Kabanata Dalawa: Tatak Pinoy

2 0 0
                                    


Kabanata 2: Tatak Pinoy

Buwan ng Aktibidad sa Genesis: Enero

Mabuting Balita: Whatever your hand finds to do, do it with all your might; for there is no activity or planning or knowledge or wisdom in Sheol where you are going.

Ecclesiastes 9:10

Blessed is the nation whose God is the Lord, The people whom He has chosen for His own inheritance

Psalm 33:12

Genre: Drama, Science Ideas

Kayamanang Walang Kapantay: Pagtataguyod ng Industrialismo sa bansa upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan. (Nasyonalismo)

-------------------------------------

Mga Nagsipag ganap

Lance Elane bilang Lance Erane

Liza Soberano bilang Griselda Flores

Zaijian Jaranilla Bilang Alex Panaga

David Remo bilang Rintaro Yukawa

Jean Garcia bilang Mommy Korine

March 10, 2004

''Lance, are you not coming down? Nandiyan na si Fr. sa baba.'' Wika ng mommy ni Lance sa labas ng pinto ng kanyang kwarto.

''I'll be right over, mom!''

Binuksan na ni Korine ang pinto ng kwarto at pumasok. ''You always keep on telling me the same answer when we are going to have a bible study.''

''Sorry Ma busy po kase. Malapit na ang Tuklas Agham festival. Part po ng Science week iyon.''

''Ilang minuto lang naman ito. Kahit one time lang, lagi kang ganyan. Nakakahiya kay Fr. Hinahanap ka niya lagi. C'mon.''

At napilitan na ngang sumunod si Lance sa mommy niya. Naka short lang siya at shirt. Magulo – gulo pa ang buhok niya at hindi pa napunasan ang salamin niya. Masyado kase siyang busy para magdasal ngayon. Kailangan niyang matapos ang Research niya sa Tuklas Agham. Hindi niya alam, kung ano ba ng maitutulong ng pag babasa at pag intindi sa bibliya. Pagdating sa salas. Hindi rin naman siya nakikinig sa pari.

Science week na kase sa Genesis College at abalang –abala ang paaralan lalo na ang mga kalahok sa Kabataang Tuklas Agham. Ang Kabataang Tuklas Agham ay isa sa mga event ng isang linggong pag diriwang ng Science week sa Genesis College. Ito ay ginaganap tuwing ikalawang linggo ng Marso bago magbakasyon. Dito pinatutunayan ng paaralan na may angking husay, talino at sipag ang mga mag aaral ng kanilang Pamantasan. Lahat ng mga mag preresenta sa kaganapang ito ay hindi na kailangang gumawa na Investigative Project o Thesis sa kanilang Science subject sasusunod na taon. Lahat ng sumali ay may matatanggap na Certificate. Subalit ang mga mananalo ay may award at patimpalak galing sa paaralan at mga sponsors nito.

Kumatok si Mommy Korine sa pinto ng silid ng kanyang anak na lalaki. Binuksan niya ito at sumilip.

''Lance, I cooked your favorite Kare – Kare and Chopsuey. Malumanay niyang tugon.''

''Sige po Ma.'' Sagot naman ni Lance habang ikinakabit ang pares ng turnilyo sa kanyang model ng jeepney at kotse. Nakaupo siya sa desk niya habang nag kukumpuni. Model automobile, ang pambato ni Lance sa taong ito. Kakaiba ang model na pambato niya. Isang Jeepney at isang Kotse na may kakaibang palamuti. Hangong – hango talaga sa disenyong Pilipino. ''Masyado ka naman atang nag papagod sa Science project na iyan.'' sabi ng kanyang mommy at niyakap siya mula sa kinauupuan niya. ''So tired mommy.''

ChristianimismTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang