C H A P T E R S I X💋

2.3K 39 0
                                    

Nakatayo lamang ako sa harap ng pinto namin at hindi magawang ihakbang ang aking mga paa.

Hindi ko na alam kung ano-anong mga emosyon ang nararamdaman ko ngayon ngunit takot ang nangunguna sakin ngayon.

Takot na baka narinig nga nito, takot na magalit ito sakin, takot na madisappoint siya sa nagawa ko.

Halo-halong takot na ang nararamdaman ko ngayon at balak ko na ngang magpalipas na lamang ng gabi sa condo ni Michelle para sana ay maibsan ang galit nito at makapagpaliwanag ako kay Nanay ng maayos.

"Anong ginagawa mo diyan sa labas ha, hindi magbubukas ng kusa yan." sabi ni Tita cris na kinagulat ko pero agad akong yumuko para itago ang pagluha ko.

"umiiyak ka ba? Anong nangyare?" tanong nito pero hindi ko nagawang sumagot dahil bumukas ang pinto at niluwa don si Mama mukhang galit.

"Hoy Belinda, umiiyak tong an----"

hindi na natapos ni Tita ang sasabihin ng mapasigaw ito sa gulat ng sampalin ako ni Mama na agad na kinasinghap ko, sigurado nako, alam na nga ni mama. agad namang humarang si tita ng muling sasampalin niya ako.

"Ano ba Belinda, ano bang nangyayare ha?" sigaw ni Tita na kinaiyak ko nalang lalo.

"Huwag kang mangialam dito Ate Cris!" galit na sabi ni mama kaya naman agad akong lumuhod sa tapat nito at agad pinagdikit ang aking mga palad .

"Im really sorry Mom, hindi ko ho sinasadya.." umiiyak kong sabi habang nakayuko ang aking ulo.

"Hindi mo sinasadiya? Hindi ka ba nagiisip Trisha?! Alam mo namang ikaw nalang ang inaasahan ko ngayon. Bakit ka nakipagtalik sa..at tama ba ang narinig ko, sa isang lalaking ni hindi mo matandaan ang mukha!" galit na galit na sabi nito kaya naman nagsilabasan na ang aming mga kapit-bahay.

"H-Hindi ko po talaga sinasadiya Mom...h-hindi ko po alam ang ginagawa ko nun..lasing po ako, w- were drunked..."

"Pero bakit sumama ka sakaniya, hindi mo siya kilala Trisha, naiintindihan mo ba yun?!" sigaw nito.

"ANONG TINITINGIN-TINGIN NIYO JAN HA! MGA TSISMOSA KAYO! MAGSI-UWI NGA KAYO SA LUNGGA NIYO!!" sigaw ni Tita sa mga kapitbahay na nakikinig saamin.

"AT KAYO NAMANG MAG INA, LALO KANA BELINDA, ILUGAR MO NAMAN ANG PANENERMON MO SA DALAGA MO! NAKAKAHIYA! GUSTO MO BANG MALAMAN NILA YAN AT PAGCHISMISAN ITONG ANAK MO, HA? YUN BA ANG GUSTO MO HA? SIGE, AKONG BAHALA. BUKAS NA BUKAS DIN AY IPAGSISIGAWAN KO SA LAHAT ANG GINAWA NI TRISHA." mahina ngunit mariin nitong sabi na kinapikit ni Mama at pumasok sa loob.

"TRISHA! PUMASOK KA DITO, HINDI PA TAYO TAPOS MAGUSAP!" sabi ni mama na kinatakbo ko papasok.

At naabutan ko nga siya sa may sala na nakatulala.

"M-mom.." tawag ko dito sabay hawak ko sa braso niya ngunit agad din nitong tinabig yon.

"Ang sabi mo kanina, lasing ka nung may nangyare sainyo? Ang ibig sabihin lang non ginah4s4 ka ng wal4nghiy4ng lalaking yon!" sabi nito habang napapatango kaya naman agad akong umiling, tumingin to sakin.

"Y-yes im drunked  mom,w-wala po akong pagtutol nung ibinigay ko sakaniya ang sarili ko...patawarin niyo po ako mom..." sabi ko at tila isang lantang gulay itong napaupo.

Umiling to.. "Pinalaki kita ng maayos Trisha?  alam kong nada tamang edad kana but look what you've done. Ano ito? Ang sabi ko iba kasa mga kabataan diyang napapariwara ang sarili dahil inuuna ang init ng katawan...bakit? Bakit ganito anak? Bakit?!!" sigaw na impit nito na kinayuko ko lang, agad naman siyang lumapit sakin at hinawakan ang magkabila kong braso.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now