chapter ten

22 0 0
                                    

Trigger Warning: Self-Harm

Chapter Ten,
   Seiji

     Magkasalubong ang mga braso ko nang umupo matapos lumabas ng customer dito sa convenience store. Hindi naman talaga siya fully convenience store, pero masyado itong malaki at maraming tinda para tawaging tindahan lang.


"Hapon," I looked at Ashley Paul na sinusuot na ang bag sa magkabilang balikat. "Ikaw na bahala ah! Babayaran din kita! Kailangan ko lang talaga kasing samahan si Yael sa school."


"'Ge."


"Atsaka suotin mo na 'yung apron diyan! Para malaman nilang ikaw nasa counter— hindi magnanakaw na estudyante."


Nilingon ko ang apron na tinutukoy niya. This is his uniform here. Susuotin ko 'to? I grimaced. "Mukha akong magkakatay ng karne diyan."


"King inang 'to, walang tiwala sa kapogian niya. Bahala ka na nga diyan." He said before he finally left.


The door chime rang when it closed automatically after he left. Naiwan ako sa loob ng conve' habang rinig na rinig ang ingay ng mga sasakyan sa kalsada. Mabuti na lang at wala masyadong customer ngayong nagsubstitute ako kay Ashley Paul. Hindi rin naman ako makatanggi dahil nilapitan kaagad kami nito matapos ang practice ng graduation sa school. Nagkataong ako lang din ang tanging pa-chillax lang sa aming dalawa ni Otep.


Sayang, pera din.


I coughed for yet another time kaya naman tinaas ko ang itim na mask na suot. Nawala na ang sakit ko pero meron pa ring kaunting sipon at ubo. For these past days, pinilit ako ni Tito Anod na magsuot nito for protection purpose. I didn't complain. Pagdating kasi sa school ay may pa-mysterious effect ang kupal na mask. Akala yata nila artistahin 'to.


I lean forward with my hands on the counter, unconsciously looking at the black hat and apron, slash uniform, na tinutukoy ni Ashley Paul. Itim ito na may tatak ng pangalan ng conve' in an orange text. May baboy pa sa magkabilang gilid dahil kilala ito sa pagbebenta ng tocino.


Hindi nga magandang idea 'to dahil mukha talaga akong mangangatay ng karne. But maybe Ashley Paul was right. Wala nga akong tiwala sa sarili kong kapogian.


Edi gwapong mangangatay ng karne. Jusko, poproblemahin ko pa ba 'to. Dami-dami kong iniisip at pinoproblema eh.


"Welcome," I coughed nang tumunog ulit ang chime at may pumasok. Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos ng suot kaya hindi ako nakatingin agad dito. Inilipat ko din ang bag sa ilalim ng counter before standing up and waiting for the customer.


I looked up kung nasaan ang orasan. Four forty-two nang hapon. Anong oras na pala kami natapos sa practice kanina.


"Here," a hoarse voice said kaya napatingin ako sa harap. Nabigla ako nang makita ko kung sino ang customer na nag-abot ng pakete ng band-aid. She's wearing her uniform under her black jacket pero kilalang-kilala ko ang height niya.


"Uyy—..." Babatiin ko sana si Aina, pero mabilis na nawala ang salita sa dila ko nang may mapansing kung ano sa kaniya. Mugto ang mga mata niyang malalim at maputla, dahilan kung bakit nagmukha siyang walang energy kumilos. She looks tired of this world.

You Tripped, I FallWhere stories live. Discover now