"What, B?"

"No smoking." Bulong ko habang abala ang mga lalaki sa pag aayos ng lamesa nila.

"Bro, 'yung Johnnie?" Ani Jerro. Nanatili kaming nag-titinginan ni Tyson at hinintay ko talagang may gumuhit na reaksyon sa mukha niya.

"At least one. Please." Balewala niya sa ingay.

"Use your vape instead." Kondisyon ko. He sighed.

"Pampawala lang ng rindi, B, please." Laban niya. Napa-ikot na lamang ako ng mga mata at inayos ang buhok niya. I guess I just can't force a smoker to stop smoking in an instant. Lalo na't rinig ko'y malakas daw talaga ang temtasyong mag-yosi kapag naka-inom.

"Fine. Isa lang. Just make sure you don't smell like it when we go to sleep." Sabi ko. Maangas siyang tumango.

"G." Aniya. G ka riyan.

Tumalikod na ako at tumungo kina Thea na naabutan ko pang tumutungga na ng alak. Nakita kong Tequila Rose at Captain Morgan with Coke iyong nasa lamesa nila ngunit iyong Morgan ang nilalaklak ni Thea.

"Ang tagal mo, babe! Bilis, dito ka." Parang uod na binudburan ng asin na sabi ni Thea habang tinatapik ang upuang katabi niya. I giggled as I sat beside her.

"Hi, Apple!" Magkasabay na bati noong dalawang babaeng kaibigan ni Thea. My heart warmed. Para kasing kanina pa nila ako gustong kausapin kaso masyado akong occupied kay Tyson.

"Hello!" I cheerfully waved my hand at them. Tinanong ko rin ang mga pangalan nila at napag-alamang sina Bea at Peachy pala sila na mga taga La Salle rin.

Agaran kaming nagkagaanan ng mga loob dahil bukod sa magkaka-edad lang naman kami eh hindi rin naman sila boring kausap. Kalauna'y napansin kong mga matitino iyong dalawa ngunit iyong tipong nakakasakay din naman sa mga kabaklaan at kalokohan. Si Thea talaga iyong eksenadora kaya natatawa na lamang ako dahil nau-upstage niya ako sa daldalan.

Mabuti na lang talaga at sana'y akong umayon sa iba't ibang uri ng circle ng tao. I easily adapted to their energies. Mabuti na lamang at binabalanse ni Thea ang ere ng lamesa namin. Napapa-tili nga kaming apat kapag may sinasabi siyang bulgar kung bulgaran. Mas bakla pa siya sa'kin in some aspects!

"Girls." Sita ni Tyson sa kalayuan. Napa-tingin kami sakanila at nakitang naka-ngisi ang mga lalaking naka-tingin din sa'min, tila na-disturbo sila ng tili namin ngunit naa-amuse. Si Tyson lamang ang kalmado at maawtoridad na naka-tingin. Magka-harap ang posisyon namin kaya klarong klaro namin ang bawat galaw ng isa't isa.

"Boo! Mind your own boring little stories, man!" Pang-asar na sabi ni Thea at nag-tawanan kami nina Bea at Peachy. I gave Tyson a thumbs down. He sneered and looked away. Bumalik naman na rin sila sa usapan nila kaya dinedma na rin agad namin.

"Isa lang binili mo, Peach? Ang lakas uminom ni Apple!" Tawa ni Thea. Umiling ako habang inuubos ang laman ng baso ko. Ang sarap din naman kasi talaga ng Tequila Rose.

"Ikaw kaya 'yung salin ng salin sa baso ko!" Sabi ko at hinila ang kamay niya para patahimikin siya kasi akmang may pasigaw na naman siyang sasabihin.

"Tone it down, Tey. Baka patigilin na ako ni Ty 'pag shina-shout out mong nakakarami na ako!" Bulong ko. She puked as if very disgusted by it.

"Yucks! Ang corny niyang unggoy na 'yan! At kailan pa siya naging dramatic sa alcohol intake ng mga babae niya? Babe, I know you must be something, okay? But that brute is just so pakitang gilas!" Medyo kumukulot na ang dilang sabi ni Thea. Mariin akong napapikit at nang dumilat ay nagka-tinginan kami nina Bea at Peachy at sabay na natawa na lamang.

"Thea, hush it. Sige ka, baka kunin sa'tin si Apple agad."

"Or worse, e-ban ka rito!" Ani Peachy at Bea. Nag-tawanan kami.

The Merciless Stud (Hot Trans Series #3)Where stories live. Discover now