chapter eight: Crispino

121 18 12
                                    

Pinuntahan namin ni Father Thanatos ang bahay ng bata. Hindi na pinasama ni Father ang iba, hindi ko nga alam kung bakit, ang bahay ng bata ay may kalakihan naman. Nang kumatok kami ay walang sumagot. 

"May tao ba?" Tanong ko. "Wala, multo lang," Sinamaan ko naman nang tingin si Fathet sa pamimilosopo sa akin at agad niya akong tinawanan.

Muli kaming kumatok. May narinig kaming ingay na nanggagaling sa loob, nang bumukas ang pinto ay bumungad sa amin ang batang si Crispino na sumilip. Nang makita niya ang Pari ay kita ko ang takot sa mata nito.

"Crispino, maari bang pumasok at maka usap ka?"  Mukhang nagdadalawang isip pa siya pero dahan-dahan ding binuksan ang pinto. Maayos ang bahay at maganda, nang maka pasok kami ay lumuhod si Father para maging pantay ang kanilang taas.

"Crispino...may itatanong ako sa iyo at gusto kong mag sabi ka ng totoo, hindi kita papagalitan, walang magagalit ha..." Napangiti ako. Ang rahan ni Father sa bata.

Nagulat kami ng biglang umiyak ang batang si Crispino. "Ayoko po...u-umalis na lang ho kayo!" Hindi ko inaasahan ang kanyang pag-taas ng boses, akmang lalapitan ko si Crispino upang patahanin dahil sobra ang panginginig nito pero pinigilan ako ni Father.

Hinila niya ako palabas kaya mas lalo akong nagtaka. "T-teka lang, Father. Yung bata," Pero hindi niya ako binitawan.

Siya mismo ang nag sara ng pinto, hindi pa siya tumigil hanggang sa hindi nakakalayo sa bahay. "A-ano na?" Nag-aalala kong tanong. Naaawa ako para kay Crispin, "Siya ba talaga ang kumuha?" Tumango si Father, hindi ko tuloy mapigilang manlumo.

Mukhang mabait na bata si Crispino..."kailangan natin mag-antay." Napa kunot ang aking noo, "Ho? Bakit mag-aantay pa?" Ngumiti siya na para bang sinasabing mag tiwala ako.

Kinagabihan ay hindi ko na alam kung anong binabalak ni Father Thanatos at nandito si Hepe sa bahay namin, lumapit ang Hepe sa aking anak na si Hreontes na nanahimik na naka upo sa sala.

"Bata, gusto mo bang maglaro ng spy?" Nanlaki mata ko na napatingin kay Father. Tumango naman siya sa akin, "Bakit ang anak ko?!"

"Maliit ang postura ng bata, madaling maitago, matalinong bata si Hreontes, alam kong kakayanin niya ang gagawin." Napatingin ako sa aking anak na naka kunot ang noo. "Why would I be a Spy?"

Huminga ako ng malalim, "K-kasi anak may mga bad guys...need nila ng help mo kasi hindi nila kaya." Ngumisi si Hreontes at napatingin sa dalawang naglalakihang lalaki. "Weak."

"S-sigurado ba kayo na kakayanin ni Hreontes ito?" Sabay na tumango ang dalawa habang naka tingin sa Monitor. May nilagay silang camera sa damit ni Hreontes upang makita ang mga mangyayari, ibig sabihin kung anong nakikita ngayon ni Hreontes at nakikita rin namin.

"Parang wala ka namang tiwala sa anak mo, Wynne." Natatawang tugon ni Hepe.

"Kapag may masama talagang nangyari kay Hreontes kakalbuhin ko kayo..." Sabay pa silang napahawak sa sariling ulo.

Natigilan kami ng makita namin sa monitor si Crispino na lumabas ng bahay, nagtatago ang aking anak sa isang halaman. Kita namin ang paglinga ng bata sa paligid bago umalis.

Mabilis naman siyang sinundan no Hreontes, ramdam ko ang kaba sa aking dib-dib. Patuloy lamang sa pagsunod ang aking anak kay Crispino hanggang sa lumiko ang lalaki sa isang eskinita.

Sumilip naman agad si Hreontes, nakita namn ang bata na may kausap na tatlong kalalakihan na may katangkaran sa kanya at dun namin nakita na may inabot itong pera. Kahit madilim at malayo ay alam namin na pera iyon ng simbahan.

Hindi namin maaninagan ang mga mukha ng mga ito dahil sa madilim.

Akmang tatayo na ang Hepe upang pumunta sa lugar, pero natigilan kaming tatlo ng bigla na lamang nag dilim ang monitor at may mga natinig gaming sigawan at alingangaw ng kung ano.

Kahit kami ni Father Thanatos ay napa tayo, para akong maiiyak habang tumatakbo patungo sa lugar kung nasaan si Hreontes, halos ako ang nanguna sa dalawang lalaki, nakita ko si Hreontes na naka tayo lamang habang nakatingin sa eskinita.

"Anak!" Nag-aalala kong sigaw at niyakap ang maliit kong paslit. Napatingin siya sa akin, halos manlumo ako, hindi pa rin mawala ang kaba ko sa dib-dib. "Patawarin mo si mommy ha...hindi na mauulit, patawad..." Naiiyak kong tugon at hinalik-halikan ang mukha niya.

"Naka takas." Mura ng Hepe.

Seryosong nakatitig si Father Thanatos sa aking anak at agad siyang nagsalita, "Anong nangyari?" Tumingin ang anak ko sa akin bago sa Padre. "Kuya Crispino is just a Victim here, I saw those people punched him."

Biglang lumala ang kaba ko at niyakap si Hreontes, jusko..."mommy, I'm fine. They didn't saw me." Pagpapakalma niya sa akin.


Kinabukasan ay hindi pumunta si Crispino sa Simbahan, sinubukan naming katukin ngunit napag-alaman naming hindi umuwi ang bata sa kanila. Dun na kami nag-alala, sinubukan naming hanapin ang batang Sakristan ngunit wala.

Isang araw pa ang nakakalipas ay nag simula na akong mag-alala. "Father, dalawang araw na lang, kailangan pa natin mag handa!" Sigaw ng Madre.

Narito kami sa opisina ni Father Thanatos, lahay ay namromroblema na, ang magulang ni Crispino ay halos hindi na natutulog sa paghahanap sa kanilang anak.

Halos mapa sigaw ako nang hampasin ni Father ang lamesa, "Pera pa rin ang iyong iniisip?!" Galit na sigaw nito dahilan para magulat ang Madre, "Kailangan natin ang pera, ano na lamang sasabihin ng mga tao?! Na kurap ang simbahan na ito?! Paumanhin Padre Thanatos pero nang ika'y dumating sa Simbahan ay grabe na ang mga problemang nagdaan!"

Mabilis kong pinigilan si Thanatos nang siya'y tumayo. "Edi sabihin mo sa mga taong iyon na kinuha ko ang pera! Dahil ayan ang nasa isip mo, may batang nawawala na kasapi sa Simbahan! isa kang Madre, tayo at ikaw din ang mananagot kapag may nangyaring masama sa batang Crispino!"

Tama naman si Father. Kahit siya ay kulang na rin ang tulog sa paghahanap sa bata...hindi naka imik ang Madre at bigla na lang pumasok si Mother Angel.

"Father! Father! Nahanap na ang bata!"

Halos sabay-sabay kaming nag puntahan sa Hospital, sobrang lakas ng kabog ng aking dib-dib sa kaba, nakita namin ang magulang ng bata sa labas at umiiyak, "Sinong gumawa nun sa anak ko?! MGA H*Y*P KAYOOO!!" Sigaw ng ama ng bata.

Halos manlumo ang aking katawan, kung hindi ako nasalo ni Father ay dare-daretsyo akong babagsak sa sahig. Kitang-kita ng aking dalawang mata ang bata, hindi na ito mamukhaan.

Buhay pa at tumitibok ang puso...

Nasa coma ang batang si Crispino, ang sabi sa amin ng Doktor ay nabingi ang bata at hindi na makapag salita dahil sa wala na itong dila, at malakas na tunog ang naging dahilan kung bakit nawalan ito ng pandinig.

Ang sabi pa ng Doktor ay dahil sa pagtama ng ulo sa matigas na bagay ay kinasanhi para ma-coma ang kaawa-awang bata.

Halos mapa iyak ako sa nalaman, na kahit ang Pari sa aking tabi ay hindi na napigilang mapa luhod at mapa hagulgol, ang buong kwarto ay nakulong sa nakakabinging iyakan at mga salita na galing sa magulang ng bata.

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now