"Ano iyon sabihin mo?" tanong ko sa kaniya pero nilagay niya lang ang mga daliri niya sa may baba niya at kunwari nag-isip ito pero mayro'm na iyan ipapabili alam ko dahil kilala ko ang pamankin kong ito.

"What do you want to urchase?" tanong ko ulit dahil kunwari pang nag-iisip.

"Bicicleta Grande, " mabilis niyang sabi at nagpalak-pak pa. A big bike saan niya na naman nakita ang gusto niyang ipabili.

"Todavía eres joven, Adam! " sita sa kaniya ng kaniyang Mamma. Alam naman iyan ni Lorenzo, basta tawagin siya ng kaniyang ina na Adam alam niyang magagalit ito.

"Creceré también mamá, como papá y papá, " kalmadong sagot niya naman at inubsub ang ulo niya sa dib-dib ko. Tumaas ang kilay ko at tumingin sa Papa niya na umiling din bago seryosong tumingin sa kapatid ko.

"Stop, Eli! " sita ko sa mamma niya dahil magsasalita pa sana siya. Bubungangaan niya na naman angaAnak niya dahil diyan sila magaling ang magsalita ng magsalita.

"Kuya!" pagalit na tawag niya sa akin kaya nilakihan ko siya ng mata.

"Lorenzo y yo somos los únicos que vamos a comprar lo que vende que se vaya primero, " sabi ko kaya mas lalo pa siyang pumula sa galit at lalapitan na sana kami buti na lang nahawakan siya ng asawa niya.

"Ini-spoiled niyo kasi ang bata kaya ganiyan, "sabi niya sa akin at tinignan ako ng masama.

"Su padre le compró su coche so, may karapatan din akong bilhan siya ng gusto niya, " sagot ko din sa kaniya. Naramdaman kong mahapdi na ang mga kamao ko kaya kailangan na itong malinisan at magamot pati damit ni Axlev may mantsa na ng dugo.

"Hindi niya iyon magagamit hanggang wala pa siya sa tamang edad," seryosong sagot niya sa akin.

"Edi gano'n din gawin mo sa pinapabili niya sa akin, " sabi ko din sa kaniya kaya pinaikotan niya lang ako ng mata at hinatak na ang asawa niya. Umiling nalang ako sa kaniya dahil nagsisimula na naman siya.

Nagpaalam na sila kay daddy at sa magulang ni Bella. Bumababa na din si Lorenzo sa pagkakakandung sa akin at humalik muna siya sa labi ko bago lumapit sa papa niya at nagpabuhat ito sa kaniya. Tumingin si Eli sa akin at huminga muna siya ng malalim at lumapit sa akin. Binigyan niya ako ng halik sa pisngi at niyakap ako.

"I love you, " sabi niya sa akin.

"I love you too, baby, " sagot ko din sa kaniya at hinalikan ang noo niya tapos hinaplos ang tiyan niya.

Inunat ko ang mga paa ko at sinandal ang katawan ko sa sandalan ng upuan pati ang ulo ko bago tumingala at pumikit. Wala akong ibang hiling ngayon kundi ang buhay ng asawa ko.Ang buhay niya na palagi kong pini-pili kahit anong mangyari kahit buhay ko pa ang kapalit.

"Oh! Jesus, mahigit tatlong taon kong sinalba ang buhay niya tapos aksidente lang pala ang dadali sa kaniya?" tanong ko.

"Ano bang ginawa kong mali...M-mali ba ang pinakulong ko siya dahil sa pagpili ko sa kaniya... But I choose her, I choose her life. Ne, halos hindi iyan dapoan ng lamok sa kulungan because I secured everything," sabi ko sa kawalan habang lumuluha.

"A-Attorney... Mmmm..." tawag sa akin kaya minulat ko ang aking mata at tumingin sa gawi ko. Hindi ko alam kung kanina pa siya bahala siyang marinig niya ang tanong at sinabi ko. I'll wipe my tears.

"Yes?" sabi ko sa nurse.

"Pinapunta po ako dito ni ma'am Eli dahil kailangan daw po malinisan ang kamay niyo," magalang na sagot niya sa akin kaya napatango ako.

Tumayo ako at nagpaalam sa mga magulang ni Bella dahil tatlo na lang din kasi kaming naiwan dito sa ospital at nagbabantay. Ipapagamot ko lang sugat ko at pagbalik ko mamaya ay papauwein ko muna ang mga magulang niya para maka pagpahinga na din sila.

Obsessed To Ex-convict ( BACHELOR IV) COMPLETEDWhere stories live. Discover now