chapter five: Krimen sa Rosas

Start from the beginning
                                    

Lahat ay nasa labas ng bahay ni Manong. Kahit kami, nakakakilabot, ang bahay ay maliit at may sira na, amoy na amoy ang masang-sang na amoy na kahit ang ibang pulis ay hindi masikmura.

Pinaiwan ko si Hreontes at kaming tatlo ang pumasok sa loob dahil hindi naman naka lock ang pinto.

Halos masuka-suka kami dahil mas mabaho ang amoy sa loob, kulang na lamang ay sumuka kami. Nakatakip ang aming mga ilong habang pumasok sa loob ng bahay.

"P*t*ng*n* ang baho!" Mahinang mura ng Hepe. Napatingin naman ito kay Father na nakatingin rin sa kanya, "Ay sorry ho, Father, heheh."

Nakarating kami sa Kusina. Halos maduwal kami ng makita ang mga nagkalat na lamang loob na naka balandra sa lamesa, at si Manong Berting na walang paki at patuloy sa pagkain sa mga ito.

Hindi ako makapaniwala sa aking nakikita, ang masayahin at mabuting matanda sa simbahan na halos pangalawa kong ama ay ngayon nasa harapan ko at gumagawa ng karumaldumal na gawain.

"Bertolomo! Sumuko ka na!" Sigaw ni Hepe at maduwal-duwal pa pero patuloy lamang sa ginagawa ang lalaki. "Bertolomo!" Pero wala pa rin.

"M-Manong Berting." Biglang tumigil ito sa pagkain at dahan-dahang lumingon sa akin. Kinilabutan ako sa nang bigla itong ngumiti na halos mamula na ang ngipin sa ka-pulahan habang patuloy sa pagdanak ng sariwang dugo.

Napasigaw ako nang bigla niya akong sunggaban pero napigilan din iyon ni Father Thanatos, malakas na suntok ang pinatama nito sa matanda at tinago ako sa kanyang likod, "Hepe!" Mabilis namang pinosasan ng Hepe si Manong at halos hindi na kayanin ng Hepe ang kanyang sikmura.

"P*t*ng*n* nakakadiri!" Tili nito at saktong magpasukan ang iba pang pulis. "Dalhin ninyo 'yan sa kulungan!"

Nanginginig ang mga kamay ko, nakangiti lang si Manong Berting at nakatingin sa akin hanggang sa dinala sa labas. "Ayos ka lang ba?" Tanong sa akin ni Father at takot akong tumango.

"Maraming salamat, Father." Hingal na pasasalamat ng Hepe. Sabay-sabay kaming lumabas, yumakap naman sa akin ang aking anak, "Are you okay, mommy?" Ngiti kong hinaplos ang buhok niya na patuloy sa panginginig.

"Wynne! Hreontes!" Sigaw ng kung sino. Biglang dumating ang magkapatid at ang aking asawa, nang makita nila ang aking anak ay halos manghina na si Mihacel kaya naman napatingin ako kay Hreontes at inosenteng ngumiti.

"Tumakas ka ba, Hreontes?" Kamot-ulo siyang tumango. "Wynne!" Nag-aalalang yumakap sa akin si Barbatos. Ramdam ko ang nginig ng kanyang katawan siguro'y nag-aalala. "Ayos ka lang ba, mahal?" May takot sa boses niya at tumango naman ako, marahan niyang hinaplos ang aking pisngi at hinalikan ang aking noo. "Jusko...pinag-alala mo ako."

"Ehem." Sabay kaming napalingon sa Pari, "Pwede bang mamaya na 'yan? May Krimen pa oh."



Pinauwi na namin ang aking anak kasama ang dalawa. Nahihiya tuloy ako kila Mihacel, ang kulit kasi ni Hreontes, pero kung hindi dahil sa anak ko ay baka kanina pa ako pinaglalamayan.

"Magiging ayos lang ang lahat." Rinig kong ani ni Father at napangiti ako. "Father, line ko 'yan, ako asawa." Singit ni Barbatos kaya napatingin ako sa kanya.

"Oh? Bakit ka nagseselos, Mr. Vegaspi? Pari ako, wala ka rito nung nangyari ang Krimen, wala namang masama sa sinabi ko ah." Kita ko ang pagkuyom ng kamao ni Barbatos at mahinang pagtawa ni Father. Kulang na lang ay umalis ako sa pagitan nila ay sila ang magsuntukan.

Ano bang problema ng dalawang 'to?

"Father Thanatos, maaari ka ba naming ma interview?" Tumango si Father sa sinabi ni Hepe. "Paano mo nalaman na anak ni Fei si Bertolomo? eh halos batang-bata ang itsura ng babae kaysa sa lalaki, at wala tayong nakitang ebidensya, kahit sa CCTV wala. Alam kong ikaw ho ang may gawa kung bakit natin nahuli ang mga Kriminal kaso pinagdududahan ka ng pamilya."

THE SINNERS HEADWhere stories live. Discover now