito kasama sina Dreasia at Denisia. They were smiling so big and so brightly. Nasa wallet na iyon ang lahat ng cash na inilabas nito mula sa ATM.

Nagtatanong ang mga mata na napatingin siya kay Hermi. Hindi niya maintindihan kung ano ang gagawin nila.

"Using the cash I have there, mamili ka ng kahit na anong gusto mo sa mall na ito."

Hindi sigurado si Zoe kung tama ang dinig at pagkakaintindi niya. "Ano?"

"Shop. Shopping gives you comfort. Let's have fun."

"Are you serious?"

"Nasa loob na tayo ng mall."

Natawa si Zoe. Tiningnan niya ang laman ng wallet nito at mas natawa siya. "I'm sorry, hindi sa pinagtatawanan kita o itong laman ng wallet mo. I swear hindi. This is just crazy."

"I'm sure walang-wala iyan sa usual na ginagastos mo sa shopping pero kailangan mong pagkasyahin iyan."

Sinubukan niyang ibalik ang wallet nito. "Thank you for trying to comfort me. Pero hindi ko kayang gastusin ang pera mo. Hindi na ako gumagastos ng pera ng iba."

Hindi nito tinanggap ang wallet. "No. Nag-exchange na tayo."

"I can't spend your money. I have my own money. I have a lot."

Umiling-iling si Hermi.

"This is ridiculous."

"Loosen up, Zo. Try mo lang. Baka maging fun to spend someone else's money. Halika na. Habang wala pang gaanong tao. Kahit na nakasuot ka ng cap ay makikilala ka pa rin."

Gusto pa sanang makipag-argumento ni Zoe pero hindi niya ma-resist ang magandang ngiti ni Hermi. "Fine. Ikaw ang bahala. Ikaw ang mawawalan. I'm a serious shopper."

Something Wonderful (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon