CHAPTER 22

64 2 0
                                    

Cindy's POV

Nagising ako na nasa room ko na ako. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito dahil ang huli kong naaalala ay sinundan ko yung mga taong nakamasid samin ni Carrie habang kami ay nag uusap hanggang sa mapunta ako sa isang classroom. Ang classroom na yun ay napuno ng usok na naging dahilan para mawalan ako ng malay pero bago ako mawalan ng malay ay nakita ko yung lalaking nakamaskara na tumulong sakin nong napalaban ako. Hindi ko siya kilala dahil ilang beses ko palang siyang nakikita and natatakpan din kasi ng maskara ang buo niyang mukha kaya hindi ko talaga siya makilala.

"Buti naman at gising kana."napatingin naman ako sa may pinto ng biglang may mag salita at dun ko nakita si kuya na matalim na nakatingin sakin. Alam kong galit siya sa paraan palang ng pag tingin niya. Siya pa mandin yung tipo na hindi mo gugustuhing magalit dahil nakakatakot siyang magalit.

"Ang agap mo naman yatang pumunta dito."Sabi ko

"Talaga bang ipapahamak mo ang sarili mo!"Sabi niya

Tok!tok!

Thanks God! Buti nalang at may kumatok dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay kuya. Ayaw na ayaw pa naman niya na napapahamak ang mga taong mahalaga sakaniya.

Binuksan ko nanaman yung pinto at pag bukas ko nito ay si Carrie ang bumungad sakin.

---

Carrie's POV

Pumunta ako sa room ni Cindy para kamustahin siya.

"Anong ginagawa mo dito?"tanong niya pag ka bukas niya ng pinto.

"Gusto lang kitang kamustahin."sambit ko.

"Okay lang naman ako."sambit niya

Mukha namang okay na talaga siya.

"Mabuti naman,"sambit ko dahil nag alala talaga ako sakaniya kahapon.

"Pasok ka muna"sambit niya na di ko inaasahan na sasabihin niya.

Pumasok nanaman ako at pag kapasok ko ay nakita ko si Casper na nakatayo habang nakatingin samin.

Nandito parin pala siya.

"Maliligo lang ako,antayin mo na ako, sabay na tayong pumasok."sambit ni Cindy saka siya pumasok na sa Cr.

Nakakapag taka ang mga kinikilos niya dahil hindi naman siya ganito.

"Okay kalang?"tanong ko kay Casper ng mapatingin ako dito. Wala kasi siyang kibo.

Hindi naman niya ako pinansin samantalang ay naupo nalamang siya.

Galit ba siya?

Gusto ko sana siyang tanungin pero napag pasyahan ko na wag nalang dahil baka di lang din naman niya ako sagutin.

Nanatili nalang akong tahimik habang inaantay ko si Cindy at pa maya maya ay nakita ko na itong lumabas.

"Tara na"aya sakin ni Cindy pag katapos niyang mag ayos.

"You need to take a rest kaya wag ka na munang pumasok."pigil ni Casper kay Cindy.

"No need dahil okay nanaman ako."sambit ni Cindy saka nauna ng lumabas.

Kanina ko pa napapansin na parang umiiwas si Cindy kay Casper siguro ay dahil mag kagalit sila pero bakit naman kaya?

"Ano pang ginagawa mo diyan?"tanong sakin ni Cindy kaya lumabas narin ako pati na si Casper.

Habang nag lalakad kami ay may humarang saming kalalakihan.

"Nandito kalang pala, kanina ka pa namin hinahanap at kasama mo pa talaga si miss Cindy."sambit ni Jake kay Casper.

DARK HELL UNIVERSITYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon