"Siya ang naging dahilan kung bakit ako naging isang demonyo at siya ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ko. Dating secretary ng ama niyo ang nanay ko at dahil bait baitan ang ama niyo nag kagusto sakaniya ang nanay ko at nung gabi na may celebration sa company niyo ay may nangyari sakanila at pag katapos non pinalayo at binayaran ng ama niyo ang nanay ko para walang makaalam ng nangyari. Walang nagawa ang nanay ko noon kundi ang mag pakalayo layo pero ng malaman niya na buntis siya ay kinausap niya ang ama niyo para ipaalam dito na nag bunga ang nangyari sakanila pero pinag tabuyan lang siya nito. Binigyan siya nito ng maraming pera at sinabing ipalaglag nalang ang batang dinadala nito dahil bunga lang naman daw ito ng isang pag kakamali na kailan man hindi niya ginusto na mangyari. Umalis nalang ulit ang nanay ko noon at nag pakalayo layo pero hindi niya ako pinalaglag, binuhay niya ako at pinalaki hanggang sa mag karoon siya ng malubhang sakit. Habang nag hihirap siya sa sakit niya sinabi niya sakin kung sino ang ama ko at kinuwento rin niya sakin lahat ng nangyari. Pinuntahan ko ang ama niyo para humingi ng tulong. Nag pakilala ako sakaniya bilang anak niya pero hindi siya naniwala at pinag tabuyan lang niya ako pero binigyan naman niya ako ng pera dahil akala niya namamalimos lang ako. Pag uwi ko sa tinitirhan namin ng nanay ko ay wala na itong buhay. Naging palaboy ako ng mamatay ito hanggang sa mapunta ako sa bahay amponan at may umampon saking mayamang lalaki. Akala ko gaganda na ang buhay ko pero hindi pala dahil pinapagawa ako nito ng mga illegal na gawain at kapag hindi ko siya sinusunod, sinasaktan niya ako. Tiniis ko lahat ng sakit hanggang sa lumaki ako at ng hindi ko na talaga matiis ang mga pinag gagawa niya sakin ay lumaban na ako at pinatay ko siya at pag katapos non ay ako na ang namuno sa binuo niyang sindikato hanggang sa maisipan ko na mag higanti sa ama niyo pero nalaman ko nalang na patay na ito maging ang asawa at ang isa nitong anak. Hinanap ko ang kuya mo noon ng mabalitaan ko na siya lang yung natira sa pamilya niyo para siya nalang yung pag bayarin ko sa ginawa ng ama niyo hanggang sa maisipan ko na pumasok dito dahil nabalitaan ko na isa ito sa properties ng ama niyo at nabalitaan ko rin kasi na ang kapatid ng ama niyo ang nag papalakad dito kaya gusto ko sanang kumuha ng impormasyon tungkol sa kuya mo kay Mr. Fuentes kaya ako pumasok dito pero wala naman akong nakuhang impormasyon sakaniya kaya ako nalang ang gumawa ng paraan para makahanap ng impormasyon hanggang sa malaman ko na buhay karin pala. Pinag isipan at pinag planuhan ko muna noon kung paano ako makakaganti sainyo at naisipan ko na mag pakabait nalang muna at humanap ng pwedeng makatulong sakin pero isa lang ang napag tanto ko at yun ay wala kang maaasahan at mapag kakatiwalaan dito kundi ang sarili mo lang."Puno ng sakit at poot na kwento ni Nethan.

Napakahirap at napakasakit pala ng pinag daanan niya kaya hindi ko siya masisisi kung bakit siya naging ganito pero hindi pa naman huli ang lahat pwede pa siyang mag bago.

"Kung totoo man yung sinasabi mo ako na ang humihingi ng tawad sa nagawa ng ama namin."Malungkot na sabi ni Cindy.

"At sa tingin mo ba sapat na yung pag hingi mo ng kapatawaran sa ginawa niya. HINDI! Dahil hindi kayang tumbasan ng pag hingi mo ng kapatawaran ang ginawa niya saakin at sa nanay ko. Hinding hindi ko siya mapapatawad kaya ngayon oras na para pag bayarin ko kayo sa ginawa niya!"Puno ng galit na sabi ni Nethan.

"Wala silang kasalanan sa ginawa ng ama niyo kaya please lang Nethan wag mo nalang silang gantihan. Kapatid mo sila."Hindi ko na napigilan pa yung sarili ko kaya nag salita na ako.

"Hindi ko sila kapatid dahil kahit kailan hindi ko tinuring na ama ang ama nila!"Sambit nito.

"Nethan makinig ka sakin. Mag kaibigan---"pinutol nito ang sasabihin ni kuya.

