Kabanata Una: Fieldtrip

2 0 0
                                    


Kabanata 1: Fieldtrip

Buwan ng Aktibidad sa Genesis: Enero

Mabuting Balita: Good will come to those who are generous and lend freely, who conduct their affairs with justice.

Psalm 11: 2: 5

Genre: Drama, Fantasy

Kayamanang Walang Kapantay: Pagtutulungan sa pagiging bukas palad (Generosity)

-------------------------------------

Mga Nagsipag ganap

Elijah Castillo bilang Vico Hipolito

Cedric Lamberte bilang Miko Hao

Kim Chiu Bilang Bb. Parambitan

Susan Africa bilang Inay ni Vico

Christopher De Leon bilang Dad ni Miko

February 18, 2006

''Magandang umaga mga bata!'' Pagbati ni Bb. Parambitan. Si Bb. Parambitan ang 23 taong gulang na adviser ng Grade 7, Pangkat Dalisay, sa Genesis College of Quezon city. Maganda si Miss Parambitan at may pagka artistahin ang dating. Mahaba ang buhok at nakalugay. Patulis ang mga mata at may kaputian.

''I would like to tell you that your Fieldtrip will be on February 10. For this year's excursion will be at Subic Freeport Zone in Zambales. This is a two day trip so I advise you to prepare for this wonderful event. Class, the amount to pay for your educational trip is 2000 pesos.'' Paliwanag sa kanila ni Bb. Parambitan.

Halatang – halata sa mga bata ang kasabikan na makapag field trip dahil mahabang pagsusulit na kanilang pinagdaanan sa mga nagdaang Linggo. Nariyan ang mga sabay sabay na projects na kailangang ipasa at mga quizzes at major exams na dapat maipasa sa kanilang mga teachers. Sa wakas ay makakapag pahinga rin sila at makapa-pamasyal.

Kahit si Vico ay masayang masaya rin sa darating na school trip ng kanilang klase dahil bukod sa 1st time niyang makasama sa Fieldtrip ay matutupad na rin ang pangako ng kaniyang Nanay na si Aling Lucing na isasama siya sa Field Trip kung sakaling mapapabilang siya sa Honor sa klase ay isasama siya Fieldtrip ng kanilang paaralan.

Si Vico ay galing sa isang public school nang siya ay elementary pa lamang subalit nang minsang bumisita ang mga Paring Dominikano sa kanilang paaralan nung Grade 6 siya at nakitahan siya ng pambihirang galing ay hinanapan siya ng isponsor at kinuhang iskolar sa High School ng GCQC. Akalain mo ba na mula Kindergarten hanggang Grade 7 ay 1st honor siya. Ngayon Grade 7 na siya ay Top 1 parin si Vico. Ngunit sa kabila ng mga honor titles at medals niya nung Gr. 6 siya ay kumakaharap sa pambihirang suliranin sa buhay sila Vico.

Dahil ito sa kahirapan. Kinder pa lamang si Vico nang mamatay ang kanyang ama sa sakit na Kanser. Dala ito ng sobrang pagod ng kanyang ama sa pag kakarpintero at Construction.

Ang nanay ni Vico ay naglalako ng iba't ibang kakanin sa palengke at paminsan – minsan ay

Kasambahay naman si Aling Lucing sa mga bahay – bahay at maswerte na kung makatanggap ng tambak – tambak na labada mula sa mga pinag tatrabahuan nito.

Simula noon ay mag isa na lamang na itinataguyod ni Aling Lucing si Vico at ang nakababatang kapatid na babae ni Vico.

''Inay mano po!'' wika ni Vico sa kanyang ina nang dumating ito sa bahay ng hapon. Ay Godbless anak! Masayang wika naman ni Aling Lucing habang nagluluto ng Sinigang na Bangus na may sahog na talbos. Mabilis itong nag tungo sa kanyang kwarto para magpalit ng damit pambahay at bumalik sa kusina upang mag balita sa ina.

ChristianimismNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