80

13 2 0
                                    

wrote: 06-21-23

Yakap yakap ko ang parehong binti habang nakaupo sa kama. Ang tanging ilaw na nagpapaliwanag ng kuwarto ko ay ang liwanag na nang gagaling sa lamp shade ko.

My heart and my mind are arguing. Ang daming tumatakbo sa isip ko. Pagkatapos ng isang buwang dinistansya ko ang sarili sa lahat, parang nakakulong pa rin ako. Pero this time, nakapag isip isip na kahit papaano.

Tumahimik na rin ang bahay. Nakikita kong nagkaka ayos na si mama at papa pero alam kong nakabaon na ang mga pangyayaring iyon sa amin.

Napaangat ako ng tingin nang marinig ko ang dahan dahang pag bukas ng pinto ng kuwarto ko.

Sumilip si mama roon. Ngumiti siya sa akin saka tuluyang pumasok at umupo sa dulo ng kama ko. She's smiling at me gently.

"Ma?" Tawag ko, nagtatanong kung bakit siya narito gayong dapat ay natutulog na siya sa sarili nilang kuwarto ni papa.

"Pasensya ka na, 'nak." Agad kong napansin ang pamamasa ng mga mata niya.

"Bakit po?" Agad akong nag alala. Gumapang ako papalit sa kaniya at hinawakan ang mga kamay niya na nasa kandungan niya.

Huminga siya ng malalim bago sumagot. "Nadamay ka pa sa amin ng papa mo. Sa totoo lang, hindi naman kayo dapat nadadamay rito ni Broderick. Wala akong problema sa inyo, 'nak. Nanatili rin kaming magkaibigan ng mama niya, hindi ba? Pero masyado akong pinuno ng emosyon ko noon lalo na't madalas kaming may hindi pagkaka intindihan ng papa mo. Nang marinig ko 'yong sinabi mo no'ng gabing 'yon, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Wala kayong kinalaman dito, lalo na si Broderick. Kaya kung pinipigilan mo ang sarili mo at nararamdaman mo para sa kaniya dahil sa amin, huwag. Gusto rin naming maging masaya ka. Gusto rin namin si Broderick para sa iyo dahil napaka responsable at mabait niyang bata. Nakita namin kayong lumaki. Nakita rin namin kung paano ka niya tratuhin."

Kusa ng tumulo ang mga luha ko. Isa isa iyong nagsibagsakan. "Ma naman... H'wag kayong humingi ng tawad, naiintindihan ko po. Iniintindi ko ang mga pangyayari at ang nararamdam niyo."

I paused before nodding my head a lot of times. "Nakapag isip isip din po ako. Tama po kayo, hindi po damay si Broderick dito kahit pa tita niya 'yon."

Wala na akong galit na nararamdaman para kay Broderick. Hindi niya naman gawain ang ginawa ng tita niya. Hindi siya ang gumawa no'ng kasalanan ng tita niya. Sa totoo lang, I feel so sorry and guilty towards Broderick right now. Sa kaniya ko rin binuhos ang nararamdaman ko no'n para sa tita niya. Iniwan ko siyang walang kaalam alam sa mga nangyayari. I ghosted him.

I left him in the dark.

I cried in my mother's arms and told her everything that's been running through my head all day. Binuhos ko lahat hanggang sa unti unting pumikit ang mga mata ko sa pagod at tuluyang nakatulog. Gumaan ang pakiramdam ko.

Wish I Didn't Know (Epistolary)Where stories live. Discover now