[W.O.S] CHAPTER 2: TRAPPED??

Magsimula sa umpisa
                                    

Sa totoo lang, sanay naman ako mamuhay ng mag-isa. Sanay din ako na walang kausap. Diba nga kasi madalas naman akong walang kasama sa bahay. Pwera nalang kapag nasa school.

Si Kuya kaya kamusta na? Hinahanap niya kaya ako?

Hay. Mabuti pa sigurong magpahinga na ako. Kailangan ko pang magpalakas para bukas lalo na't kakaibang mundo na 'tong pinasukan namin. Sabi nga nung GM, habang tumatagal mas lalong humihirap.

Tinanggal ko muna yung maskara ko at humarap sa salamin. Ang tagal ko na ding hindi nakikita ang buong mukha ko. May dahilan naman ako kung bakit ko ginagawa 'to. Pasensya na, kailangan muna kitang itago. Mas mabuti nang hindi na malaman ng kaibigan ko na nandito ako.

Sinigurado kong naka-lock yung pinto. Humiga na ako at pinikit ang mga mata ko. Tinanggal ko na ang lahat ng nasa isip ko para makatulog na ako.


*****


Ang dilim. Wala akong makita. Ang tanging naririnig ko lang ay ang mga patak ng tubig.

"Ashe-sama..."

S-sandali.

"Y-Yume?" sabi ko.

Nilibot ko ang paningin ko pero wala akong ibang makita.

"Yes. It's me."

Napasinghap ako.

"Sabi na nga ba eh. Alam kong hindi mo talaga ako iniwan." sabi ko. "Nasan ka ba?" tanong ko.

"I'm trapped." sabi niya.

T-trapped?

"P-pa'no nangyari yun? Hindi ko maintindihan." naguguluhang sabi ko.

"He did this." sabi niya. "I did not really disappear." dugtong niya.

"T-talaga?! If that so, pwede ko bang malaman kung nasan ka?" tanong ko.

"I'm just close to you." sabi niya.

"Close? How close in particular Yume?" tanong ko.

Nagtaka ako ng biglang tumahimik.

"Yume? Yume nasaan ka na?" nag-aalala kong tanong.

Tuluyan na sana akong mawawalan ng pag-asa hanggang sa narinig ko uli ang boses niya.

"Inside of you. I am inside of you."

Napangiti ako kasabay ng pagtulo ng luha ko.

"All this time, kasama lang pala kita?" sabi ko.

"Yes Ashe-sama. But as long as I am inside you, I can'not use my power. I warn you Ashe-sama. You will need me at the end of this world. You need to free me. I will be a nuisance to you hangga't di mo pa ako napapakawalan. May posibilidad na hindi ka makaligtas sa mundong ito hangga't hindi mo ako napapakawalan." sabi niya.

A-ano... hindi ko maintindihan.

"P-pa'no... anong dapat kong gawin Yume?" tanong ko.

"Humanda ka sa mga pagkakataong bigla ka nalang makakaramdam ng panghihina. Kagaya nga ng sinabi ko noon sa WOM, kontrolado niya kami. Kung ano ang gawin niya sa amin, mararamdaman mo din iyon. There is only one way for you to release me."

"Sige, sabihin mo Yume. I will do everything to save you." sabi ko.

"That will be your mission in this world. In order for you to free me, you must find your true strength." sabi niya.

"T-true strength? Anong true strength?" taka kong tanong.

"That's all I can say. Nasa sa'yo na kung pa'no mo yun mailalabas."


*****


"T-teka lang Yume!"

Napahawak ako sa ulo ko ng biglang sumakit ito. Napatakip din ako sa mata ko nang tumama dito ang sinag ng araw.

Umaga na pala at... napanaginipan ko si Yume. This dream is very strange. Naka-usap ko siya at may mga sinasabi siya sa akin. I was there in a dark place. I was the only one in there.

Bumangon ako at umupo sa upuan. Parang totoo ang mga pangyayaring 'yun. He said that he's trapped inside of me if I remembered it clearly. He also said that I must free him at isa lang daw ang paraan na pwede kong gawin. Kailangan ko lang daw mahanap 'yung true strength ko.

Anong true strength ang tinutukoy niya?

Kailangan kong maunawaan 'yun kung iyon lang ang paraan pala mapalaya siya. Kailangan kong mapalaya siya. I need him in order to survive in this world.

Si Kiro. Kailangan ko siyang maka-usap tungkol dito.

Tumayo ako at sinuot 'yung maskara ko. Agad akong lumabas at pumunta sa kwarto niya. Kakatok palang ako nang bigla niyang buksan ang pinto.

Tingin palang nagka-intindihan na kami. Kitang-kita ko rin ang pagtataka sa mga mata niya.

"Pasok ka." sabi niya at pumasok agad ako sa loob. Umupo kaming dalawa sa upuan.

"Si Yume/Si Yuri." sabay naming sabi. Nagulat kami at napahinto kami parehas.

Mukhang hindi lang ako ang naka-panaginip nun.

Kailangan talaga naming pag-usapan ito ng masinsinan.

FWO: Fantasy World Online (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon