Napatango ako at binigyan siya ng isang bowl na may laman na noodles. Umupo ako sa stool at nagsimula nang kumain.

"Nga pala. Kumusta naman sina Tita? Matagal na rin na hindi ako tumatawag sa kanila.", Sabi ko.

"Ayon. Palaging busy pa din sa trabaho. Kahit CEO na ako ayaw pa rin nilang tumigil sa pagtatrabaho kesyo daw malakas pa sila at kaya pa nila.", Sagot niya habang kumakain ng noodles.

Napatango ako. Hindi na kami nagsalita pa at kumakain na lamang. Pero maya-maya ay winasak niya ang katahimikan sa pagtanong sa akin na aking ikinatigil.

"Nagkita naba kayo?"

Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Hindi pa man ako nakasagot ay nagtanong muli siya.

"Alam na ba niya tungkol sa anak niyo? Pano kung gusto niya makita si Hanzo? At pano kung gusto makita ni Hanzo ang ama niya? Magagawa mo ba silang hayaan na magkita?"

Tulala akong nakaupo dito sa couch habang paulit-ulit na nag-eecho sa akin ang mga tanong ni Dominic kanina sa akin. Nang maitanong niya iyon sa akin ay hindi ako nakasagot. Pano kung magkatotoo yung tinatanong niya sa akin na gusto makita ni Hanzo ang ama niya?

Bilang Ina na galing sa sitwasyong ginag*go ay hindi ko alam kung makakaya ko ba silang hayaan na magkita. Ayoko rin naman na ipagdamot sa anak ko yung Ama niya. At ayoko rin na maging madamot sa mata ng mga tao. Sa mata ng anak ko.

Sobrang hirap sa ganitong sitwasyon. Hindi ko pa rin kasi makakalimutan yung ginawa nila sa akin. Muntik akong makunan dahil sa stress. Akala ko mawawala sa akin ang iniingatan ko. Ang anak ko.

Napabuntong hininga ako at uminom ng juice. Nilingon ko ang anak ko na naglalaro kasama yung aso nina Kate. Kaming dalawa nalang ng anak ko ang naiwan dito sa bahay, pagkatapos kasing kumain ni Dominic kanina ay nagpaalam na siyang aalis na dahil may aasikasuhin pa siya.

Kaya heto kami ngayon ng anak ko. Napangiti ako habang pinagmamasdan si Hanzo na nagtatakbo kasama ang aso. Marinig ko lang ang tawa ng aking anak ay gumagaan na ang aking pakiramdam. Parang nawawala nalang bigla yung stress ko.

Napalingon ako sa labas ng gate nang may humintong magarang sasakyan na silver ang theme. Napakunot-noo ako nang sa tabi dito sa amin pumarada ang sasakyan. At parang familiar din ang sasakyan na ito. Maya-maya pa ay bumukas ang pintuan at nanlaki ang aking mga mata nang makilala kung sino ang lumabas.

Nang humarap ito ay dumeretso agad sa aking gawi ang kaniyang tingin kahit nakasuot pa ito ng shades. Ngumiti ito at tinanggal ang shades. Napakuyom ang aking kamao at tatawagin ko na sana ang aking anak nang wala na ito sa kaniyang kinaroroonan kanina.

"Hanzo?", Tawag ko.

"Mister!"

Napalingon ako sa labas ng gate at lumakas ang kabog ng aking dibdib nang makitang karga-karga na niya ang bata. Mabilis akong napatayo sa aking inuupuan at lalakad na sana nang pumasok siya sa loob ng gate. Napataas ang aking kilay habang nakatingin sa kaniya.

Tress passing ang ginagawa niya. Ang kapal naman nito.

"I miss you Mister! I haven't see you again since we met!", Daldal ng anak niya.

Narinig ko naman ang tawa nito at hinalikan sa noo si Hanzo. Tila ay parang nabunotan naman ako ng tinik sa ginawa niya.

"Yeah. Me too kiddo. I miss you too.", Sagot naman niya.

Naglalakad siya palapit sa gawi ko. At habang nagdadaldalan sila ng anak niya ay binibigyan ko naman siya ng masamang tingin nang pasulyap-sulyap siya sa akin. Pinagekis ko ang aking braso habang masama pa rin na nakatingin sa kaniya.

