"ate shay wala kaming alam ni nathan diyan" si sam

"mag sabi ka ng totoo samuel at nathaniel!" pananakot ko

"hindi talaga namin alam ate shay peksman po" si nathan

tsk! kainis! sino nga kaya siya!

"maya nalang tayo punta ng hacienda" sabi ni nathan kay sam

"sige alam ko naman ayaw mong nakita pinsan ni kuya binoy"

"at san kayo pupunta ah?!" singit ko

"makikipag laro lang kami kay ate spencer" si nathan

"sam diba sabi ko wag kang lalapit sa halimaw na yon?!"

"ate wala naman siyang ginagawang masama samin ah" pag tatanggol ni sam

"anak bakit hindi mo sila hayaan? ang bait naman ng batang yon sa kapatid mo"

"haaay nako ma! wag niyo ngang pag tanggol yung babaeng yon! hindi maganda pakiramdam ko sa babaeng yon talaga! nag babaitbaitan lang yon!"

"ewan ko sayo anak. kung ano ano yang mga iniisip mo"

"at ikaw naman nathan bakit ayaw mo sa kapatid ni binoy?" si mama

"para po kase siyang linta" si nathan at natawa si sam

"linta?" si mama

"opo linta. dahil grabe po siya makadikit kay ate spencer" si nathan

"bagay lang silang mag sama!" singit ko

"gusto ba ng pinsan ni binoy ang apo ni don manuel?"

"oo ma. nakakahiya nga po e kase siya pa yung dikit ng dikit kay ate spencer namin" si sam

"sus! kung alam niyo lang gustong gusto din ng hinayupak na yon!"

"hindi kaya ate sabi nga samin ni ate spencer naiinis siya dahil ayaw daw niya yung ganon nahihiya lang daw siya" si nathan

"pakunwari lang niya yon!" sabi ko

"bakit daw ayaw sakanya ng apo ni don manuel?" si mama

bakit namab interesado tong si mama sa ganitong usapan? itchusera ah!

"kase ma sabi ni lolo don manuel samin may ibang gusto si ate spencer" si sam

"sabagay sa itchura palang naman ng apo ni don manuel e magugustuhan non e yung mga kauri niya panigurado may karelasyon na iyon na tiga maynila rin"

"at feeling ko din maraming girlfriend ang manlolokong yon!" dagdag ko

"ate bakit ba lagi mong jinajudge si ate spencer?" si sam

"e ayoko sakanya e!" inis kong sabi

"kahit wala siyang ginagawa sayo?" si sam

"akala niyo lang wala! basta ayoko sakanya naiinis ako sakanya kung pwede lang e baka napatay ko na yon wag ko lang makita pag munukha niya!"

napapailing nalang si mama sakin

"baka gusto ni ate shay si ate spencer kaya mainit ang dugo niya sakanya." pabulong na sabi ni nathan kay sam at parang hindi pabulong yon dahil narinig ko

"hoy! nathan anong sinasabi mo diyan ah?!!"

"wala po" takot nitong sabi

at tumawa si sam.

"tama ka nga yata" sabi ni sam at nag apir ang dalawa

"hoy kayong dalawa! kung ano man yang iniisip niyo nag kakamali kayo! dahil hinding hindi ko siya magugustuhan dahil hinding hindi ako mag kakagusto sa kapwa ko babae lalo na kung sakanya pwe!!!"

When You Kiss Me •GiRL2GiRL•Where stories live. Discover now