CHAPTER 22

89 6 0
                                    


"Lay your hands on her one more time or you'll... you'll be suspended." Akala ko naman... basta yung iba.

Stop na sa pag assume Ley, masasaktan kalang.

Napahinto si Danshiel sa gagawin at humarap sa professor.

Tinaasan nito ng kilay ang professor at ngumiti.

Subukan mong agawin yan sakin, malilintikan ka. Hahaha char lang.

Umupo na ako sa upuan ko at walang pakialam sa mangyayari.

"Ms. Martinez and Ms. Padilla, I expect your presence on my office later. Go back to your room, Ms. Padilla or I will really suspend you. For a month." You can sense finality on his voice. Matatakot ka talaga.

Danshiel just rolled her eyes on the professor when it's not looking.

Hindi pa rin nagbabago, pano kaya kami naging magkaibigan dati? Nakakapag taka naman.

Umalis na si Danshiel at bago siya lumagpas sa pintuan ay tumingin muna siya sakin at ngumiti na parang may binabalak.

I rolled my eyes. Kung ano man ang binabalak niya, well, I'm excited.

Nagsimula na siyang magturo samin at hindi ako nakikinig. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at hinihintay matapos ang klase.

Ngunit bigla ko nalang narinig ang apelyido ko.

"Ms. Martinez, be there on my office after class." aniya bago tuluyang umalis. Tapos na pala siyang magturo.

Tumango lamang ako at tumingin ulit sa labas.

MATAPOS ang klase ay tinahak ko na ang kanyang Office, wala namang second subject.

Kahit nagdadalawang isip ay pumasok parin ako sa pinto. Nadatnan ko siyang naka upo sa desk niya at may binabasa na mga papel.

Aral Well

Bahagya niyang inayos ang kanyang salamin sa mata at saka nagbasa ulit. Alam ko namang nag kukunwari lang siyang hindi pa ako napapansin.

Naghintay ako roon hanggang sa tumingin lang siya sakin. Ayoko ng mag first move.

"Bakit hindi ka nagsasalita?"

Ano daw? At bakit ako ang unang magsasalita? Siya ang nagpatawag sakin dito, kapal naman niya.

Natawa nalang ako sa sinasabi niya.

"Am I suspended? For a month?" pauna kong sabi.

"If you wish, I would do that." taliwas niyang sagot.

Minsan iniisip ko na lang kung talaga bang nag aral ng pag tuturo ang professor na to, wala kasi siyang manners at parang mayabang pa.

"Just kidding, hintayin lang natin si Ms. Danshiel."

Kainggit, si Danshiel, tinawag niya sa tunay na pangalan nito samantalang ako ay sa apelyido lang.

"Since wala pa naman siya, iba na lang muna ang pag usapan natin." pag-open ko ng topic.

"Like what?"

"Like my feelings for you." naka ngiting sagot ko. I want to trigger him, I want to find out the real thing inside him.

Natahimik ito at bahagyang tumigil sa ginagawa.

"Wag kang mag alala, tapos na yun. Naka move on na ako, actually napalitan na nga kita agad sa puso ko."

Tumingin siya sakin ng nakataas ang kilay.

"Mas gwapo pa siya sayo, mas matalino at mas hot." Gagi ano ba tong sinasabi ko.

MINE, SIR [ ON GOING ]Where stories live. Discover now