Nang makalapit siya ay saka niya binaba ang bata.

"Mommy! This is the Mister I am talking about to you. He is kind, Mommy!", Masayang pagpapakilala niya sa ama niya.

Binigyan ko naman ng matamis na ngiti ang aking anak at tinap ang kaniyang ulo.

"Yeah honey. And can you go inside first and go change your clothes you're already sweating.", Nakangiti kong sabi.

Mabilis naman na tumango ang aking anak at nagpaalam muna sa ama niya bago patakbong pumasok sa bahay. Ngayon ay kaming dalawa na lamang ang naiwan dito sa labas.

Tinaasan ko siya ng kilay at pinagekis ko naman ang aking braso sa aking dibdib.

"At bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito sa pamamahay ko? Alam mo bang tress passing ang ginagawa mo ngayon? You entered my house without my permission!", Singhal ko dito.

A smirk form on his lips and looks around. Nilagay niya ang kaniyang kamay sa bewang habang nililibot ang kaniyang tingin sa paligid.

"Hmm....The place is relaxing, good choice to live with our son, Wife.", Sabi niya at pinikit ang kaniyang mga mata at lumanghap ng sariwang hangin.

Yeah. He's right. This place is better to live. Maganda ang sariwang hangin. Nakakarelax. Mabuti na nga lang at dito pinili nina Kate na magpagawa ng bahay.

Hindi ako sumagot at naupo na lamang sa inuupuan ko kanina. Umupo naman siya sa kabila kaya hinayaan ko na lamang, alangan naman hindi ko siya papaupoin baka ano pa ang iisipin ni Hanzo sa akin.

"So? How's your day?", Tanong niya nang makaupo siya.

Bumuga ako ng hangin at binuklat ang libro upang magbasa.

"Maayos at relaxing pero nawala iyon dahil dumating ang hinay*pak nato.", Sabi ko na ikinatawa niya ng mahina.

"It's 10 o'clock Wife, it's still morning para uminit ang ulo mo.", Sabi nito na may halong tawa kaya napairap ako.

"Ano ba ang kailangan mo at bakit ka nagpunta dito?!", Inis kong bulyaw.

Sumandal siya sa upuan at pinatong niya ang kaniyang binti sa kaniyang hita habang nasa magkabilang arm rest naman ang kaniyang dalawang braso. Parang hari kung umupo kumbaga.

"Well....Is it bad visiting may son and....wife?", Taas kilay niyang tanong kaya napairap na naman ako.

Binaba ko ang libro at tinignan siya ng deretso sa mata.

"At kailan mo pa ako naging asawa Mr. Merez? I can't remember anything that we got married.", Sabi ko dito.

He just smirk and took the glass with juice inside at walang pag-aalinlangan niya itong ininom kaya nagsalubong ang aking kilay.

"That's my juice Mr. Merez!", Sabi ko.

"Hmm...", He mumbled and licks his lips.
"Your juice is sweets like a chocolate sweets.", Dagdag nito at ngumisi ng nakakaloko habang nakatingin sa akin.

Namula naman ako nang makuha ang ibig sabihin nito. I immediately grab the book and throw it to him but he dodge it.

"Ang bunganga mo Mr. Merez!", I said in a warn tone.

He just chuckled. Ganiyan talaga kapag p*rvert!

"Why? I didn't do anything.", Sabi nito nang nakangising aso.

Sasagot na sana ako nang marinig ang boses ng anak ko papalapit dito sa gawi namin.

"Mommy!"

Nilingon ko si Hanzo at may bitbit itong pitcher na may nilalam na juice. I was about to stand up nang maunahan ako nitong kasama ko at kinuha ang pitcher at baso na bitbit nito.

"Why are you taking this out?", Tanong ng kaniyang ama na aking ikinairap.

Papanggap pa eh gusto naman uminom. Hinayaan ko na lamang silang dalawa na mag-usap at ako naman ay pinagmamasdan lamang silang dalawa.

Inaamin kong ang gaan ng pakiramdam ko ngayon habang pinagmamasdan ang mag-ama ko na masayang nag-uusap. I stare at my son and I can see how happy he is with this man infront of him.

I didn't notice that I was already smiling while watching them.

Your father is already here infront of you Hanzo.

(END OF CHAPTER 14)

My Ex Is My BossWhere stories live. Discover now