CHAPTER 19

85 4 0
                                    

ALE'GNA POV

I'm so confused. Gulong gulo ang isip ko ngayon.

Kiro didn't mean anything of what he said right?

Kiro...

He likes me?

Papaano?

Puro lang siya pang aasar and all of a sudden he will confess that he likes me. Is that even possible?

My eyes were blurry as if I was in a blue and grey surrounding.

I caused him pain.

At hindi ko alam kung paano ko pa mababawi yun. Pareho lang kami ng nararamdaman. Pero mas nakakalungkot sa part niya. Ganon ba ako ka-unfair?

I was all focused with my own feelings that I forgot the feelings of others.

Hindi ko na inintindi ang nararamdaman nila. Manhid ba talaga ako? Bakit sa kabila ng pang aasar ni Kiro ay hindi ako nakahalatang gusto niya ako?

Nasasaktan rin ako Kiro. Nasasaktan ako na nararamdaman mo yan ng dahil sakin.

Bakit kaya hindi nalang ikaw? Bakit siya pa? Siya pa na hindi kayang suklian yung pagmamahal ko.

I was on the couch while drinking. Ano pa nga ba?

Siguro nga ito na yung best time para mainom ko na yung mga natirang alak sa ref. Nakakaisa palang ako pero lasing na agad ako. Siguro ganon talaga pag broken.

Umiiyak na naman ako, kailan ka ba mapapagod Ale'gna?.

Ang sakit. Maalala ko lang yung mga sinabi niya kanina.

'Patawad ulit... Dahil hindi ko kayang suklian yung pagmamahal mo.'

Hanggang ngayon ay naririnig ko pa din ang huling kataga niya.

Ang masasakit na katagang iniwan niya sakin.

Kaya ko ba? Sana nga. Sana nga bukas ay mawala nalang ng parang bula ang pagmamahal ko sayo.

Sana paggising ko ay hindi na masakit. Parang wala lang nangyari at hindi na kita mahal.

Alam ko naman eh. Ilang beses ko nang pinaalala sa sarili ko na masasaktan ako sa huli pero kahit anong gawin ko ang tanga tanga parin ng puso ko.

Patuloy ko parin siyang minamahal...

Hanggang kailan Lux? Hanggang kailan ako magpapakatanga sayo?!

KINABUKASAN~

Anong oras na. Sigurado ay late na naman ako. Pero wala akong pakialam. Normal lang naman sigurong mapagod. Hindi sa pag-aaral kundi dahil sa pag-ibig.

Ayoko ko siyang makita ngayon.

At ayoko ring magkita kami ni Kiro. Nahihiya ako sa kanya.

Anong oras na ba ako natulog kagabi? Siguro ay nagkatulog nalang ako kakaiyak. Wala na siguro akong mailuha pa.

Kailangan ko paring pumasok. Lunes ngayon at first day ni Ghie na papasok kaya kailangan ay naroon ako.

Kahit na mugto ang mata at walang gana ay sinubukan ko paring mag asikaso para pumasok.

ALAS OTSO na ako nakarating sa school. Sinadya kong magpalate para kaunti nalang ang makakakita sakin kung dumaan.

Tapos narin ang first subject namin kaya hindi ko na siya makikita.

Maganda na rin yun para hindi ako mahirapang maka move on. Hangga't nakikita ko siya ay nagiging sariwa ang nangyari kagabi.

At ngayon naaalala ko na naman. Inis.

MINE, SIR [ ON GOING ]Onde histórias criam vida. Descubra agora