"Mahirap mag umpisa, pare. Lalo pag walang sapat na pera."

"I can lend you some–"

"Hala, huwag na oy!"

"Why not?"

"Pag-iisipan ko."

"Tell me if you change your mind. I'll help you with it. Our grandchildren might want to be an engineer in the future just like her grandpa, may susunod pa sa mga yapak n'yo."

Ano ba iyan, puro business naman pinag-uusapan eh tapos  umabot pa nga sa apo! Hindi pa nga kami nagkikita ng anak n'yo eh! Apo ka d'yan.

But, I don't think I can still bear a child. Ang sabi ng doctor dati, malaki ang naging impact ng pagkawala ng baby ko. Talagang nanlumo ako ng husto. Hindi pwedeng wala akong lahi. Meron dapat. Pero natatakot ako mag take ng risk.

What if maulit iyon? Mukhang iyan na talaga ang dahilan ng kamatayan ko. Patuloy parin usapan ni Papa at Mr. Aguas patungkol sa trabaho.

"Ano ba naman iyang pinag-uusapan n'yo, puro trabaho. Hindi baka nauumay, mahal?" Reklamo ni Mommy Glends.

Si Mommy Glends at Mama ay iba naman ang pinag-uusapan. Napalingon kaning lahat ng pumasok si Zicheous kasama si Razrence.

"Good evening po, mga Titos and Titas!" Bati ni Zicheous sa lahat. "Good evening rin po sayo, ganda!" Bati n'ya sakin.

"Good evening, Titos, Titas, and Alzera. Hi, baby girl." Sabay kindat sakin.

Pag ito nakita ni Wrena, mabubulag 'tong lalaking 'to. Sinasabi ko sakanya.

Tumawag ng kasambahay si Mommy Glends at nagpakuha pa ng ibang pagkain. Sobrang dami pa namang pagkain sa table! Mukha rin namang hindi magtatagal ang dalawang to.

"Eat, boys. By the way, what brought you here ba?"

"Bisita lang po, Tita. Nagbabasakali kung umuwi na ba ang lover boy namin."

Si Razrence na sobrang busy sa pagkain ngayon. Hindi ba s'ya na aawkwardan na nasa paligid lang ang tatay ng babae n'ya?

"How's your father's business, Raz?"

Napatigil s'ya sa pagkain at ngumiti kay Mr. Aguas.

"It's doing great, Tito, so far." Pormal n'yang sagot.

"Okay. Send my regards to your father."

"Makakarating po."

Nag-tagal pa kami sa hapag dahil dumating ang dalawa. Sobrang ingay na tuloy ng hapag dahil dumating ang dalawa. The dinner went well. Pumunta kami sa garden after, inuman daw sila. Sali daw ako kasi minsan lang naman.

Pumayag naman ako. Hapon pa naman klase ko bukas. Mawawala pa ang sakit sa ulo kung sakali. Samin nila Mama ay wine. Beer naman ang sa mga lalaki. Nasa iisang bilog na lamesa lang kami. Mommy Glenda took a lot of pictures and posted it on her IG. Hindi na ako mag-tataka kung dumugin na naman iyon ng comments, such as: sanaol.

"Miss mo na 'no?" Napalingon ako kay Razrence. "Aminin!" Tukso n'ya pa. "Miss kana rin no'n, nahihiya lang saiyo ang lover boy namin."

"Hindi na nga nagpakita eh," may kung anong bahid ng tampo ang boses ko. "Miss amp."

Nagpaalam muna ako na papasok dahil mag babathroom lang. Pero ang toto n'yan ay pupunta ako sa kuwarto ni Sir Wrath. Napakapit ako sa pader ng muntikan akong matumba. Ang hina talaga ng alcohol tolerance ko.

Ganon parin ang kuwarto n'ya. Walang nag-bago. I remember those days that we are happy. Mapait akong napangiti. Ngayon ko lang napagtanto na miss na miss ko na s'ya. Ilang buwan na ang lumipas pero hindi parin s'ya nagpakita sakin!

Fire Burning Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum