Nadagdagan pa ang kapogian niya because his wearing eyeglasses na kailangan na din niya dahil mas matanda siya sa akin ng sampong taon. Anohin mo dahil basa lang siya ng basa ayan tuloy simula pagka bata pa lang daw niya may eyeglasses ng kaagapay ang kaniyang mata pero pogi siya. As in.

Hindi iyan lalabas sa kwarto ng hindi siya mabango kahit dito nga sa bahay lang may scent ka talagang maamoy sa kaniya kaya I decided na iisa na ang pabango namin dahil kung ano ang pabango niya pabango ko na din. Hindi naman maamoy ang pabango ko kung sakaling puputshugin lang naman dahil siya kasi branded. Kapag siya na ang katabi ko ay sampong ligo ang bango niya sa pabango ko kundi ang pabango niya na lang ang ipabango ko maka-less pa ako. Pumikit ako at napahawak ako sa puson ko dahil kumimirot na naman ito though madalas ko itong nararamdaman at alam ko naman na ganito talaga ang mga babae kapag malapit na ang monthly period pero itong sa akin always kasi pero hindi naman matagal pero alarming siya sa akin.

"Are you okey?" he worried asking me at dumako ang tingin sa puson ko dahil nakahawak ako dito. Hindi ko kasi pa sinasabi ito sa kaniya dahil nag-aalinlangan pa ako kasi baka sa cycle lang ng monthly period ko.

"Okey lang ako love baka malapit na ulit ang monthly period ko," sagot ko at tumango naman siya.

"So, shall we go?" tanong niya ulit.

"Kanina mo pa kasi ako tinitigan. Alam naman natin na ikaw ang naghahabol sa akin, " pilyong sabi niya sa akin at hinawakan ang kaliwang kamay ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko namalayan na nakatitig na naman ako sa kaniya.

"Ikaw kaya ang obsessed sa akin," sabi ko pero ngumiti lang siya sa akin kaya pinaikotan ko siya ng mata.

"Birthday kasi ang pupuntahan mo Levi hindi ka mag de-date doon," sabi ko pero hinalikan niya lang ang likod ng palad ko at nakita kong naka suot siya ng wedding ring. Napalunok ako ng laway dahil asan iyong wedding ring ko? Tanong ng isip ko. Bakit siya lang ang may wedding ring sa kamay? Huminga ako ng malalim at hinayaan na lang ang tanong sa isip ko dahil ayaw ko ng mag usisa.

Nagpaalam siya sa mga tao sa dito sa bahay bago kami umalis at tinungo namin ang mansion. Bumaba kami sa sasakyan at sinaalubong kami ng isang lalake. Kumurap ako at pagkatapos ay tinitigan ko siya. Kilala ko siya sa mukha pero hindi ko siya maalala yumuko siya sa akin at lumapit kay Levi tapos nakita kong inabot ni Levi ang susi ng sasakyan sa kaniya.

Alam ko ang isa sa business ni daddy. He's a Judge at may Empire's Agency siya na partnership ng government agency tapos kumabit ang Private Agency ng Bachelors na LAR agency na si Engr. Adam ang namamahala.

"Keyn?" tawag ko sa lalaki. Hindi ko alam kung pangalan niya iyon dahil kusa ko lang naalala at binigkas siya ng bibig ko. Hinintay ko siyang lumingon pero hindi siya lumingon at sumakay lang sa sasakyan ni Levi. Huminga ako ng malalim dahil baka mali lang ako at tumingin ako kay Levi pero ngumiti lang siya sa akin tapos inaya na niya ako sa loob ng bahay nila.

Huminga ako ng malalim dahil bumilis ang tibok ng puso ko habang naglalakad kami papasok sa loob ng bahay. Ngumiti ako dahil matagal na akong hindi nakapasok sa bahay nila at ang pinakagusto kong makita at ang palaging umaakit sa akin ay ang malaking picture ni Levi sa side at the other side ay kay Elisha.

Pumikit ako dahil pinaalala ng isip ko ang huling pasok ko dito sa bahay nila ito ay iyong time na nilabas ako ng daddy niya sa kulungan at kinausap ng masinsinan dito mismo sa bahay... pero hindi na pinaalala ng isip ko ang pinag-usapan namin ng daddy niya kaya bigla akong na lungkot dahil hindi ko pa rin malalaman ang mga sagot sa katanungan ko.

Dumako ang tingin ko sa taas ng daghan at sakto naman pababa ang daddy ni Levi. The birthday celebrate is happy to see us, sabi ng isip ko dahil mabilis siyang bumaba.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now