Capítulo Diez

0 0 0
                                    

A/N: I don't know how real curses work as I am just an ordinary person. So basically, this is my version of how curse (Lorenzo's curse to be exact) works. Imagination was never limited, remember

Capítulo Diez;

"Hoy, nakakatakot sila. Ba't mo ba ako dinala rito?" tanong ni Lavigne kay Selene habang yinuyugyog pa ang mga balikat nito.

"Ang katawan ko mahuhulog na, ano ba?!" reklamo ni Lorenzo sakaniya.

Selene sighed because of the two. "You just literally go here without problem but you're scared at them now. Unbelievable," she said to Lavigne.

"Anong and'yan na sila kanina? Wala naman!" reklamo naman ng mapilit na college student.

"Mr. Lavigne, ang katawan ko! Mahuhulog!" sigaw ng kaluluwa.

"Sorry naman..." pagpasensya dito ni Lavigne. "Pero..." baling nito kay Selene. "Wala nga akong nakita kanina!"

"Ah, so dapat patunayan ko pa sa'yo na and'yan na 'yang mga elemento na 'yan kanina bago tayo makalabas dito? Kaloka ka naman," malditang komento naman ni Selene kanina. "Atsaka, huwag ka mag-alala, hindi nila tayo gagambalain dahil kasama niyo ako. At sa tingin ko ay alam niyo naman ang sinasabi natin pag dadaan sa mga masukal na daanan."

"Ah, 'yung tabi-tabi po? Okay gets. Pero black lady mukhang nakakalimutan mo ata 'yung sumpa nitong mayamang mukto na kasama natin," Lavigne said with a grimaced face.

"I would not reverse the curse if that Fevian kid is still watching us," Selene said with a serious tone.

The two: Lavigne and Lorenzo faced the kubo where Faro and Fevian lives. And that's how they realized that a reaper has a gut feeling that isn't human. As the kid Fevian watching them quietley with a smile in his face.

Unfortunately, Lorenzo is kinda confuse why. "Ano naman po kung nakaharap pa rin sa 'tin si Fevian?" he asked.

"It's because future is uncertain..."

That's the only answer he received from the fallen-risen angel.

***

Mabilis na tinahak ni Selene ang daan papuntang opisina kung saan matatagpuan sina Mr. Rojelio at Ms. Rosera. Kakatapos niya lamang alisin ang sumpa at ihatid ang lalaking sigaw nang sigaw, kasama ang milyonaryong kaluluwa na gala. At sa pagmamadali niyang iyon ay nagmukha siyang walang galang dito nang bigla niya nalang binuksan ang pinto ng opisina na padabog.

"Selene, bakit ka naparito? At bakit ganiyan ang hitsura mo?" malumanay na tanong ni Mr. Rojelio kay Selene na medyo sabog ang buhok, may dugo ang damit, may kaunting dumi ang mukha, at punit at basa rin ang kasuotan nito. At mukhang pagod na pagod ito dahil medyo nanginginig na rin ang katawan nito.

Hindi tinugunan ni Selene ang matanda. Dinabog niya na lamang ang nakita niyang bilog na may kumikinang na itim at pula na parang isinisimbolo ang impyerno sa mesa ng matanda; hindi alintana ang panginginig na nararamdaman nang dahil sa pagod.

Nagulat naman ang matandang su Mr. Rojelio pati na rin ang saktong kararating lamang na si Ms. Rosera. The two braced themselved due to shock to create a barrier between the sphere that Selene presented to them. Nang pagkadabog na pagkadabog talaga kase ni Selene ay bigla nalang humulas ang bagay sa mesa o mas mararapatin na tumagos ang bagay sa mesa, at pagkatagos nito ay bigla itong lumikha ng apoy. Buti na lamang at naagapan ng dalawang matanda at ginawan 'to ng halang. Habang si Selene naman ay maagap ding nasolusyunan ang apoy na bigla nalang sumiklab. Kung saan winasiwas lang nito ang isang braso na may lumabas na mga feathers na puti na kusang pumunta du'n sa apoy. Kaya naapula nito ang sunog na dala ng bagay na galing sa demonyo.

The Unknown PromiseWhere stories live. Discover now