chapter six: Pugot na Ulo

171 21 7
                                    

Halos napuyat ako dahil ka-gabi. "Mommy, are you okay?" Napatingin ako sa aking anak at ngumiti, "Ayos lang ako, nak." Pero kita ko pa rin ang pag-aalala sa kanyang mukha.

Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi at pilit na pinapagaan ang kanyang loob. Aaminin kong hindi pa-maayos ang aking lagay simula ka-gabi, alam kong mabait si Mother Fei at Berting.

Halos sila na ang naging pamilya ko sa Simbahan, nalulungkot ako sa sinapit nila... "Wynne." Napalingon ako kay Barbatos. Ang sabi niya ay li-liban muna siya sa trabaho para makasama ako.

Napangiti ako nang halikan niya ako sa labi. "Kamusta na ang pakiramdam mo, mahal?" Malambing na pagkakatanong ng aking asawa. "Ayos lang...medyo malungkot." Marahan niyang hinimas ang ulo ko at hinalikan iyon.

"Mommy you wanna play with me!?" Masiglang tanong ng aking anak. "Oo naman, anong gusto mong laruin natin? Tago-tagoan? Ma-iba taya?"

Napanguso naman ang anak ko, "Those are for kids, mommy." Mahina akong natawa nang kurutin siya ng kanyang ama. "But you're still a kid."

"Nooo...I'm a big big boy." Sabay ngisi nito. Nagkulitan pa ang mag-ama ko kaya naman halos matawa-tawa ako sa bonding nilang dalawa, ngayon lang uli kami nagkasama ng ganito...halos busy din kasi sa trabaho si Barbatos.

Ilang oras ay naka tulog na si Hreontes sa pagod habang kami ng asawa ko ay nanatili sa sala ay mag ka-yakap. "Mahal..." Tawag ko ay napatingin naman siya sa akin habang patuloy sa paghimas sa aking ulo. "Hm? May problema ba, mahal ko?"

"Bumisita kasi rito sila mama at papa, nag-aalala ako kasi bigla na lang umiyak si mama, hindi ko lang alam kung bakit..." Ramdam ko ang paghigpit ng kakahawak niya sa akin kaya naman napatingala ako para tingnan ang aking asawa.

Madilim ang kanyang mukha at dahan-dahan siyang huminga ng malalim. "Marahil siguro sa dinanas natin noon, pitong taon na ang nakakalipas simula ng umalis tayong dalawa para mamuhay kasama ang ating anak, pero kahit na ganoon ay nanatili pa rin ang mga ala-ala ng nakaraan..." Malungkot na pagkakasabi niya.

"Kaya ba tumigil sa paglilingkod sa Simbahan?" Tumango siya at pinalandas ang kamay sa aking pisngi. "Natatakot ako na baka maulit ang nakaraan, natatakot ako na dumanas na naman tayo ng matinding paghihirap."

Nagulat ako nang pumatak ang luha sa kanyang mga mata at niyakap ako ng mahigpit. "Mahal, lumayo ka kay Father...ayokong maulit ulit sa iyo ang mga bagay na iyon, may trabaho ako at palaging wala sa iyong tabi..." Kahit ako ay na iyak nang maalala ang sinapit namin sa lumang Simbahan na kinabibilangan noon.

"Natatakot ako, mahal sa totoo lang..." Iyak na bulong niya sa akin.

Nakatulog ako sa bisig ng aking asawa at nagising na lamang na mag-isa. Nakita ko ang isang note sa lamesa kaya naman kinuha ko ito saka binasa.

'Mahal tumungo lang ako sa palengke para mamili, sinama ko na si Hreontes, hindi na kita ginising dahil mahimbing tulog mo. Ako na magluluto mamaya, Ily.'

Napangiti ako nang mabasa ang sulat ng aking asawa. Tumayo naman ako at umunat, Alas-Cinco na ng hapon, tumungo ako sa kusina at nakita ang kalahating ulam.

Napa buntong hininga ako at nilagay ang ulam at kanin na natira sa isang Tupperware, kailangan din ni Mother Fei na kumain, wala naman siyang ibang pamilya na magda-dala sa kanya.

Kabado pa ako habang papunta sa pulisya. "Magandang umaga po," Bati ko sa isang Pulis. "Oh, ikaw pala Wynne, bibisitahin mo ba si Fei?" Tumango ako.

Inassist ako ng pulis patungo sa selda kung nasaan ang dating madre. "Pasensya ka na ha, wala kasi si hepe. Ako ang naka toka para mag bantay ngayon," Paumanhin ng batang pulis.

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now