CHAPTER 12

107 3 0
                                    

The next thing I knew is that I am here, surrounded by a white cloth.

Nasaan ako?

Inilibot ko ang paningin ko at nakita si Kiro na may nag aalalang mukha habang palakad lakad, haharap sa cellphone at lalakad ulit. Nahihilo ako sa kanya.

"Shit what should I do now?  tangina," he muttered while walking.

"Hoy ano ba!? nakakahilo kana!" sigaw ko sa kanya kaya gulat siyang napatingin sakin at napahawak pa sa dibdib niya. OA lang?

"Akala ko patay kana," aniya.

"Gago! papatayin muna kita bago ako mamatay. T*rantaado ka kanina, may pa endearment ka pang sinasabi, sapakin kita diyan makuha mo."

"Sorry, may masakit pa ba sayo?"

"Anong nangyari?" tanong ko.

"Hala, nakalimutan na. So ayun nga, tinamaan ka ng bola sa ulo dahil sa kakatitig mo sa gwapo kong mukha," aniya at nag pagwapo sa harap ko, kumindat pa.

"Huh? parang hindi naman."

Patuloy kong inalala ang nangyari kanina, ang naalala ko nag volleyball ako tapos yung cheer ni Kiro sakin tapos nasaktan ko yung babae tapos... tapos.

"WHERE IS SHE?!" galit na tanong ko sa kanya.

"Kabigla ka naman! Ayun ginagamot rin."

"She's crazy, sinadya niya yun."

"Hindi kaya."

"Anong hindi kaya? sinadya niya! I saw her smirking at me before spiking that fucking ball!"

"Tinapos niya lang yung laro, ang boring na kasi."

"So, hindi na boring kasi naalog na yung utak ko dahil sa tama ng bola!? huh?!"

"Ba't ka galit?"

"Because your taking her side!"

"Eh ano naman?"

"Gago ka umalis ka na rito, nai-stress ako sayo."

"Joke lang naman, naniniwala na ako."

Inirapan ko lang siya kaya tumahimik narin.

"Sino nagdala sakin dito? Ikaw?!"

"Luh, ako? No way."

"Eh sino nga!?"

"Si ano, si sir."

"Binuhat niya ako?! sino sa kanila?"

"Si Sir Fernandez."

Bigla akong na disappoint, napansin ata yun ni Kiro kaya nginisihan niya ako.

"Nadisappoint ka noh?"

Wala sa sariling napatango ako kaya mas lumawak ang ngisi niya. Dapat si Lux nalang, malaki naman ang katawan niya. Pero siguro okay lang naman, nabuhat niya naman na ako, hihi.

"Kase hindi ako ang bumuhat sayo? Don't worry sa susunod na mabagok ulit ang ulo mo ako na ang bubuhat sayo." Awwwww... ang sarap niyang batukan.

"Aray!" Binatukan ko na nga.

"So hinihiling mo na mabagok ulit ang ulo ko?!"

"Ganon ba yun? Ahehe."

"Alis na," taboy ko sa kanya.

"Yoko, babantayan pa kita. Usog ka nga." Hindi pa nga ako nakakapayag ay umupo na siya sa tabi ko.

Prente siyang umupo sa katabi ko at tinulak pa ako pausog, grabe.

MINE, SIR [ ON GOING ]Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt