Chapter 1: Travel

619 13 2
                                    

Disha's POV

"DISSSSHHHHHAAAAA!" 

Napaigtad ako nang marinig ko ang boses ni Liya na nagtititili habang binabanggit ang pangalan ko sa may pasilyo ng bahay. Nasa labas pa lang ay nag-iingay na ang bunganga.

Pinagbuksan ko na sila ng pinto. Pagkapasok na pagkapasok ay agad na binatukan ni Pia si Liya na siyang ikinatahimik nito.

"Aray naman eh!" daing ni Liya habang sapo-sapo ang ulo niya.

"Ingay mo kasi. Daig mo pa speaker namin sa bahay!" pinandidilatan pa ni Pia si Liya ng mata. Kaya napa-pout na lang si Liya.

"Oh, ano't napapunta kayo dito? Hm?" tanong ko. 

Nilapag muna nila ang mga gamit nila na naglalakihan na sa dami ng laman. Saan punta ng mga 'to?

"Ano 'tong mga dala niyo? Maglalayas ba kayo?" tanong ko. 

"Nakalimutan mo?" tanong ni Pia.

"Ang alin?" tanong ko naman.

"Hay naku, hayaan mo muna 'yan, Pia. Halatang nakalimutan niya na naman." singit naman ni Liya na halatang hindi pa kumakain dahil nilalantakan na ang mga pagkain ko sa ref. 

"Liya, tigilan mo na nga 'yan! Kahit kailan talaga eh ang takaw mo." suway ni Pia. Hindi naman siya pinansin at panay kain pa rin. Itinuon na lamang ni Pia ang atensyon niya sa akin. 

Sunod-sunuran lang ako sa likuran niya. Hanggang sa napunta kami sa harapan ng closet ko. Ano ba kasi kailangan ng mga 'to? Hindi ko talaga maintindihan at nandito sila.

"Teka nga, ano ba kasing meron at may dala-dala kayong mga bagahe? Saan ba punta niyo? Hindi ko kasi matandaan eh. May nakaligtaan ba ako?" tanong ko.

"Of course meron kang nakalimutan. Hindi ba't sabi namin sayo susunduin ka namin? Like…duh? Ngayon tayo pupunta sa bagong exclusive resort na sinasabi ko." sabi niya habang patuloy sa paghalungkat ng gamit ko. 

"Teka, saan ba nakalagay maleta mo or anything na magagamit mo para makapag-impake ka na?" tanong niya.

"Nasa taas niyan." turo ko sa taas ng cabinet.

"Pero teka, anong gagawin natin doon? Alam ba 'to nila Mommy? Baka mag-alala 'yon kapag sumama ako." isang batok naman ang binigay niya. "Aray ha! Sakit!" sabi ko. 

"Pa-check up na kaya kita? Medyo nagiging makakalimutin ka na eh. OF COURSE! Alam nila Tita, helllooooo!" napangiwi na lamang ako. Baka kapag sumabat pa ako eh mapektusan na naman ulo ko. 

"May regla ka ba? Umuusok na 'yang ilong mo." sabi ko. 

"Meron 'yan ngayon, Disha. Hahahahaha, napagbuntunan pa talaga tayo." singit naman ni Liya. Ahhh, kaya naman pala.

"Tsk. Sino may sabi? Tapos na regla ko no, nung last week pa. Sadyang mainit lang ulo ko. Bwisit naman kasi 'tong si Carl eh, tinatawagan ayaw naman sagutin… Ergh! Bahala na siya." oh, okay, 'yon lang pala. 

"Yun lang? Kung makabatok ka sa akin wagas ha! Sakit kaya 'yon. Subukan lang talagang magpakita ng Carl na 'yan, makikita niya talaga hinahanap niya. Love quarrel lang ba? Kainis ha, 'di kami relate ni Disha. PWE!" natawa na lang ako sa kanila dahil nagsisimula na naman silang magbangayan. 

Nang matapos sila sa kanilang habulan tinulungan na nga nila akong mag-impake ng mga damit ko. 

"Disha, mamaya nito dadaan pa tayo kay Shaun, kaya bilisan na natin bago pa tayo maabutan ng dilim sa daan." sabi ni Pia. 

Mukhang pinaghandaan talaga nila ang pagpunta doon sa tinutukoy nilang resort. Halatang excited sila. Ako lang ata ang tinatamad sa kanila. 

Noong last month lang kasi lumabas na ang resulta ng bar exam at lahat nga kami pasado. And masaya naman ako para doon kasi nga makakapagtrabaho na nga kami sa gusto naming trabaho. Kaya heto sila ngayon gustong mag-celebrate sa lugar na tinutukoy nila. Hindi naman ako tutol it's just that hindi na mawala sa akin yung takot na baka may mangyari na naman sa akin na unexpected. 

Finding The Lost CrownWhere stories live. Discover now