Chapter 1

17 1 0
                                    

Skyler Shane's POV:

PROLOGUE:

Tumunog na ang aking cellphone dahil oras na para pumasok. 5:30 na ng umaga,bumangon na agad ako at tiningnan kung may natirang pang kanin kagabi. Hays buti nalang may natira pa na kasya na para sakin,naligo na ako at nagbihis. Ang hirap talaga nitong uniform namin,dress siya na full white na may sky blue na belt at necktie. 


Catholic School nga pala ang pinapasukan ko, to be honest mas mahigpit sila when it comes to dress codes. No piercings sa face and ibang part ng ears (dapat earlobe lang yung may piercing,sa babae nga lang pala pwedeng may piercing),no haircolor, may proper haircut ang boys na binibigay ng school,at no makeup (kahit lipstick big NO NO yan). And we have a subject, where naka focus lang sa religion.For me,di naman siya mahirap lagi ka lang dapat may mass reflections every sunday HAHA. Tapos na ako magbihis, nakapag-prito na rin ako ng hotdog at scrambled egg bago maligo. Sakto lang rin akong nakaalis ng bahay, 6:40. Ang time namin ay 7:30 ( i know ang aga ko kahit by 10 min nasa school nako, nakikipag chikahan pa kasi ako HAHA).


''Aga mo ngayon ah,trauma ka kahapon?'' buwelta ni zaijan. Kahapon kasi nalate ako dahil hindi tumunog yung alarm ko 7:50 na ako nakapuntang school, nakakuha tuloy ako ng warning. Basta maka apat ka na late sa school namin automatic na tatawagin ang magulang mo. Inirapan ko lang si zaijan at sinalubong si Helena.


Helena Hailey B.Sarmiento. My Bestfriend na kasama ko sa lahat ng up's and down's ko. For me, she's a very outgoing person, friendly,minsan masungit minsan hindi, mabait sa lahat ng classmates namin, kaibigan lahat ng grade 10 kahit sa kabilang section, at higit sa lahat ang taong mapapagkatiwalaan ko. Kaldagera lang si ate ghorl. Napakadami rin na lalaki na gustong ligawan siya dahil sa kagandahan niya at kasipagan niya mag-aral. Yun nga lang busted lang talaga halos lahat ng mga lalaking gustong manligaw sa kanya. Madalas siyang tumambay sa bahay namin dahil malapit lang yung school namin sa bahay. Walking distance pero dahil sa init na rin ng panahon sa tricycle kami nasakay papunta samin, may asthma rin kasi siya baka hikain pa habang naglalakad kami papunta samin.


 Ay ako pa pala,Skyler Shane B. Ancheta,16 yrs old.Panganay ako sa aking nag-iisang kapatid na babae,may agwat kaming sampung taon.Isipin mo,nagkaroon pako ng kapatid at the age of 10 HAHA.I may describe myself as someone na isang hopeless romantic,I still believe in fairy tales and love. I am a sentimental dreamer, idealists, and fanciful. Pero walang may nakaalam na ganito ako since,kilala ako ng mga kaibigan ko as someone who is an independent, and strong woman. To be short, a feminist. Ako daw kasi si ''Miss Independent'' , I prioritized my family than anyone else. But, friendly naman ako at mabilis ma-approach...I guess im an ambivert(Someone who's personality has a balance of extrovert and introvert features.)

Dumating na si Ethan at Cyrus. Si Zaijan Emmanuel E. Quizon, Ethan Luke C. Loyola, at Cyrus Christopher L. Martinez ang may sandamakmak na girls na nagkakagusto sa kanila. The reason for that is makikisig at matitipunong mga lalaki silang tatlo,guwapo, matalino, gentleman, matatangos ang mga ilong, may sari-sariling mga perks,at may itsura talaga silang tatlo. Pero kahit isa sa kanila ay walang natipuhan na babae, hindi nagkajowa to be short. Sila kasing tatlo yung tipong lalaki na uunahin rin ang career bago ang lahat, sa tingin ko rin di pa sila nakakahanap ng ''the one'' para sa kanila. 


Walang nakakaalam kundi si Helena lang na childhood bestfriends ko si Cyrus at Zaijan, since gr.4 magkakasama na kami sa lahat ng kagaguhan na pinaggagawa namin. Kami ang magka academic-rivals nung elementary. Ako ang third, si zaijan ang second, at si cyrus ang first. Di kami ever nawala sa rankong yon sa klase.

Falling For HimWhere stories live. Discover now