Chapter 10: She'll Be Fine

123 9 9
                                    

Third Person's POV

Kasalukuyan ngayong nasa banyo ng airport si Liya. Kakabalik lang nila at safe naman silang nakalapag. Mabuti na lang at hindi sila naabutan ng bagyo sa daan. Itinaas na sa alarma ang bagyo dahil malakas nga kahit malayo naman sa mata. Mukhang mag-i-stay sila sa may malapit na hotel dahil mahaba-haba pa ang byahe pauwi sa kanilang mga bahay.

Nabuksan na ni Liya ang cellphone nito. Patago niya itong dinala dahil inutusan sila ni Pia na i-silent ang mga hawak nilang phone. Nag-aalala na talaga si Liya ngayon dahil baka ano na ang nangyari kay Disha.

Kaagad na napansin ni Liya ang mga missed calls at isang unknown number sa notifications. Dahil sa dami ay napaluha siya dahil nasasaktan siya para sa kaibigan niya.

Nang marinig ni Liya ang voicemail na sinend ni Disha ay hindi na nga siya nakapagtimpi pa at muli na naman siyang umiyak. Nadudurog ang puso sa bawat hikbi ni Disha. She's crying while saying "I'm sorry."

"Disha, I'm sorry..." mahina niyang saad.

Lumabas na nga siya at hindi na niya tinago kay Pia ang phone nito while calling Disha. Nakita naman siya ni Pia at bigla itong inagaw sa kaniya. Galit niyang tinignan si Liya.

"What are doing? Ha? Liya?" tanong ni Pia.

Binawi muli ni Liya ang phone nito at binalewala si Pia. Muli niyang tinawagan si Disha.

"Stop it, Liya!"

"Ikaw ang tumigil d'yan! Why are you doing this to her? Alam mo ba kung anong nangyayari sa kaniya ngayon? Ha? Pinakinggan ko yung voicemail niya. Alam mo ba kung anong sinabi niya?" maging si Liya ay nagagalit na.

"I don't care!" sigaw ni Pia na ikinalingon ng marami. Naging center of attraction ang dalawa.

"Puwes ako meron! She's crying, Pia! She needs us! Our friend needs us!" sigaw niya. Iniwas ni Pia ang kaniyang tingin at pinipigilang hindi umiyak pero maging luha niya ay pinagtataksilan siya.

"Guys, tama na 'yan. Pati ba naman kayo mag-aaway rin?" nag-aalalang awat ni Shaun.

"Galit ako sa kaniya. Kung iniisip niya ang pagkakaibigan namin sana man lang naisip niya ang susunod na mangyayari. Ginagawa ko lang naman 'to for her own good." galit niyang turan.

"Talaga? Matitiis mo pa ba 'tong ipaparinig ko?" binuksan muli ni Liya ang voicemail na galing kay Disha. Agad namang nakuha nito ang atensyon ni Pia at ng dalawa.

"U-Umalis na kayo? *sob* B-Ba't niyo ko i-iniwan? *sob* Ayoko lang namang mag-alala kayo kaya hindi ko na sinabi. S-Sorry... I'm... I'm sorry..."

Halos mawalan ng lakas ang tuhod ni Pia nang marinig niya ang umiiyak na boses ni Disha. Ang kaninang nagmamatigas ay tinamaan na nang realidad, na kahit anong kamuhi niya kay Disha ay hindi niya pa rin ito matitiis dahil kaibigan niya nga ito. Umiyak siya nang umiyak kaya niyakap na lamang siya ni Liya at ng dalawa.

Paulit-ulit na humingi ng tawad si Pia dahil sa inasal niya, lalo na sa ginawa niyang pag-iwan kay Disha. Hinding-hindi na niya mapapatawad ang sarili niya dahil mas pinangibabaw niya ang galit niya kay Disha. She already promised herself that no matter what will happen she will always be there for Disha, pero anong ginawa niya, siya pa ang naunang nang-iwan.

Natigil sandali sa pagiging emosyonal ang apat nang mag-ring ang phone ni Liya. It's an unknown number, same sa unang number na nag-miss call. Agad niya itong sinagot dahil baka importante at baka yung company na papasukan niya na ang tumatawag.

"Wait lang, Guys, may tumatawag balik lang ako." paalam ni Liya at lumayo siya nang kaonti sa kanila.

"Hello?" panimula ni Liya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Finding The Lost CrownWhere stories live. Discover now