"Hindi na tayo mag kaibigan simula noong mas pinili mo na makipag kampihan sakanila. Akala ko dahil sa ginawa sayo ni Dark ay magagalit ka sakaniya at tutulungan mo ako na makapag higanti sakaniya, kaya nga kita tinulungan dahil akala ko ikaw yung makakatulong saakin pero nag kamali ako dahil sa halip na magalit ka kay Dark ay mas pinili mo pang makipag kampihan sakaniya. Bakit? Siya yung dahilan kung bakit muntikan kanang mamatay at ang ama niya ang dahilan kung bakit namatay ang ama niyo pero bakit mas pinili mo paring makipag kampihan sakaniya?"Sambit ni Nethan.

"Dahil siya lang ang alam kong makakatulong saakin para mapag bayad ko ang pumatay sa ama namin."sagot ni kuya.

"Siya lang? So anong tingin mo sakin?"-Nethan

"Makinig ka..."Sabi ni kuya saka dahang dahang lumapit kay Nethan pero napahinto siya ng mag labas ito remote.

"Huwag kang lalapit kong ayaw mong sumabog ang anak mo."Sabi ni Nethan.

"Anak?"tanong ni Cindy.

Ngumisi naman si Nethan saka siya sumulyap sa labas at may sinenyasan yata ito sa labas.

Pamaya maya ay nakita namin ang isa niyang tauhan habang tulak tulak ang pamangkin ko na nakasakay sa wheelchair  na napapalibutan ng bomba.

"Gago ka Nethan anong ginawa mo sa anak ko?!"galit na tanong ni kuya.

"Relax lang wala pa akong ginagawa sakaniya. Pinalibutan ko lang siya ng bomba."sagot ni Nethan.

"Bakit kailangan mo pang idamay ang anak namin?! Samin kalang galit hindi ba?!"Sambit ni Cindy.

"Tama ka sainyo nga lang ako galit ng kuya mo at kayo lang yung gusto kong pag bayarin pero sa nakita ko hindi kayo madaling matalo kaya ginamit ko ang utak ko para matalo kayo."sambit ni Nethan saka siya nag hagis ng kutsilyo sa harapan ni Cindy. "Ngayon Darla mamili ka. Buhay ng anak mo o buhay ng kapatid mo?"

Napailing iling nalang si Cindy.

"M-mami, I'm scared!"Rinig kong sabi ng bata.

Napaiyak nalang naman si Cindy ng marinig niya na mag salita ang anak nila ni kuya.

"Oh kailangan lang palang takutin ang anak niyo para mag salita."Natutuwang sabi ni Nethan.

Nabanggit nga pala samin ni Cindy na simula ng ipanganak niya ito ay hindi niya ito nakikinig na umiiyak and sinabi rin niya samin na kulang ito sa buwan ng ipanganak niya.

"Baby don't be scared, okay, I'm here, mommy won't let anything happen to you."Umiiyak na sabi ni Cindy.

Sinulyapan naman ni Nethan yung tauhan niya saka nag sign na ilabas na muna yung bata.

"Yun naman pala, hindi mo naman pala hahayaan na may mangyari sa anak mo kaya ano pang ginagawa mo, patayin mo na ang kapatid mo!"sambit ni Nethan.

Napakasama niya! Oo mahirap at masakit nga ang pinag daanan niya pero hindi naman rason yun para maging masama siya. Ang buong akala ko mabuti siyang tao hindi pala dahil napakasama niya! Tama lang pala yung pag kakakilala ko sakaniya nong una palang, isa pala talaga siyang demonyo!

"Ang sama mo Nethan! Ang sama sama mo! Pati ang anak ko dinamay mo!"galit na sabi ni Cindy.

Tumawa naman ito saka ngumisi.

"Bibilang ako ng lima Darla at kapag hindi mo pinatay ang kapatid mo,ang anak mo ang mamamatay."Sabi ni Nethan

Napailing iling nalang ulit si Cindy habang umiiyak. Maging si kuya ay naluluha narin pati na ako.

"5"pag bilang ni Nethan.

"Hindi!"-Cindy.

"4"

"Net---"pinutol nito ang sasabihin ni kuya.

"3 hindi ako nag bibiro Darla."seryosong sabi ni Nethan habang hawak niya yung remote. "2"

Bigla naman akong kinabahan ng maalala ko yung napanaginipan ko.

"1"

Agad akong lumingon sa gawi nila Cindy para sana pigilan ito pero huli na ang lahat dahil nangyari na yung nasa panaginip ko.

"HINDI!"Sigaw ko kasabay ng pag agos ng mga luha ko.

-----------------------------------------------------------

DARK HELL UNIVERSITYWhere stories live. Discover now