"Bali wala na ba iyon sa inyo na pinakulong ako?" tanong ko.

"Anak niyo ako Pang!" galit na sabi ko sa kaniya at hindi siya nakasalita at tumingin kay Mr. Sebastian.

Hindi ko alam kung may kasalanan ba kami sa lalaking ito dahil sa napapansin ko lahat ng dicision para sa akin siya ang nagdidisisyon. Wala tuloy akong kakampi dito kapag nagkakaganito ako dahil lahat sila kakampi ni Noah. Buti pa si Drew at si Jessie, minsan nga alanganin na din si Jessie. Si Drew na lang talaga ang nagmamahal sa akin at ang nakaka-intindi sa akin. Gusto kong malabas ang bigat ng kalooban ko. I want to released my nightmare in my past.

"N-Nagmakaawa ako sa kaniya. L-Lumuhod ako para iurong niya ang kaso pero anong ginawa niya? Tinuloy niya pa rin at nagdusa ako ng mahigit  tatlong taon doon. Hindi pa ba sapat iyon na dahilan para hayaan ako at para maging malaya na!" iyak na sabi ko.

"Ano bang kasalanan natin dahil sa nakikita ko he is dictating you..." turo kay ang papang.

"He dictating you and mamang, " sabi ko pa habang matapang na nakatingin kay Attorney Sebastian. Huminga ako ng malalim at hinarap ulit si Noah.

"Attorney ka pa naman pero hindi ka marunong makinig!" galit na sabi ko.

"Walang kang puso," Huling sabi ko at tinulak siya bago ko sila iniwan doon.

Pumasok ako sa kwarto ko at sumandal sa pinto dahil umiiyak pa rin ako. Huminga ako ng malalim bago ko nilock ang pinto at tinguno ang higaan ko. Dito ko binuhos ang sama at galit ko kay Noah.

Hindi ko alam bakit umiiyak ako at bakit mas lalong bumigat ang dib-dib ko. Narinig kong bumukas ang pinto ko kaya mas lalo kong sinubsob ang mukha ko sa unan  kahit anong gawin ko naman mabubuksan na mabubuksan niya ang kwarto ko.

"Bumangon ka diyan at mag-usap tayo, " mahinahon niyang sabi sa akin at naramdaman kong umupo siya sa paanan ko pero hindi ko siya pinansin. Bahala siyang mag-antay ng wala dahil hindi ko siya kakausapin.

"Bella!" warning niyang tawag sa akin. I'm not Bella. I am Anya Belle Mendez. Nagtataka ako baka nagkamali lang talaga siya. Hindi ako si Bella dahil malayo sa pangalan ko iyon.

"Isa?" Ubos na pasensiya niyang bilang sa akin.

"Dalawa?" patuloy niyang bilang kaya lumunok muna ako bago dahan-dahan bumangon. Yumuko ako dahil mahirap siyang titigan. Hindi katulad ni Drew na makaya kong titigan ang mga mata niya itong si Attorney ay hindi ko siya matitigan dahil parang nilalamon ako ng mga amber niyang kulay ng mata. It's Beautiful.

I know that Attorney Noah Lev Sebastian is part of my life.He is my husband they all said pero hindi ako naniniwala doon. It's because my life is miserable  base sa pinapa-aalala ng alaala ko sa kaniya at isa pa ang pagkawala ng pinsan ko. Actually, pinipilit ko siyang alalahin kung totoo man pero wala akong maalalang masasayang pagsasama namin like friends or lover of mine. Basta ang maalala ko lang ang pagmamakaawa ko sa kaniya na wag akong ipakulong pero ginagawa niya pa rin.

"Look at me, " rinig kong utos niya sa akin kaya umiling ako dahil hindi ko kaya. Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin at marahas na tumayo.

"Simula ngayon wag kang makikipag kita sa kaibigan mong si Drew! " matigas na sabi niya  kaya napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga paningin namin. Gumalaw ang panga niya kaya napalunok ako dahil galit siya.

"Sino ka para pagbawalan ako?" matapang na tanong ko.

"Alam mo kong sino ako, Bella!"

"Kaya wag mong ubusin ang pasensiya ko baka hindi mo na makita ang mga magulang mo! " Banta niyang sabi sa akin. Diyan siya magaling ang takotin ako kaya ayaw kong umuwe sa bahay niya baka kawawain lang ako doon. Mas pinili kong dito sa Ilocos umuwe dahil may kakampi ako.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now