"I'm sorry. I'm so sorry."

"I should be the one who will ask for forgiveness. Not you, baby. You suffered a lot."

"May mali din ako. I pushed you away instead of comforting you kasi n-nawala baby natin. You suffered a lot din kaya. Please, forgive me–"

Napakagat s'ya sa labi at mariing napapikit. He is hurt. I can still see it now. 

"You are forgiven. Even if you didn't ask for it, I already forgave you. Wala kang kasalanan. We are all victims. Stop blaming yourself okay? You're not selfish as what you think you are. You are lovely."

Lumapit s'ya sakin at hinigit ako palapit sakanya. Ako na ang unang yumakap dahil pakiramdam ko mababaliw na ako pag hindi ko s'ya mahawakan ngayon din! I hugged him so tight. Hindi ko alam kung nakakahinga pa ba s'ya. I closed my eyes to feel the moment.

He hugged be back. I can his heartbeats, beating so fast and wildly so I do as mine. I thank God for reuniting our paths again. Sabi ko sa sarili pag umabot nang bagong taon tapos hindi pa s'ya nagpakita, mag momove-on na ako!

I thank God for bringing him again to me. . . I can see my future with him. Together with our future children. Sakanya lang. Hinagod n'ya ang likuran ko tila pinapakalma ako. I am calmed simula noong nakita ko s'ya. Ngayon lang ata ako natuwa sa desisyon kung pumunta dito kahit gabi na.

Bakit ngayon ko lang naisipan na baka nandito nga s'ya? Busy din kasi ako sa school. Wala akong time para pumunta here.

"Stop crying, Alzera." Pagalit ngunit may pag-aalala parin ang boses n'ya. "Shhh."

Hinampas ko s'ya ng very light. "Masaya ako kaya manahimik ka d'yan." Maldita kong sabi pero kahit na ganoon rinig na rinig parin ang hikbi ko.

"Tears of joy? Come on, face me, marami pa akong tanong sayo."

Akmang ilalayo n'ya ako sakanya pero mas lalo akong sumiksik. Baka mawala s'ya pag binitawan ko siya! Nako. Hindi ko alam bakit nagkakaganito ako. Parang tanga lang. Wala s'yang magawa kundi ang yumakap nalang pabalik sakin. I'm so clingy! Nahawa na ata ako sa lalaking ito. For sure tuwang-tuwa ang siya dahil kanina pa ako nakayapos sakanya.

"Let's go to our bedroom, hmm?"

"A-anong gagawin natin doon?" Kinakabahang tanong ko.

"Let's just talk. I know you still have a lot of questions, and me either. So, let's go?" Malambing na sabi niya. "Alzera?" Untag n'ya sakin ng hindi parin ako lumayo.

I shook my head as an answer. Ayokong lumayo sakanya. Alam kong sobrang laki na ng ngisi n'ya ngayon. Napasimangot ako. I felt his lips in my forehead. Napapikit ako ng mariin. I missed his. . . kisses.

"Hold tightly."

Walang pasabing binuhat n'ya ako nang pa bridal style. Naalala ko tuloy ang sinabi ko kay Amanda noong huli kaming nagkita. Kumusta na kaya s'ya at ang Tatay n'ya?

Nang mahuli isa-isa ang mga naglalakihang drug dealers ay lumabas din ang mga ibang baho nila. At 'yong nangyari sa amin, kay Papa at Mama ay hindi isinapubliko. Ayaw nila Papa ng gulo kaya piling huwag sabihin sa media, sang-ayon naman ako. Ngayon pa na wala nang mang gugulo. Siguro kung clout chaser ako, matagal na akong sikat, charot. Marami ang mga nag-salita laban sa mga Veron.

Dinala n'ya ako sa master bedroom. Jusko, anong gagawin namin dito? Bigla akong nag blush sa iniisip ko. Hoy, mali kayo ng iniisip! Mga minors nga naman.

Nilapag n'ya ako sa kama kaya napasimangot ako. Hindi ko alam bakit gustong-gusto kong malapit sakin si Sir Wrath. E hindi naman na kami mag boyfriend o girlfriend. Ay wala na nga ba? Hindi ko maalala na may sinabi s'yang maghiwalay na kami, o pumayag sa s'ya sa gusto ko.

Fire Burning Where stories live. Discover now