𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑 𝐅𝐎𝐔𝐑 💋

2K 35 0
                                    

Trisha 𝐏𝐎𝐕

Dalwang linggo makalipas ang birthday party ni Janeza ay bumalik ako sa dating takbo ng buhay ko, sinubukan kong kalimutan ang mga nangyare dahil kahit magmumok ako ay hindi ko naman maibabalik ang oras.

"Trisha, paghain mo nga ako ng makakain!" utos ni Tita na kinakunot ng noo ko, ilang beses na siyang ganito kung makautos.

"Tita Im not your maid, you can do it with your own hands.." sabi ko at agad nitong hinawakan ang braso ko ng napakahigpit.

"Huwag mo akong sinasagot-sagot, baka pagsisihan mo." sabi nito na kinakunot ng noo ko lalo.

"Ate Cris please stop it, ako na lamang ang maghahain ng pagkain." sabi ni Nanay na kinapikit ko ng mariin at sinabi kay Mama na ako na lamang.

"Belinda nabalitaan mo ba yung nangyare dun sa inaanak ni Aling Persing." biglang sabi ni Titaa cris na kinalingon namin sankaniya at prente siyang nakaupo lamang habang umiinom ng kape.

"Bakit ano bang nangyare?" tanong naman ni Mama saka ayos ng mga paninda nito.

"Wala naman, maaga lang nabuntis ng nobyo nito." sabi nito at nagulat ako ng bigla tong tumingin sakin, agad na napalunok ako.

"Really? Nako naman, napakabata pa nun ah." sabi ni Mama kaya huminga ako ng malalim.

"Ewan ko, maagang lumandi, maagang nangati." sabi nito at huminga ng malalim si Mama.

"Kaya kung ako sayo Belinda, maghahanda na ako, hindi mo alam baka isang araw, lola kana." saad nito sabay hagalpak ng tawa at napaiwas naman ako ng tingin.

"Alam mo namang malabo yun, hindi ganong klase ang aking mga anak, mabait tong si  Trisha at kahit na din si Patrick alam kong hindi sila gagawa ng mga bagay na ikapapahamak nila." sabi ni Mama at natawa naman si Tita kaya napaiwas ako ng tingin.

"Narinig mo yun Trisha? Nagtitiwala sayo ang iyong ina, sana hindi siya mabigo." sabi nito at natatawa-tawang umiling pa.

"Sige na kumain na tayo." sabi ni Mama sabay hawak sa kamay ko.

Pagtapos ng hapunan namin ay agad kong nilapitan si Tita at kinompronta.

"What's your problem with me?." saad ko at napatigil naman siya sa pagsindi ng hawak na sigarilyo at tumingin sakin.

"May gusto  ba kayong sabihin?" tanong ko at natawa naman siya at sinindihan na nga ang sigarilyo at agad hinithit yun at binuga kaya napatakip ako sa ilong ko.

"E ikaw babae, may gusto ka bang sabihin?" tanong nito at nagiwas ako ng tingin.

Tumawa ito. "Nakilala mo na ba ang lalaking nakasiping mo." saad nito sabay hithit uli ng sigarilyo nito kaya tiningnan ko siya at kita ko ang pagtawa nito.

"Mukhang hindi pa---"

"How did you know about that??" tanong ko na kinakabahan.

"Wag mo nga akong Ini ingles ingles jan, Isang kahig isang tuka na lang kayo ngayon kaya wag kang Mag sosyal sosyalan jan, ewan ko ba naman kasi  Kay Cristian kung bakit dito pa kayo iniwan sa akin e, kung tutuusin nga dapat diko na kayo pinatira pa dito sa pamamahay ko, wala nakong lilibuhing mahihingi sa inyo ngayong wala na kayong mga ariarian." sabi nito.

Huminga ako ng malalim.. "So what, nakikinabang parin naman kayo sa amin ngayon diba? and Sasabihin niyo ho ba kay Mama?" tanong ko at tumingin siya sakin ng matagal.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now