BENEATH THE PAGES: Chapter 2

4 1 0
                                    

MADELINE

Baryo ng Serf, dulong hilaga ng Keld.

"Madeline, tila nawiwili ka riyan sa binabasa mo?"

Nag-angat ng tingin si Madeline upang makita ang nagsalita. Ngayon lang niya narinig ang boses na 'yon.

"Tila nawiwili ka rin na ako'y panoorin. Sino ka?" Malamig niyang sagot.

Humalakhak ang binata sa naging sagot ni Madeline. "Pft. Hahahaha! Sorry! Ako nga pala si Gerd San Lorenzo. Isa akong iskolar mula sa kapitolyo."

Tumaas ang kilay ni Madeline dahil ngayon ang kinarooonan niya ay hindi sakop ng hotel ng mga dayong iskolar.

At higit sa lahat– "Bakit alam mo ang pangalan ko?"

"Oh, I'm sorry. Anak ako ng chief village sa kabilang baryo. At tama nga sila na malalim ka magsalita!"

"Malalim na ba ang tanungin kung sino ka?"

"Oh. Haha. I'm sorry, again."
"Oh! Anyway! Pinatatawag ka ni Sir Lionel."

Napabuntong-hininga na lang si Madeline. "Mauna ka na. Susunod ako."

"Oh, sure. Nasa bahay niyo siya. Maiwan muna kita."

Nang makasigurong wala na si Gerd, saka tumayo si Madeline. Inalis ang salaming suot.

"Haaa. Kung pwede lang..." Tumingin siya sa paligid, pumikit at nagsalita, "...derefe ol."

Pagdilat niya, nasa kuwarto na niya siya.

Muli niyang isinuot ang salamin at inilagay sa side table ang librong binasa at saka naggayak papunta sa bahay ni Sir Lionel.

"Lin?" Takhang tanong ng kanyang ama. Mukhang galing ito sa pamamalakaya.

"Pa."

"Saan ka pupunta? Hindi mo ba susunduin si Dana?" Tukoy sa bunsong anak na nasa kindergarten.

"Mukhang hindi ko po magagawa. Pinatatawag daw ako ni Sir Lionel."

"Tungkol ba ito sa–"

"Hindi ko pa po alam. Pero isa lang ang sigurado. Nandito siya at kasama ang mga iskolar mula sa kapitolyo."

"Ganon ba? Sige. Ako na susundo kay Dana. Mag-ingat ka."

"Opo. Kayo rin po. Dito na po ako."

Yumakap siya sa ama bago tuluyang lumakad.

Pagdating ni Madeline sa bahay ni Sir Lionel, napansin niyang 'di biro ang mga panauhing naroon.

Dumiretso siya sa likod-bahay kung nasaan ang kusina. Dahil sa malamang na naroon rin ang kapatid ni Sir Lionel– si Marissa; na 'di magkandaugaga sa pag-aasikaso sa mga bisita ng kapatid.

Hindi nga siya nagkamali.

Nakasalampak ito sa mesa habang nakaupo at tila may binabantayang lutuin.

Beneath the Pages Where stories live. Discover now