Capítulo Doce

0 0 0
                                    

;

"Ikaw ay kasal na!" masayang turan ng matanda na nanlalaki pa ang mga mata.

"Teka at tatawagin ko ang aking asawa at ibalita ito sakanya. Ito ang unang pagkakataon na nagdala ang babae mula sa Juarez-Bautista na angkan ng asawa!" sabi pa nito bago pumanhik para ibalita sa asawa ang nalaman.

Nang mawala sa paningin nina Lavigne at Selene ang ale. Agad tinanong ni Lavigne si Selene. "Gago, ano 'yun?!"

Unti-unting binitawan ni Selene si Lavigne. "Okay, I'll apologize, sorry," Selene replied.

"Seryoso ka?" 'di malapaniwalang tanong ni Lavigne.

"Anong seryoso ako sa saan?"

Tanginang 'to, maang-maangan pa, sabi ni Lavigne sa kaniyang isip. "Hindi ka man lang magpapaliwanag kung ba't mo 'yun ginawa, o kahit lang naman tungkol sa misyon na sinasabi mo..." Lavigne sighed, hindi pwedeng mag-exagerrate reaction siya ngayon. Pagod siya, atsaka baka biglang dumating ang ale at manghinala.

Sinenyasan ni Selene na mas lumapit pa si Lavigne para marinig nito ang kaniyang sasabihin. Pero dahilan sa mas matangkad na si Lavigne, yumuko si Lavigne upang 'di na tumingkayad ang babae.

"Ang misyon natin ay makapitas ng tatlong klase ng bulaklak sa hardin na da'n taon ng mga Ortez. Ngunit kagaya ng sinabi niya kanina ang mag-anak lang ng mga Ortez ang maaaring makapasok. At ikaw ay mag-anak ng Ortez..."

Napataas naman ng kilay si Lavigne. Anong gagawin du'n sa mga bulaklak? "Kaya naisipan mong magpanggap tayo bilang mag-asawa. Eh, pwede namang utusan mo nalang ako, diba?" Lavigne sighed; thinking that this creature beside her was really unbelievable. "Ba't kase palaging late ang pagsabi mo ng full details ng misyon?" he asked out of frustration.

Biglang napaatras si Selene, namumula rin ang pisngi. Tama kase ang binata, kaya mukha siyang napahiya doon dahil nagmukha siyang bobong nilalang. At higit sa lahat, ginawa niyang asawa niya ang binata. Pero 'yun ang kondisyon ng dalawang angkan, na ang unang makakasama ni Selene ay ang magiging asawa muna niya.

Dahil sa gumawa si Selene ng pekeng angkan para makipagkaibigan sa mga Ortez, palagi niyang pinapaniwala ito na siya'y nasa ibang katauhan kada dekada siyang bibisita. At ang sabi niya sa nakilalang Ortez na si Javier Ortez, noong 1888 ay kada dekada siyang bibisita o sabihin na nating mag-anak niya na palagi niyang sinasambit, at palaging tita niya ang sarili niya. Dahil ang sinabi niya ay ang prinisipyo ng mga babae sa angkan niya ay mga babaeng ayaw magpakasal, allergic kumbaga, at nasabi niya rin dito na pagbibisita muli ang mag-anak niya sa susunod na henerasyon ay dapat asawa muna ang ipakilala bago ang buong pamilya.

Walang naging problema si Javier sa weirdong kondisyon ng isang binibini na bigla nalang nakipagkaibigan sa kaniya at sa kaniyang asawa na parehas na nasa limampu na ang edad. Ngunit sa puso ni Javier, ang weirdong tagpo na iyon ay mahiwaga at naramdaman niya na magaan ang loob niya sa dalaga pati na rin ang kaniyang asawa, kaya tinanggap niya ang pagkakaibigan na alok ni Selene.

'Gago, bobo talaga!' sabi ni Selene sa kaniyang isipan. Kase paano niya paniniwalain ang mga Ortez na siya'y may pamilya, gayong ulit-ulit lang naman siyang bumibisita rito. At isa pa hindi siya binigyan ng kapangyarihan na shape shifter.

"Pababa na siya," saad ni Lavigne. "Anong gusto mo? 'Yung makatotohanan na pagpapanggap? Hmm..."

"Malamang!"

Pagkasabi nu'n ni Selene ay agad niyang naramdaman ang kamay ni Lavigne sa tagiliran niya at hinila siya nito palapit. "Tingnan mo 'to, mahal," sabi pa nito sakaniya habang nakatingin sa kaniya na may malumanay na mata at sumisilay na ngiti sa labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 05 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Unknown PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon