Chapter Seven

502 45 2
                                    

"GENTLY. GENTLY. No sudden movements."

"I'm fine, Charlotte. Thank you," sabi ni Zoe habang nahihiga sa kanyang kama.

"You are not fine," tugon ng matalik niyang kaibigan. "Ako na lang ang narito, Zo. Hindi mo kailangang magkunwari. You're not fine and it's okay. You're entitled to be not fine after what you've been through. I'm here and you don't have to worry. I'll always be here, Zo-zo."

Hinawakan ni Zoe ang kamay ng kaibigan at banayad na pinisil. "Thank you." Hindi niya napigilan ang pagkabasag ng kanyang tinig. Nagtubig na naman ang kanyang mga mata.

Ayaw na sana niyang umiyak. Mahapdi na masyado ang kanyang mga mata. Halos hindi na niya maibukas dahil sa pamumugto. Wala na siyang ibang ginawa kundi ang umiyak. Labis na siyang naiinis sa sarili.

Pero wala siyang ibang magawa. Her heart was too heavy. Kung ikukulong niya ang lahat sa dibdib, natatakot siya na baka bigla na lang siyang sumabog. She couldn't stop crying. Ano nga ang sinabi ni Charlotte? She was entitled to cry and not be okay.

Niyakap siya ni Charlotte at banayad na hinagod ang kanyang likuran. "You don't have to thank me for anything. I am your best friend. I'll always be here for you."

Nagpapasalamat pa rin si Zoe na hindi siya iniiwan ng matalik na kaibigan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin nitong mga nakalipas na araw—nitong mga nakalipas na linggo kung wala si Charlotte. Her best friend had been her rock.

Napahikbi siya sa dibdib nito. Alam niya na kailangan niyang ituon ang pansin sa mga bagay at tao na mayroon siya, imbes na sa mga bagay at tao na nawala sa kanya, pero napakahirap niyong gawin.

Hinigpitan ni Charlotte ang pagkakayakap sa kanya. "Everything's gonna be all right, Zo-zo. Mahirap paniwalaan sa ngayon pero kailangan mong paniwalaan na magiging maayos din ang lahat."

"I feel like God is punishing me," aniya sa pagitan ng mga hikbi. "Am I a horrible human being? Wala ba akong mabuting nagagawa sa kapwa ko? Marami ba akong nasaktan o natapakan? Suwail ba talaga akong anak? Bakit nangyayari ang lahat ng ito sa akin? Bakit ako pinaparusahan nang ganito?"

"You are one of the most wonderful people in this world, Zo. Huwag kang magsalita nang ganyan. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito—siguro ay walang dahilan, pero sigurado ako na hindi dahil sa pinaparusahan ka sa pagiging masamang tao. You are good. You've been good to everyone, to your parents. Kung may tao na hindi deserve ang lahat ng hindi magandang pangyayari sa buhay, ikaw iyon. Huwag kang mag-isip nang ganito, please. You are breaking my heart."

Napahagulhol na lang si Zoe. Gusto niyang maniwala sa mga salitang iyon pero mahirap gawin. "I lost my baby bago ko pa man malaman ang tungkol sa kanya. What kind of mother am I? Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko man lang naramdaman ang presence niya? I killed my baby."

"No, no. That's not true, hon. That is not true."

"I did." Labis niyang sinisisi ang sarili. "I should've taken good care of myself. I should've been... I don't know... careful! I lost my baby, Charlotte. I was pregnant and now I'm not." Ni hindi man lang niya naiproseso ang kaalamang buntis siya bago sabihin sa kanya na nawala sa kanya ang dinadala. Parang unti-unting hinahati ang kanyang pagkatao. Hindi niya maipaliwanag ang kirot na nadarama. The loss was so much to bear.

"You didn't know, Zo. You can't beat yourself too much about this."

"I should know. It's my body. I should know. And there were signs, Lot. I chose to ignore them. Pinili kong paniwalaan na dahil iyon sa stress. My period didn't come. I was vomiting every morning and every night. I was dizzy. I thought it's just stress. About money! Money na kaya kong i-cover ang loss kung talagang gugustuhin ko. What is wrong with me? I have so much money already. Bakit ko hinayaan na mawala sa akin ang anak ko dahil sa pera!" Hindi namalayan ni Zoe na sumisigaw na siya.

Something Wonderful (Complete)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora