Bahala na nga!

Eto na naman.

Waaaaah! Thursday na naman!

At isa lang ang ibig sabihin nun.

MAY CALCULUS NA NAMAN! At pag may Calculus, automatic na na may kwago.

Hala! Paano ko ito ibabalik? Nakakatakot na naman kasi ang lalaking ito eh. Sa totoo lang nanliit ako dahil sa kanya. Tss. Kawawa naman ako. How sad. Huling subject ko naman ang Calculus. Bahala na.

Hay. Andito ako ngayon sa classroom ko. First subject ko: Communication. Hinihintay yung prof ko.

Tik tak

Tik tak

Tik tak

WAAAAAH! Ang tagal naman!

"Oy classmates! Wala daw si Miss!"

 

"AYOS!"

At ayun nga dahil nga sabik ang mga kaklase ko sa vacant, nagsialisan na. Nagpasya ang barkada namin na pumunta sa cafeteria ng school.

Ako, si Jhasmeene, Marriel, Ezelle, Lhen, Denise, Kristel, Hannah, at si Telli. Wala si Shi eh, hindi kasi naming siya kaklase ngayon eh.

Nagchichikahan kami ng biglang tumunog ang cellphone ko.

One, 21 guns

SI SHILOH! Aba ang bruha, bakit kaya natawag?

 

"Excuse me. May natawag lang."

Lay down your arms

Give up the fight

"Sino ba yan? Dito mo na sagutin." Si Jhas.

One, 21 guns

Throw up your arms into the sky

"Si Shiloh."

You and I

 

"Yiiieee!"

 

"Hello?"

 

"Sha, asan ka?"

 

"Nasa Cafeteria. Bakit ba?"

 

"Punta ka naman ng library. Kailangan ko kasi ng libro, color blue 'yun. Marketing concepts. May nakadrawing na globe dun. Basta! Makikita mo naman agad 'yun."

 

"Bakit hindi na lang ikaw?"

 

"Duh! Takas lang kaya itong pagtawag ko sa'yo. Asa CR ako. Dali na! Libre na lang kita."

 

"Hmph! Pasalamat ka, love kita."

 

"Oo na! Alam ko naman 'yun. Thanks Sha. Hintayin nalang kita. Love you too!"

 

"Kadiri ka. Feel na feel mo naman yung pag-I-I love you."

 

"Hahaha. Geh sister. Baka dumating na yung halimaw naming prof sa marketing eh."

 

"Bye."

At saktong pagbaba ko ng phone, susmiyo!! Kung makatingin ang mga ito.

"Yiiieee! Nag-I-I love you-han na kayo!" Si Kristel.

"Ewan ko sa inyo. Geh. Punta lang ako ng library at may pinapakuha sa akin 'yun. Geh."

 

"Oo na. Bye!"

 

At pumunta na nga ako sa library. Hanap-hanap ng libro. Economics? Hindi. Accounting? Hindi na ba ako nagsawa? Ito, Marketing   ! Hmm, blue, marketing concept, 'yang may globe nga. Tama si bakla. Madali nga lang hanapin.

Okay, pasalamat siya at dala ko ang library card ko.

Tinitingnan ko yung libro. Aaanhin kaya ito ng bakla?

Tingin, tingin.

Biglang.

Pssshhhhkkk!

Natapilok ako!

'Yan na! Unti unti ng lumalapit ang paningin ko sa tiles. Waaaah!

Slow mo.

Pumikit ako. Oh no! Nakakahiya ito!

Parang nasa Bitoy's Funniest Video.

SUUUUUUUSSKKKKKKKKOOOOOOOOOOO!

Bago ko pa naramdaman ang sahig sa face ko..Pumikit na ako.

Biglang.

May humawak sa akin.

Pagmulat ko.

O_O

O_O

Sana hindi ko na binuksan ang mata ko.

BAKIT SIYA PA!

Imperfectly in Love (Complete)Where stories live. Discover now