CHAPTER 29

115 3 0
                                    

SPG ALERT!! Haha Charot lang!

***

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

"You said somewhere." Sagot naman nito kaya hindi na ako muling nagtanong baka magalit ko pa at itapon ako sa dagat.

Nagpa hila nalang ako sa kanya. May pa holding hands ang baby ko. Char...Talande

Nang makarating sa isang kwarto ay tumigil na kami.

"Here, magpahinga kana."

Hindi mo ba ko sasamahan?

Haha Syempre hindi ko sasabihin yun, kahiya naman.

"Huh?"

"You handle the rest since it's your business anyway."

Tumango nalang akong malungkot. Papaalis na sana siya ngunit dumaldal ulit ang bibig ko.

"Lux..."

"You need something?"

Ikaw... Ikaw yung kailangan ko..

"Wala." Ngumiti ako rito, sana ay hindi niya mahalata ang kalungkutan nito.

"Okay, take care." Umalis na siyang tuluyan.

Ano namang gagawin ko rito? Malamang ay nagkakagulo na roon dahil wala ako.

Bumalik nalang kaya ako? Ang arte pa kasi, dapat ako nalang ang pumunta sa stage mag isa.

So ayun, bumalik nga ako.

"Good evening, hindi ko na to patatagalin pa. This is not just a birthday celebration but also a party." Oppss, si mader nagsasalita sa unahan.

"Our Dear Ale'gna, will now be engage with Nathan Sanchez, it's sealed."

Natawa ako sa kawalan.

Wala parin namang nakakapansin sa akin. Mukhang naging multo ako, dapat lang kasi naiiyak na ako ngayon. Paano na?? Ang rami rami nilang may alam.

"Find her Nathan, kailangan siya rito." Narinig kong sabi ni Mama kay Nathan at nakita naman ako agad nito kaya ako na mismo ang tumakbo palayo sa kanya.

Nakita ko pa si Kiro na tumayo at nagsimulang pumunta rin patungo sa akin.

I don't want to be here anymore. Parang isang bilanggo ako na nakulong rito. Walang katakas takas.

Kung saan saang daan ako sumuot at tumigil lamang sa isang gilid kung saan hindi ko na naririnig ang mga yapak ng kung sino.

Umiiyak akong tahimik ngayon. Ayokong magpakita sa kanila. Ayoko na!

Ganto pala to, haha planado pala to. Buti nalang at umalis ako kanina.

Pagbalik ko engage na.

Bigla akong tumigil pagkatapos makarinig ng sunod sunod na yapak patungo sa akin.

Wag naman.

Alam kong wala na rin akong takas kaya ipinikit ko nalang ang mata ko. Sana nananaginip nalang ako.

Naramdaman ko ang pag upo nito sa harap ko.

"I know you want to tell me something. I want to hear it now."

Huh? Hindi siya si Nathan... Hindi rin siya si Kiro...

"Lux..." Niyakap ko siya at humagulhol na ako sa dibdib niya. Damang dama ko ang bilis ng tibok ng puso nito, malamang ay nabigla sa ginawa ko.

"Kailangan kita ngayon..." Patuloy ko. Nawala na yung hiya sa katawan ko.

"Okay, at your service mam."

MINE, SIR [ ON GOING ]Onde histórias criam vida. Descubra agora