CHAPTER 18 💋

1.6K 34 0
                                    

Trisha Solene ⚡

Ilang araw na ang nakalipas simula ang mga kaganapan saamin nina Jeneza at hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakakausap.

"Sino kayo?" rinig kong sabi ni patrick, mukhang may kinakausap ito sa may gate, hindi ko makita dahil nagsasampay ako ng mga nilabhan kong damit namin.

"Ano hong kailangan ninyo sa Nanay ko?" rinig kong tanong ulit ni Patricko
kaya napakunot ang noo ko, sino naman kaya ang bisita ni Mama, hindi ko marinig ang nagsasalita sa labas kaya pagkatapos ko agad na magsampay ay pinuntahan ko agad si Patrick.

"Sino yan?" tanong ko kaagad at napalingon naman si Patrick sakin saka kumibit balikat kaya nilakihan nito ang pagkakabukas ng gate at iniluwa don si Sir Argus, bakas sa mukha nito ang gulat ng makita ako.

"Ano hong ginagawa niyo dito Sir Argus?" takang tanong ko at tila gulat pa din siya kaya hindi ito makasagot kaya tinaasan ko siya ng kilay ko.

"Kilala mo siya?" tanong naman ni Patrick kaya tumango ako.

"Kaibigan siya ng boss ko---'

"Ah! Si bayaw!" sigaw kaagad nito kaya agad ko siyang siniko, nakakahiya talaga tong bwisit na to.

"Eh kilala mo naman pala eh, papasukin mo na, sige pasok ka boss." sabi naman ni patrick kaya napakamot ako sa ulo ko at hindi pa din umiimik si Sir Argus.

"Pasensya kana sa bahay namin...medyo magulo lang." sabi ko habang napapakamot sa leeg ko.

"No problem, hindi naman ako masiyado magtatagal..." sabi nito at tila hindi pa din nito inaasahan ang makita ako.

"Ano palang ginagawa mo dito? What do you need to my.mom?, kilala mo pala siya?" ako naman ngayon ang nagtataka, pano nito nakilala si Mama.

"Wala...nagtanong lang ako kung saan ang bahay ninyo sa labas at...nasabi nila ang pangalan ng Mommy mo sakin." sabi nito at napakunot ang noo ko, dami talagang Marites.

"Ahh okay...pero bakit ka nga andito, may kailangan ka ba?" tanong ko.

"Ano kasi..."

"Kasi?" tanong ko.

"Ah! Tungkol kay Jeneza!" bigla nitong sabi kaya natigilan ako.

"Ayos na ba kayo?" tanong nito at tila iniiba nito ang usapan.

"Hindi pa kami nakakapagusap at hinahayaan ko muna siya teka nga lang--hindi ka naman siguro pumunta dito para itanong lang yan di ba?" tanong ko at siya naman ngayon ang napakamot sa leeg niya kaya agad ko siyang pinanliitan ng mata ko.

"Ano nga kasi? May problema ba? Tell me." sunod-sunod kong sabi at napabuntong hininga ako.

"Okay fine, I will tell you why I'm really here." sabi nito at tila humuhugot pa ito ng lakas ng loob na sabihin kung ano yon.

"May pinapahanap sakin si Clinton na babae." sabi nito at napaiwas ako ng tingin...

"Hey, it's not what you think. he's loyal to you,  don't worry." sabi nito kaya napa-nod ako.

"That girl is very special to his cousin..." sabi nito kaya napatango muli ako...

"So nagbackground check ako kung sino yung babaing yon dahil hindi pa naman nito iyon nakikilala ever...and nagpunta ako sa dati nilang tinitirhan..." sabi nito sabay putol ng sasabihin saka huminga ng malalim pero ako nakikinig lang.

One Night stand with Mr. CEOWhere stories live. Discover now