21

183 10 0
                                    

Matapos naming i-brief ang mga kasama namin, mainly si Isaac lang, ay napagpasyahan naming pumunta sa karatig bayan upang doon bumili ng mga kakailanganing supplies. Nacontact na namin ni Isaac ang pharmacy store na iyon at kukunin na lang namin ang mga supplies na inorder namin. May iilan na hindi namin mabibili doon dahil limited din ang binebenta nila kaya nagpasya nalang ako na ipasuyo ito kay Kuya Gio at dadalhin naman niya ito sa Marinduque bago magsimula ang clinic drive namin.

"Paano ang ibang mga supplies? Hindi naman natin pwedeng gamitin ang mga gamit natin. That's unhygienic." sarkastikong komento ni Pamela.

I learned throughout my stay here that not everyone is going to like you. A lesson that I should have learned ever since kahit nasa Manila pa ako. I tried so hard to please other people to the point that it got me into an accident and they don't even bother to check in on me. Probably, they are rejoicing na naaksidente ako. 

May mga tao talagang magsasabi at magsasabi na hindi kanila gusto and that's okay. You don't need to please them. Just be you and redirect your energy towards something else that actually matters. Pamela is one of them and I just have to be me and don't even bother to direct all my energies at her.

"May mga naorder na kami ni Isaac sa Manila. Baka next week pa siya maipapadala dito dahil hindi pa siya dumadating. But rest assure that all of the materials needed for the clinic drive will be complete before we even start the project." positive na tonong saad ko.

"Paano ka naman nakakasiguro?" sabay taas niya ng kilay.

Winaglit ko ang namumuong inis sa sistema ko at nginitian ko siya bago tumango. Mukhang kailangan kong magbaon ng maraming pasensya para sa araw na ito at hanggang sa susunod na linggo dahil sinusubok niya talaga ako.

"I will call my brother mamaya pagkatapos nating kuhain ang mga supplies sa pupuntahan natin. I-loloud speaker ko rin para marinig mo." may diin na saad ko sa kanya.

"Hindi ko rin naman hahayaan na hindi kumpleto ang gamit natin, Pam. Lagi kong kukulitin si Isla para don." singit ni Isaac na mukhang naulinigan na ang inis sa tono ko.

Tumango naman ito at bahagya akong umiling dahil sa inaasta niya. Kung hindi lang talaga kami pinakiusapan ng professor namin sa subject na ito ay hindi ko tatanggapin na may katulong kami ni Isaac eh. We can do this kahit dalawa lang kami. 

"Okay, wala na bang mga tanong?" maotoridad na tanong ni Isaac. "Kung wala na, tara na at baka hinihintay na rin tayo ng pagbibilhan natin."

Nagsitayuan naman ang mga kasama namin habang ako ay kinuha ko ang bag ko na nakalagay sa isang upuan sa gilid. Naramdaman ko ang paghawak ni Isaac sa likod ko dahil nakayuko ako upang ipasok ang ilang mga gamit ko na nakalabas. Tumayo ako ng maigi at bumuntong hininga bago siya harapin. Hinila niya ako palapit sa kanya at agad na ikinulong sa mga bisig niya. 

"Why?" takang tanong ko at hindi pa siya niyayakap pabalik.

"Wala lang. Feeling ko lang need mo ng yakap. You need a lot of it this week and next week too." saad niya at inangat ko naman ng bahagya ang ulo ko upang tingnan siya.

Pinagmasdan ko kung paano lumikot ang mga mata niya na animoy kinakabisado ang buong mukha ko. I slowly smiled at him and he returned the gesture by pulling me even closer to him. 

"Thanks." bulong ko at tumango naman siya.

"Tara na para maaga rin tayong matapos at makapagpahinga na." aya niya sa akin at tumango naman ako.

Tahimik akong nakatingin sa bintana ng sasakyan namin habang bumabyahe kami papuntang kabilang bayan. Katabi ko si Isaac na nakikipag-usap sa isa naming kasama. Nasa likod naman namin si Pamela na maingay ding nakikisali sa usapan nila Isaac. Medyo malayo layo din ang byahe kaya mas pinili ko nalang din na magpahinga habang bumabyahe kaysa sayangin ang energy ko.

Temporary (Montenegro Series #6)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon