chapter sixteen: Pugot sa Simbahan

97 13 3
                                    

Benson Memory

"Hindi ka ba natatakot, Benson?" Napatingin ako kay Father Thanatos na seryoso na naglalakad habang kinakalikot ang isang sinulid."Po? saan naman, Father?"

"Sa mga taong naka paligid sa'yo." Napa isip naman ako at natawa, "Syempre Father natatakot, hindi mo kasi alam kung totoo ba yung tao sa'yo o backstabber eh." Mahinang natawa si Father Thanatos habang nailing.

"Paano kung nalaman mo na isa sa mga kakilala mo ang pumatay sa magulang mo, anong gagawin mo?" Napatigil ako sa paglalakad sa kanyang sinabi kaya napatigil din si Father at lumingon sa akin.

Kumuyom ang kamao ko...nagulat ako sa tanong ng Pari. "Benson?"

"Hindi...ko ho alam. Ang sabi sa akin ni Ma'am Wynne ay pigilan ko ang galit sa aking puso, p-pero kung isa man ho sa mga kakilala ko ang may gawa nun." Mapait akong ngumiti, "Paghihiganti ko pa rin ang aking mga magulang." Walang emosyon siyang tumingin sa akin bago yumuko at natawa.

"Nakakatuwa kang bata ka..."  Napatingin ako sa kamay ni Father Thanatos, "Father, dinudugo ang kamay mo." Napatigil siya sa pagkalikot at napatingin sa kamay, "ah...hindi ko napansin."

"Ano ba 'yan, Father. Hindi ka nag-iingat," Kinuha ko ang gasa na lagi kong bit-bit at binigay sa kanya 'yon. "Bakit ho ba kayo kalikot nang kalikot?" Tanong ko.

"May pinag-aaralan lang ako," Napatigil ako at napa isip. "Oo nga pala, Father, paanong nakakahiwa ang sinulid?" Tanong ko. Eto na rin ang pagkakataon para maka hagip ng magandang impormasyon sa mga kaso.

Napatingin naman sa akin ang pari habang rinorolyohan ang kamay. "Kayang makahiwa ng manipis na sinulit kagaya ng balat kung didiinan mo ito o gagalawin na para kang nag hihiwa." Napa ahh naman ako.

"Oo nga pala, Father. Bakit mo pala natanong yung kanina?"

Ngumiti ang Pari. "Wala lang, nais ko lang mag tanong, oo nga pala Benson. Maaari mo ba akong bilhan ng makakain sa Tindahan?" Tanong nito at tumango naman ako saka kinuha ang pera na binigay niya at tinungo ang malapit na tindahan.

Habang nabili ay iniisip ko ang mga kaso na hawak ko ngayon.

Feilon Dizon.
Emanuel Evanghelista.
Devin Nervoza.

Pare-pareho silang kaso sa pagkamatay. Sa totoo lang ay kinakabahan ako, ramdam ko ang pag tibok ng puso ko sa bilis at lakas.

Ang pag pugot sa tatlong Biktima ay hindi basta-basta, dahil ang gamit ng kriminal ay isang...sinulid.

Bumalik ako dala ang biscuit at softdrinks para kay Father Thanatos. Nang makabalik ay wala na siya roon, kaya naman hinanap ko ang pari ay nakita ito malapit sa isang puno, may hawak-hawak itong isang papel at isang litrato.

"Father!" Nagtaka ako nang mabilis niyang tinago ang litrato sa bulsa at tinapon ang papel sa likod ng bato. "Salamat," pasasalamat niya nang makuha sa'kin ang pinabili. "Oo nga pala, Father. May misa ka mamaya?" Tanong ko.

Tumango siya. "Makakadalo ka ba?" Umiling ako, "May kailangan ho akong asikasuhin eh..." Tumango naman siya at nagpaalam na, dun ko napansin ang peklat na naka palibot sa kanyang leeg nang tumalikod si Father.

Tatanungin ko pa sana ang Pari pero mabilis itong naglakad palayo. Kamot ulo na lang akong napa buntong hininga sabay naalala ang papel na tinapon niya kanina.

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now