"Okay na ko steffi......Kanina pa nagriring yang cellphone mo ah, di mo ba sasagutin?"

Haiist, sino naman kaya to? Panira naman ng moment eh!

"Hello!...sino to??" sabi ko

"Bakit ang tagal mong sagutin ung phone mo!!?"

"Aiiist! Pwde bang wag kang manigaw!" leche! si steven lang pala

"Haay, sorry. Pumunta ka dito sa labas, sa may garden. Ngayon na!"

"Bakit?"

"Basta, pumunta ka na lang. May ipapakita lang ako sayo"

"Ocge, WAG KANG AALIS DYAN! BINABALAAN KITA!"

"Opo baby ko..."

|End Call|

"Si steven?" tanong ni vanna

"Hah? Oo eh. sige labas lang ako saglit ah. Magpahinga ka na"

"Sige. Ingat ka"

Sa garden.......

"Oy, asan na ung ipapakita mo sakin?"

O____O Jusko! Bigla-bigla na lang tong yumayakap, at sa likod ko pa. Backhug yata ung tawag dun eh.

"Steven......."

"Ssssh, wala kang jacket eh. Kaya hayaan mo kong ako muna ang magsilbing jacket mo"

^____^ Nakikiliti ako hahaha. Ramdam na ramdam ko ung mainit niyang hininga sa tenga ko. Grabe, kinikilabutan akoo

"Eee asan na ba ung ipapakita mo?"

"Tignan mo ung langit o! Ang daming stars."

"Tama ka, at ang gaganda nila" habang nakatingin sa langit

"Gusto mo silang makita ng malapitan? Ayan o, telescope."

Waah! Bonga! May telescope pang nalalaman! Mayaman! ^__^

Sumilip na ko dun sa telescope. Syempre ginaguide nya ko habang naka backhug parin.

"Ang gaganda nila." sabi ko habang nakasilip parin sa telescope

"Yeah. Nung bata ako, mahilig akong tumingin ng mga stars gamit yang telescope na yan. Regalo pa sakin yan ni Papa."

"Aaaaah....Tignan mo Steven! May dumaan na shooting star!" sabi ko sabay lingon kay steven-----

*Tsup*

O___________O My GOD! NAGKISS KAMI....AT SA LABI PA!

"Waaah! bakit mo kiniss!!?" sabi ko habang pinapalo siya sa braso

"Arraaay! Sh*t! Ano ba! Hindi naman kita hinalikan eh! IKAW ang nanghalik sakin! K-kasi lumingon ka! Alam mo na ,mang nakayakap ako sayo!"

"Eeeeeee ganun na rin yun! Nakaka-asar!"

"Grabe ka na mang makareact! Parang isang kiss lang dun para ka ng mamamatay! Hindi naman yun siguro ung FIRST KISS mo!!?"

"First kiss ko un.........." sabi ko habang papaiyak na

Nakaka-inis sya! Ni si Carlo nga hindi nya natikman ung matatamis kong labi eh, siya naman na FAKE BOYFRIEND ko ang nakahalik sakin huhuhu....

Wala na..

Wala na ung pinakaiingatan kong unang halik.

"Hahahaha, sa tagal nyong magkarelasyon ng boyfriend mo na yun! Hindi ka pa nya nahahalikan!? Nakaka-tawa naman kayo Hahahah ^____^" sabi nya habang tumatawa pa

"SIGE TUMAWA KA PA! NAKAKA-BWISET KA NA!  YOU BROKE RULE #2!"

"Hindi ako! IKAW!"

"Haisst! >___< Nakaka-inis kaa!" sabay alis ko

Steven's POV

Hahahaha ^__^ Naka-jackpat ako dun ah. Dapat pala lagi ko siyang ibaback-hug. Haha.

Pero di nga, di pa sila nag-kikiss nung boyfriend nya? Tsk! Tsk! Kahina naman nung lalaking yun!

Sorry na lang siya, AKO ANG FIRST KISS NI STEFFI ^___^

Haay, iba ung halik nya na yun. Kumpara sa mga babaeng you know. Parang gusto ko pa, haay, nakaka-adik naman!

To Baby ko:

Sorry <3

To Baby ko:

Baka di ka makatulog mamaya ;)

To Baby ko:

'Wag ka ng mag-tooth brush, para di mawala ;)

Panigurado, uusok na ung tenga nun! HAHAHA ^_____^

Past Lover or Present Lover? |COMPLETED|Où les histoires vivent. Découvrez maintenant