Capítulo Uno

12 2 0
                                    

Capítulo Uno;

after eight years and eleven months...

"Putanginaaa," 'yan ang unang lumabas na salita sa bibig ni Lavigne pagkagising na pagkagising niya, sabay higa ulit.

Para kaseng tanga kahit matalino naman talaga siya. Ginawa kase niya ng isang buong araw ang mga gagawin sa school kase feeling niya may powers siya. 'Yan tuloy, dalawang oras lang ang tulog niya.

May narinig siyang dumagabog. "Ano ang pinuputangina mo jan, aking kapatid?" at may narinig siyang boses. Ngunit, guni-guni niya lang 'yun o 'di kaya nanaginip pa siya, pagkumbinse niya sa sarili niya dahil sobrang inaantok pa siya, kaya napapikit ulit siya.

At ilang segundo lang naramdaman niya ang tumagos na sinag ng araw sa mukha niya kaya pikit niyang kinuha niya muli ang kumot niya at sinuklob sa buong katawan niya. Ngunit wala pang isang minuto ay may nagtanggal nu'n. "Ano ba... inaantok pa 'ko, pabayaan mo muna ako kung sino kaman na masamang espiritu ka," sabi nito ng mahina tsaka pilit na kinukuha ang kumot niya sa masamang espiritu.

Nagtaka siya kung bakit 'di pa binibitawan ng masamang espiritu ang kumot niya, kaya minulat niya na ang mata niya ng may bahid ng inis at tinanong niya na ito ng: "Lintek nang... maligno ka---"

Hindi niya natuloy ang sinasabi niya dahil pagkataas nga ng ulo niya ay... maligno nga.  O mas malala o mas nakakatakot pa nga kaysa sa kahit anong maligno.

Ang kuya Louie niya.

"Good morning, my dear brother," sarkastikong bati ng kuya Louie niya sa kaniya na may peke pang ngiti na biglang nagpabangon sa kaniya.

"Ahehehe," lumayo siya ng konti sa kuya niya. "Good morning din, aking magiting na kuya!" bati niya rin sa kuya niya nang tuluyan na siyang makalayo sa puwesto ng kuya niya, na ngayon ay nakatayo siya at sumasaludo pa sa kuya niya na parang tanga.

However, after he greeted his kuya. Louie's fake smile that is plastered throughout his face a second while ago, disappears. And changes into pure irritation.

'Heto nanaman siya,' sabi ni Lavigne sa isip niya.

He sighed. "Oo na nga... lang, heto na!" natatarantang sigaw ni Lavigne sa kuya niya sabay taas ng dalawang kamay na parang susuko.

"Ligpitin mo muna 'yang mga kalat mo. After, go to the kitchen, kamahalan," utos nito sa kaniyang kapatid na palaging 'di nakikinig sakaniya or in other words, matigas ang ulo. "Kahit kailan talaga!" inis na bulong pa nito.

"Oo na nga! Atsaka 'wag kang mangsisipa ng pintuan kapag manggigising ka! Bukas sira na 'yan, 'ta mo!" sigaw naman ni Lavigne sa kuya niyang medyo barumbado, dahil palaging sigaw nang sigaw, nangsisipa ng pintuan at halos araw-araw rin siyang nababatukan.

But still, he's happy because after their mother died, his kuya started to believe in him and continues to take care of him for the years that have passed. Kaya... kahit natatamad na siya, pipilitin niya because his kuya wasn't tired of taking of him for the years that have passed even though he knows for himself that he is annoying.

'Pero gago... inaantok pa talaga ako.'

***

'Ba't parang natatae ako?'

'Yan ang laman ng isip ni Lavigne ngayon habang naglalakad siya sa loob ng University nila. Dahil sino naman ang hindi matatae du'n? Na pagkakain na pagkakain mo, tumakbo ka nang tumakbo kase tama ang kuya mo na male-late kana.

'Hay bohai... ipagdadasal ko nalang 'to. Lord, sana 'di ako matae dito sa school. Amen.'

Dahilan sa malakas siya kay Lord, nawala nga 'yung feeling na 'yun nang may makita siyang pamilyar na likod na linapitan niya agad.

The Unknown PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon