Chapter 34

5.6K 270 92
                                    

Chapter 34
"Family"


"Where are we going?" bulong ko sa kanya nang lumiko kami. Nasa hallway na kami and I am trying not to make any noise. Akala ko ihahatid niya na ako sa kuwarto ko.

"My room," aniya. Hilahila niya ako. Kumunot ang noo niya nang sulyapan ako. "Why are you whispering?"

"Baka kasi may makarinig."

"What?"

"Baka mahuli tayo."

He shook his head. Nagpatuloy kami hanggang sa malapit na nga kami sa pinto ng kuwarto niya.

"Dito ako matutulog?"

"Do you want to?"

"Huh?" Naguluhan ako saglit. "H-Hindi. Ano ba kasing gagawin natin?"

Binuksan niya na ang pinto. He lightly pulled me. Pagkapasok ko, he closed the door. Binitawan niya ang palapulsuhan ko.

Sinundan ko siya nang pumasok siya sa walk in closet niya. It really looks like a store of a high end brand. Mula sa cove ligthing pagkaka-arrange at ang kabuoan, elegant and sleek. Gumala pa ang mga mata ko. Konti talaga ang mga gamit niya. Wala ring maraming dekorasyon. Well, it reflects his personality.

I gasped when I saw him carry a huge white box filled with red roses. Namangha ako at hindi na naitago ang tuwa.

"Para sa'kin?" My eyes must have twinkled.

Binigay niya sa'kin. Sa laki at bigat no'n hirap pa akong hawakan. Sinipat ko ng tingin. Pulang pula ang mga rosas. It looks so fresh.

"Thank you. Ang ganda ng ganito." I can't take my eyes from the flower. My lips curved upward. Mainit ang puso ko, parang may kamay na marahang humahaplos.

I looked up at him with my eyes wet from unshed tears.

"This is really for me?"

He nodded.

"Wala akong surpresa sa'yo," malungkot kong sabi. "Dapat hahanap ako kanina pero..." Bumuntonghininga ako nang matantong ang bigat nang nangyari kanina.

"It's fine," he said gently.

"Uh, binigyan pala ako ng bulaklak kanina ni Aris. Tinanggap ko na dahil mukhang kawawa naman siya, hindi yata tinanggap ng pagbibigyan niya sana... Pero naiwan ko sa booth namin."

"That rascal."

"Are you mad?" tanong ko habang pinagmamasdan ang pag-igting ng panga niya.

He rolled his eyes.

"Ham, h'wag mo kong irapan," I whined.

"Don't accept anything from him again."

"Sige... But 'wag mo siyang aawayin. He is your friend and he's nice... He's even a lot nicer than you."

He squinted his eyes.

Naghanap naman ako ng mauupuan. Umupo ako at inilapag sa kandungan ko ang kahon ng rosas. Namamahang ko ulit na pinagmasdan. Dinama ng mga daliri ko ang petals. I sighed dreamily. Ganito pala kasaya ang makatanggap ng bulaklak galing kay Ham.

"Pero pa'no ko 'to itatago?" I lift my head. Nasa tapat ko na si Ham, he is towering over me.

"What?"

"Hindi ba sila magtataka na may ganito ako? Siyempre, tatanungin nila kanino galing."

"Then say my name." Kunot noo niyang sagot.

I take a deep breath to calm my excited heart. I stared at him, trying to think.

"Sasabihin mo na ba kina Tita at Engineer na magpapakasal tayo?"

As Cold as the Night (Book 1)Where stories live. Discover now