CHAPTER 9

92 4 0
                                    

"S-siya si Q-queen."

"Ha?" takang anitong Mike.

Inaayos ko na ang sarili ko, aalis na ako. Habang ganito pa ang sitwasyon dapat maka alis na ako rito.

"Pano mo naman nasabi na siya si Boss?"

Tiningnan ko yung Mike at nginitian ng matalim.

"Mike, Aldus nice meeting you two. Wag kayong mag alala hindi ko kakalimutan ang mga pangalan nyo," huling sabi ko bago ako umalis.

Iniwan ko silang tulala roon. Ano kaya yun?

TATANGA tanga! Ale'gna, ang tanga tanga mo!

Umiiyak na ako dahil sa sariling katangahan. Iniisip ko palang na wala akong mahihigaan ngayong gabi ay umiiyak na ako. Masakit, masakit isipin na may pinagdadaanan kana tatanga tanga ka pa, binigyan mo ng panibagong isipin yung sarili mo.

Deserve mo yan. Bobo ka kasi.

Saan ka matutulog ngayon? Ang tanga naman. Bakit mo iniwan bag mo dun sa Restroom?!

Umiinom ako ngayon ng canned alcohol na binili ko sa may labasan habang nasa labas rin ako ng condo ko.

Gabi na, huhu. Malamig pa naman dito. Wallet at phone lang ang nadala ko dahil yun yung nasa bulsa ko that time. Yung bag ko nasa sahig at ewan nawala sa isip ko yun.

Ang lakas ng loob mo magpa last words eh naiwan naman yung bag. Nandun yung Card ko sa unit. No choice men.

KIRO POV

Pumunta ako ngayon sa floor ni Ale'gna dahil pinapapunta niya ako rito.

Naabutan ko lang naman si Ley na umiinom at umiiyak takot pa ito ng hinawakan ko.

"Please wag. Wag po."

"Don't worry, ako to si Kiro. Anong nangyari sayo?"

"Kiro?.. muntikan na nila akong ma-r-rape." Umiyak siya at nagsumbong.

What?!!

"NA RAPE KA?!" tanong ko sa kanya. Napalakas ata lumabas si Sir sa unit niya pero bumalik din.

"SAGUTIN MOKO SINONG GUMAWA NON?!! SINONG GAGONG YUN!?" Umiinit ako sa galit.

Papatayin ko sila! Mga hayop sila. Yayakapin ko sana si Ale'gna pero tinulak niya ako.

"Muntikan."

Muntikan? Papatayin ko parin sila.

"Shit! PAPATAYIN KO SILA."

"Di na kailangan." Huh? no, papatayin ko sil-- "Dahil ako ang gagawa nun," aniya at ngumisi.

Nababaliw na ata siya, kanina lang umiiyak tapos ngayon ngingiti na parang mangpapatay. Nakakatakot...

Hinila ko na siya patayo at binitbit ang mga dala niya bago siya isaklay sa likod ko.

"Saan tayo? Uuwi na tayo? Ihatid mo na ako sa amin, lasing na ako kailangan ko nang matulog."

"Sa condo ko ikaw uuwi."

"Ha? Bakit dun? May Condo naman ako, baka may mangyari."

"Trust me Ale'gna. Manyak man sayong paningin, sa paningin mo lang."

"Hehehe hahaha. Baka halayin kita pag tulog ka. Ahihi."

.
.
.
.
.

"Haha tara na Kiro, gusto ko nang matulog."

Nakarating din kami, inalalayan ko siya sa paghiga sa kama, sa Kama ko, kaya sa sofa ako matutulog ngayon. Under Renovation pa kasi ang guest room. Nilingon ko siyang muli, mukhang walang balak matulog dahil umupo lang ito roon at hinawakan ang kamay ko kaya napaharap ako sa kanyang muli. Akmang tatayo na ako nang bigla niyang hilahin ako sa batok kaya napahiga ako sa ibabaw niya.

MINE, SIR [ ON GOING ]Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu