CHAPTER 48

66 3 0
                                    

Carrie's POV

Nang may marinig kaming malakas na pag sabog ay mas lalong nadagdagan yung kaba ko.

"Hindi ko kayang manatili nalang dito."Sabi ko saka nag madaling lumabas.

Naramdaman ko naman na may sumunod sakin. Akala ko pipigilan niya ako pero sinabayan lang niya ako sa pag lalakad.

"Hindi ko rin kayang manatili sa loob. Kailangan kong makasigurado na wala sila  sa pinang galingan ng malakas na pagsabog."Sabi ni Cindy.

Hindi pa man kami nakakalayo ng makita namin si Julius.

"Nasan ang iba?"tanong ni Cindy.

"Hindi ko alam. Matapos saming ituro ni Nethan kung ano yung dapat gawin ay nag hiwa-hiwalay na kami para mabilis daw namin matapos. Nang may marinig ako na sumabog ay bumalik na ako dito."sagot ni Julius. Nilampasan ko nalang naman siya.

Gusto kong malaman na ligtas silang lahat. Hindi ko alam kung saan ang pinanggalingan ng malakas na pag sabog pero sa tingin ko malapit lang yun dito.

"Ate"Nang marinig ko ang boses ni Dave ay agad ko itong hinanap at ng makita ko ito ay agad ko siyang nilapitan.

"Anong nangyari?"nag aalala kong tanong ng makita ko na akay akay niya si Nethan.

"Hindi ko alam ate basta narinig nalang namin na may sumabog."Sabi ni Dave.

Tiningnan ko naman si Nethan.

"Anong nangyari sakaniya?"nag aalala kong tanong.

Hawak hawak kasi ni Nethan yung parte na nasaksak sakaniya at nag dudugo pa ito.

"Bumuka lang yung tahi pero wag kang mag alala okay lang ako."Sagot ni Nethan.

Napatango tango naman ako.

"Nasan sila kuya?"tanong ko.

"Hindi namin alam."sagot ni Nethan.

"Sige bumalik na kayo at hahanapin ko lang sila."Sabi ko saka nag madaling mag lakad. Ayaw ko sana silang iwan dahil nag aalala ako sa lagay ni Nethan pero mas nag aalala ako kila kuya. Hindi ako mapapanatag kung mananatili lang ako kaya gusto ko silang hanapin para makasigurado na wala sila don sa pinanggalingan ng malakas na pag sabog. Kasama naman ni Nethan si Dave kaya hindi na ako masyado nangangamba, mas nangangamba talaga ako kila kuya dahil hindi ko alam kung mag kasama ba sila o kung ayos lang sila.

May narinig pa akong sinabi nila Dave pero hindi ko na naintindihan pa dahil sa tuloy tuloy ako sa pag lalakad.

Napahinto nalang ako ng may mga lalaki akong nakasalubong.

Agad kong nilabas yung kutsilyo ko ng lumapit sila sakin. Nakipag laban ako sakanila pero dahil sa marami sila ay nagawa nila akong talunin. Nahawakan nila ako saka natakpan nila ng panyo yung ilong ko na kinawala ko ng malay.

----

Cindy's POV

Hindi ko na nakita pa si Carrie dahil sa sobrang bilis niyang mag lakad. Nakipag usap pa kasi ako kay Julius kaya hindi ko agad siya nasundan, maging kila Dave at Nethan na nakasalubong ko ay nakipag usap din ako.

"Kuya! Buti at ligtas ka."Sabi ko ng makita ko si kuya.

"Nasan ang iba?"tanong niya.

"Si Julius, Dave at Nethan nakabalik na. Si Carlo hindi ko alam kung nasan, maging si Carrie hindi ko rin alam kung saan nagpunta."Sabi ko.

Nag aalala ako kay Carrie dahil hindi pa siya ganon kabihasa sa pakikipag laban.

"What! Hindi ba't sinabi ko sainyo na wag kayong aalis."Sabi ni kuya.

DARK HELL UNIVERSITYOnde histórias criam vida. Descubra agora