CHAPTER TWELVE 💋

1.9K 42 0
                                    

Pagkatapos naming maghapunan ay sinabihan ako ni Mama na ihatid palabas si Sir Jace dahil nagpaalam na itong uuwi.

"Thank you sa dinner." sabi nito sakin ng nasa labas na kami kaya ngumiti ako sakaniya ng tipid.

"Wala po 'yun, hinatid niyo naman ako sa paguwi." sabi ko dito at tumango ito.

"And I'm trying to accept the reality na may iba kang mahal.." saad nito at natigilan naman ako at sandaling nag-process sa utak ko ang sinabi nito na muntik kong ikatawa pero agad ko ding pinigilan yon at baka malintikan pa ako, tumikhim ako.

"Hindi ko siya boyfriend." seryoso kong sabi na kinakunot ng noo nito.

"Hindi mo siya boyfriend? Eh ano yung---"

"He is my younger brother, he's Patrick." seryoso ko pa ding sabi na kinatigil nito at napa-pumewang sa narinig sakin at sandaling natahimik saka humarap sakin.

"So, sinasabi mo sakin na wala kayong relasyon?" tanong nito.

"Meron, He's my younger brother nga e." sabi ko at napapikit siya.

"Okay." sabi nito at huminga ito ng malalim, ako naman ang kumunot ang noo pero nagulat ako ng bigla ako nitong yakapin.

Hindi naman agad ako nakahuma sa ginawa nito, nakataas na lamang ang dalwa kong kamay dahil sa gulat.

"Hindi mo ba alam kung ano-ano na ang naiisip ko kanina." sabi nito.

"H-Hindi?" sabi ko at agad ako nitong pinakawalan.

"Pero masaya ako na hindi mo siya boyfriend.." sabi nito.

"Ano naman po sa'yo kung boyfriend ko siya o hindi.." sabi ko sabay yuko. Hinawakan nito ang kamay ko at inangat nito ang mukha ko kaya magkatingin na kami. Napalunok ako.

"It's a big deal..because i like you." seryoso niyang sabi pero hindi ako nagsalita.

"The first time I saw you in Jeneza's party, alam ko sa sarili ko na iba na, nadagdagan pa nung may nangyari sa'tin. I know it's sound crazy but...totoo..totoong nahulog na ako sa'yo." sabi nito at agad kong hinila ang kamay ko.

"Kaibigan ko si Jeneza...at madaming nakakapagsabi sakin na...may gusto siya sa'yo." sabi ko.

"I dont care, i treat her as my Little sister." sabi nito.

"Hinalikan ka niya ng magkita kayo, bilang babae at kaibigan niya alam ko na gusto ka talaga niya..ayokong masira kami kahit na hindi naman kami ganon kaclose." sabi ko at nakita ko ang pagpikit nito ng mariin.

"So, how about .. Tayo?" sabi nito.

"Walang tayo Sir, hindi kita gusto.." sabi ko ng seryoso saka iwas ng tingin.

"I'm sorry .." sabi ko at tinalikuran na siya at pumasok na sa loob pero nagulat ako at nakikinig pala sina Tita cris at Patrick.

Hindi ko na lamang sila pinansin at pumasok sa kwarto namin saka nahiga at inisip lahat ng sinabi nito kanina, napakasarap sa pandinig lahat ng isinambit niya pero nakakatakot..

Nakakatakot na baka kapag pumayag ako sa gusto nito ay may magalit naman sakin. Nakakatakot na baka masaktan lang ako, nakakatakot na baka kapag kami na iwan lang niya ako bandang huli, natatakot ako, oo duwag ako, pero hindi ko na kaya magmahal muli ng sobra.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now