"Nag gigirlfriend ka kasi. 'Yon 'yong nag aantay sayo madalas sa labas ng room?" aniya ni Kelvin habang pinapaandar ang sasakyan.


"Huh?" natigilan si Jonas nung marinig iyon. "Di ko pa 'yon girlfriend." sabay Isinandal niya ang siko sa may bintana ng kotse at tinakpan ang bibig ng kanyang mga daliri para itago ang ngiting di niya mapigilan.


Mga ilang minuto ang nakalipas ay agad din silang nakarating sa kanilang pupuntahan.


"Nag-aaral din siya sa school natin. Same course, kaso ibang block siya." Kelvin habang sila ay naglalakad. "Ito na 'yong shop."


Tinignan nang maigi ni Jonas ang harap ng shop. Agad na tumindig ang mga balahibo niya at agad na natahimik. Naalala niya bigla nung malingkis siya ng sawa noong bata pa siya sa kanilang probinsya habang namamasyal sa kagubatan.


'Takte, akala ko pa naman sa kakilala niya ko dadalhin hindi ko alam na dito mismo sa shop Nakakakilabot..' sa isip isip ni Jonas sabay tingin kay Kelvin. 'Takte mamaya mapagkamalan pa ko nitong bakla.' sabay ayos ng tayo at pinilit na maging normal. 'Tutal alam ko na 'yong shop alis na kaya kami. Tapos kay dude nalang ako magpapasama pumasok dito. Takte baka tumayo lahat ng pwedeng tumayo sakin.'


Humakbang na si Kelvin palapit sa shop at tila dumidilim naman ang paligid ni Jonas dahil sa kakaibang nararamdaman. Napalunok nalang siya at hindi na maibuka ang bibig.


"KELVIN!"


Natigilan silang pareho bago pa makapasok sa loob.


"She's here..." aniya ni Kelvin kay Jonas. Iniangat ni Kelvin ang kamay nung makita ang tinutukoy niya na naglalakad palapit sa kanila. "Chelsy."


Balisang nilingon ni Jonas ang babaeng tinutukoy ni Kelvin. Maamo ang mukha nito,petite, hindi katangkaran pero halatang maporma.


Agad na bumagal ang paglalakad ni Chelsy nung makita niyang nakatingin si Jonas sa kanya. Habang si Jonas ay parang di padin bumabalik sa sarili at nakatitig lang sa kanya.


Naisipan ni Jonas na kunin ang cellphone at magkunwaring may tumatawag sa kanya upang makaalis na sa lugar na 'yon. Mabilis niyang kinapa kapa ang cellphone sa pantalon.


"IKAW!" sigaw ni Chelsy at halata sa mukha niya ang inis at nanatili padin sa pwesto niya na ipinagtaka ni Kelvin.


Habang dinudukot ni Jonas ang cellphone ay nagulat nalang siya nung lumapat sa mukha niya na matigas na bagay. Sa sobrang lakas ay napatumba siya at napaupo sa lapag.


"TAKTENG..." inis niyang sambit at tila biglang nagising sa pagkabalisa.

Napakamot nalang ng di oras si Kelvin sa ulo.


Mabilis na lumakad palapit sa kanya si Chelsy at tumigil sa tapat niya. Kunot noong tiningala niya ito habang nanlilisik ang mga mata niya sa gulat at inis.


"Remember me?" Ngumisi si Chelsy at halata ang inis sa mukha nito habang siya ay walang ideya kung ano ang sinasabi nito sa kanya. "Coz I remember you..." sabay irap ng kilay nito sa kanya.

When Gangsters Meet the Sadist SEASON 2Where stories live. Discover now