chapter one: Bagong Pari

525 33 29
                                    

"Narinig mo na ba ang balita?" Napatingin ako kay Manang Deselin na isa sa chismosa dito sa Baryo. Halos lahat yata ng chismis ay alam nito, jusko.

"Ah, hindi po, ano po 'yon?" Kamot-ulo kong tugon. Hindi ko naman talaga alam, hindi kasi talaga ako masyadong palabas-labas at laging kumakausap ng mga kapit-bahay.

"May bago raw na pari diyan sa Simbahan natin, rinig ko ay bata-bata pa, ka-gwapo!" kinikilig na sagot ni Manang dahilan para mahina akong matawa. Mabuti naman at may bago ng pumalit sa dating Pari, bigla na lang kasi itong nawala at hindi na nagpakita pa.

May sabi-sabi na baka raw umalis na sa pagiging Pari dahil nag-asawa pero napaka imposible naman dahil matanda na ito, hindi rin kamusmos-musmos na mag-asawa ang isang Pari sapagkat labag ito sa ka-utusan ng Panginoon.

Ngunit mabuti na rin at may pumalit na, maaari na akong mangumpisal, andami ko na ring kasalanang nagawa at para naman mabawasan. "Sige po Manang, aalis na ho ako, inaantay pa ako ng aking anak." Ngiti kong paalam.

Hindi rin ako masyadong pala-imik sa mga tao rito, kaya kahit ako ay napag-uusapan. May mga chismis na tumatakbo, kesyo may kinikita raw akong ibang lalaki at may anak ako sa labas. Buti nga at hindi naman ganun ka-timang ang aking asawa para paniwalaan.

"Anak, nakauwi na si mama," Tawag ko sa aking anak na lalaki na pitong taong gulang pa lamang. Lumapit sa akin ang batang may asul na mata, ang mukha ay kuhang-kuha sa kanyang tatay, may kaputian at ubod ng ka-gwapuhan.

Maraming nagsasabi na kapag lumaki ang anak kong si Hreontes ay lapitin ito ng mga kababaihan. Ang weird nga ng name, ewan ko ba sa asawa ko at ayun ang pinangalan sa kanya.

"Mommy, tingnan mo. I made a cool Invention," Hinatak ako ni Hreontes sa likod ng bahay. Pinakita niya sa akin ang kanyang bike na binili ng kanyang ama nung nagbirthday siya nitong taon.

Pansin ko rin ang maliit na makina na nakakabit sa down tube, wala ring kadenang makikita kaya nagtataka ako sa nais ipakita sa akin ni Hreontes. "This is my Invention, Mommy."

"Bisikleta?" Gusto kong sanang sabihin sa kanya na matagal ng naging imbensyon 'yan. Umiling si Hreontes at tinuro ang maliit na makina, "That's my Invention, this bike is like a car, Mom. The pedal is the turn switch of the Engine and the pedal Crank arm is attached inside, I used the Chain of the bicycle and put it in the interior but made it smaller to fit, I used different parts from an old car engine and made the interior by myself. Whether the pedals are working, the inside of the engine is rubbing making heat which triggers the device I put that was made with old parts of various parts of different electronics, these devices will be the reason for the wheels at the back to move forward, I even changed the break with the help of the tube pole."

"Pero, nak hindi ba parang E-bike lang ang ginawa mo?" Tanong kong muli at umiling si Hreontes.

"E-Bike uses Electricity, and mine doesn't. Electricity uses organic soil because it can be used to generate power as a Microbial Fuel Cell and is needed to dig down to convert power, the benefit of an E-bike, it doesn't produce air pollution unlike fuel cars, and E-bike could be used as a normal bike but the Engine itself is heavy, plus the body weight of the user." Pagpapaliwanag nito.

"But mine is made of smaller parts and super light, only the weight of the user and the bike itself will be the problem, plus you don't need to pedal thrice, only two pedals could transport you for 20 feet away, it doesn't use electricity and fuel, and has more advantages than a regular bike." Kamot ulo akong napa ngiwi sa kanyang pinagsasabi. Minsan hindi ko alam kung anak ko ba talaga ito.

"The disadvantage of this is when you pedal so fast ay masusunog ang makina, that's why I'm still working on it, Mommy." Ngiti niyang tugon.

"Gusto mo bang maging imbentor, nak?" Tanong ko. "Hindi po, I wanna be a teacher." Napangiti ako room at ginulo ang kanyang buhok.

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now