🍎 CHAPTER 72🍎

Magsimula sa umpisa
                                    

Wika ko sa Mahihinang hikbi, naramdaman Kong pinahid Niya Ang luha ko gamit Ang maliliit niyang kamay.

"Ma-ging mala-kas ka please? Wag mo silang iiwan, sobrang sakit mawalan Ng mahal sa buhay"

Nakita ko Ang paulit ulit niyang pag iling habang umiiyak.

"Mo-mmy, hin-di ko na Po kaya, Ang sa-kit po"

Sunod sunod na tumulo Ang luha ko Ng ituro Niya mismo Ang sariling dibdib kung nasan Ang puso niya.

"Ma-hina na po Siya, ayaw na Po Niya Mo-mmy"

Nanginginig na hinawakan ko Ang maliit niyang Mukha habang bumubuhos Ang matinding luha sa buong Mukha ko.

"H-Hey, Wh-What happened? Are you crying? Si-ssy? Are you o-kay? Why are you crying?"

Tumalikod Ako sa kanilang dalawa Bago sunod sunod na bumuhos Ang luha sa Mukha ko, hawak Ang dibdib na Paulit ulit ko iyong pinupokpok dahil sa sakit na nararamdaman.

She's running 6 years old tomorrow pero ito Siya she want to say goodbye.

"Da-ddy, iuwi niyo na Po a-ko, gusto ko pong maki-ta si Ma-ma at pa-pa"

"If that's what you want baby, let's go home, Dumb girl, let's go"

Sumunod Ako sa kanila habang pinupunasan Ang natitirang luha sa mata ko, Siya na Ang nag drive Ng makitang Wala Ako sa katinuan para magmaneho.

Nakarating kami sa Bahay at laking tuwa Ng Bata Ng makita Ang mga magulang na kaagad siyang niyakap Ng mahigpit.

Nakahanda narin Ang maliit nilang mesa sa mga handa nila, Nakita ko pa Ang kislap sa mga mata ni Sissy Ng makita Ang handa Niya at may kasama pa iyong cake at iba't ibang dessert na inorder ko at ipinahatid sa Bahay nila.

Ipinaimbita Rin nila ang mga kapitbahay na natuwa at nakipagsabayan sa kanila kaya pagsapit Ng alas nwebe Ng Gabi kaniya kaniya Ng kain Ang lahat habang kami naman ni Ate Merlin Ang Mama ni Sissy ay inaasikaso Ang mga bisita.

Buhat ni Xhyl Ang Bata habang sinusubuan Niya ito Ng pakunti kunti, hindi narin Kasi ito makakain Ng maayos lalo pa at Hindi na Siya masyadong ngumunguya at lumulunok, halata sa Mukha Niya Ang sakit tuwing nakikita ko siyang lumulunok.

"Iha, Kaano Ano mo si Aling Merlin? Ngayon lang kita Nakita rito, Ang alam ko Kasi Wala Ng kamag anak si Aling Merlin dahil lumayas sila sa naging Bahay nila dati dahil sinasaktan sila Ng may Ari nito"

"Kamag anak mo ba sila iha? Iyon ba ay iyong nobyo? Mukhang Hindi kayo tagarito halata sa hitsura niyo at sa inyo ba Ang mga sasakyang naroon sa labas? Aba'y sobrang yaman niyo siguro Ano?"

Hindi ko nalang pinansin yong dalawang ginang na biglang lumapit sakin para lang itanong iyon.

Lumapit Ako sa pwesto ni Xhyl at Sissy habang naglalaro Ng balloon na Kasama Ng cake Niya, tuwang tuwa Ang Bata habang pinapaputok Niya Isa Isa Ang mga balloon.

May mga Bata ring nakapalibot sa pwesto Niya at isinisigaw Ng paulit ulit Ang pangalan Niya.

"Mo-mmy, la-pit ka Po rito"

Napatingin yong mga Bata sakin at pinadaan nila Ako sa gitna para tuluyang makalapit sa pwesto nila ni Xhyl.

Tinuro Niya sakin kung paano magpaputok Ng balloon gamit Ang maliit na karayom na hawak Niya kaagad ko iyong kinuha sa kamay Niya at Sinamaan Ng tingin Ang taong nagbigay Ng karayom.

Apple's in Boys Section-Part ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon