78

13 2 0
                                    

wrote: 06-20-23

Fifi😈 is calling you...

"Hello? Settey?"

"Are you there, Cosy?"

"..."

"Shet, naiiyak na rin kami dahil humahagulgol ka!"

"Cosy, cry ka lang. Ilabas mo lahat."

"M-Masyado lang akong naapektuhan sa mga nalaman ko..."

"Normal lang na maapektuhan ka dahil anak ka, Settey!"

"Yes, don't invalidate your own feelings. You have the right to feel that way."

"I don't know if I should mention this but Broderick messaged us. Nag aalala rin siya."

"Gago, mas umiyak!"

"Pa... Papa c-cheated..."

"N-Nag cheat siya kasama ang tita ni Broderick na kapatid ng mama niya..."

"/Gasp*"

"Nasaktan ako... N-Nasasaktan ako hanggang ngayon... Sa dinami-dami, bakit tita niya pa? B-Bakit nagawa nilang mag loko? Kilala ng tita niya si mama! She treated my parents as her friend! How could she! N-Nagalit ako, galit na galit pa rin ako sa kaniya. At... N-Nagalit din ako na kadugo ni Broderick 'yon. P-Parang... Lahat sila, lahat ng may koneksyon sa kaniya, kinamumuhian ko na."

"Cosy..."

"Napapadalas na ang pag aaway nila mama nitong mga nakaraang araw. Tungkol sa pera, hanggang sa ibang bagay! Hanggang sa napupunta na sa mga pangyayari noon! No'ng gabing 'yon, lasing ako kaya nasabi kong may namamagitan sa amin ni Broderick. Nagalit si mama at tutol na tutol siya. Tinanong ko siya ng ilang ulit kung bakit kasi hindi naman iyon ang inaasahan kong sagot at reaksyon mula sa kaniya. Doon na siya sumabog..."

"Galit siya noong gabing iyon kasi nag aaway na naman pala sila ni papa at pinag aawayan nila ang tungkol sa pagyayari noon. Noong sumabog si mama sa harap ko, galit na galit at sinagaw na nagloko si papa kasama ang tita ni broderick noon. Narinig kong sabi ni papa noon pa raw iyon, hindi na ngayon. Nag bago siya, bumalik siya sa amin. Sabi ni mama, kahit ilang taon pa ang lumipas, ang sakit ng kahapon ay laging bumabalik sa kaniya kasi nangyari na. Nasugatan na siya."

"Hindi ko alam bakit nagloko si papa, pero wala namang valid reason sa cheating e. One thing I'm sure, grabe ang pag aaway nila no'n habang magkahiwalay kasi nasa quezon pa si papa noon."

"Inuunahan ako ng emosyon ko ngayon... Halo halo lahat. Gulat, galit, sakit — hindi ko alam! Hindi ako makapag isip ng maayos sa ngayon. Pinapangunahan ko na lahat. I'm overthinking, I hate this!"

"Part of me wishes I knew nothing about this. Sana nanatili akong bingi sa mga nangyayari. Sana wala nalang akong nalaman. I should have stayed in the dark.

Wish I Didn't Know (Epistolary)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon